Abot abot ang kanyang paghinga habang lakad takbo niyang gustong lisanin ang masukal at liblib na pook na iyon. May kadiliman ang paligid. Dagdag pa ang makapal na hamog na bumabalot sa buong lugar. Tahimik doon at ang maririnig mo lamang ay ang huni ng mga ibon at insekto mula sa talahiban at malalaking puno na pumapalibot doon.
Nasaan ba siya? Kanina pa siya nag lalakad, bakit parang hindi man lang nagbabago ang kanyang destinasyon. Inaninag niya ang daang tatahakin. Parang kadaraan niya lang doon ah! Parang nanggaling na siya sa lugar na iyon!
Inilibot niya ulit ang paningin. Kung saan siya nanggaling kanina ay mismong lugar din kung saan naputol ang daang tinatahak niya. Ano ba ang nangyayari? Naliligaw ba siya? Paano ba siya nakarating sa lugar na ito? At bakit parang kahit saan ang tunguhin niyang daan, doon at doon pa rin siya napupunta? Paano ba makalabas mula dito?
Ilang sandali pa ay parang may naulinigan siya. Mukhang may paparating. Inaninag niya ang direksyon kung saan niya naririnig ang yabag ng mga paa. May nakita siyang anino! Anino ng isang naka mahabang puting damit na babae. Tila palapit ito sa kanya.
“Alejandro?”
Napalingon siya sa paligid. Siya lang naman ang nandoon. Sino ang tinatawag ng babae na iyon?
"Alejandro!"
Kumilos ito at sabik na lumapit sa kanya, at makaraan ng ilang sandali ay lumapit pa. Bakit tila isang bilog na blankong itim lang ang naanig niya mula sa mukha nito? Napaatras siya, ilang hakbang nalang ang agwat nito sa kanya nang itaas nito ang dalawang braso at akmang yayakapin siya.
Nang biglang….
“Ash! Ashton!... Nananaginip ka!” Yugyog sa kanyang balikat ni Shantal, ang babaeng katabi niya sa kama noong gabing iyon.
Bigla siyang napakislot sa pag kakahiga at nagising sa tila masamang panaginip. Butil butil ang pawis sa kanyang noo at leeg at habol ang paghinga siyang napabangon.
“Ok ka lang?” bahagyang bumangon ang babae para buksan ang lampshade na nakapatong sa maliit na lamesa na nasa tapat ng hinihigaan.
Napatingin siya dito. Takip takip ng babae ang puting comforter sa hubad na katawan. Ibinaling niya pa ang paningin sa paligid. Nasa hotel nga pala sila. Mabilis niyang inalis ang kumot sa katawan at inilapat ang mga paa sa sahig habang nakaupo pa rin sa gilid ng kama. Naisapo niya ang isang kamay sa ulo. Bakit ba nandito pa siya? Usually pagkatapos niyang maikama ang isang babae ay umaalis na agad siya at umuuwi na sa kanyang condo. Ngayon ay tila nakatulog siya, marahil sa sobrang pagod.
Tinapunan niya ulit ng tingin ang babaeng kaka-meet niya lang kanina at nakasalubong sa hallway ng Engineering faculty. Maganda ito, sexy, kaya nga pinatulan niya nang nagbigay ito ng motibo. Ano pa nga ba? Tatanggi pa ba siya eh ang babae na ang lumalapit.
Tumayo siya at hinagilap ang mga damit. Nang makita iyon sa bandang paanan ng kama ay isa isa itong dinampot at mabilis na isinuot.
“Where are you going? Aalis ka na agad?” tanong ng babae na napabangon din, hawak parin ang kumot na pinangtatakip sa hubad na katawan.
“I need to go. Don't worry, bayad na ng isang gabi ang room na ito, you can sleep here and leave tomorrow morning,” pakli niyang sagot habang inaayos ang longsleeve na polo.
Tumayo ang babae. Tumambad ang hubad at makurbang katawan nito. Lumapit ito at lumingkis sa katawan niya. “Don't you wanna do it again? Com’on, we can do it as many as you want tonight,” may panunukso nitong hinaplos ang mukha niya.
Iniiwas niya ang mukha at inilayo ang katawan sa katawan ng babae. Hindi siya ganung klase ng lalake. Once na natikman na niya ang babae ay hindi na iyon mauulit pa. Hindi sa umiiwas siya na magkaroon ng feelings sa nakaniig, kung hindi wala pang babae na nakapag-attract sa kanya para gawin iyon ng paulit-ulit. Ang ugali niya ay pag katapos ng isa, sa ibang araw ibang putahe naman ang tinitikman niya. Ganun si Ashton Moretti sa babae.
May hinugot siya sa bulsa sa likod ng kanyang suot na gray na slacks. Isang tila maliit na papel iyon. Binuklat ito sa pagkakatupi. Isang cheke iyon na ginawa niya na bago pa sila mag simula kanina.
“Here’s your money, you can withdraw that in any bank you want,” itinapon niya iyon sa kama at mabilis nang nilisan ang loob ng kwartong iyon. Naiwan ang nakatulala lang na babae.
Pagkalabas sa kwarto na iyon ay agad niyang hinanap ang elevator. Nang makita ito ay pinindot agad ang buton na ilang sandali lang ay bumukas agad. Dumiretso siya sa loob at pinindot ang close button. Pasarado na ito ng biglang may pumigil ditong isang kamay mula sa isang babae na tila nagmamadaling makapasok din doon. Bumukas ulit ang pinto nito. Mabilis itong pumasok sa loob ng elevator. Tumayo ito sa tapat niya pagkatapos pindutin ang 1st floor button. Naamoy niya ang nakakaakit na pabango ng babae na tila balisa noong panahon na iyon. Palihim niya itong pinagmasdan. Naka suot ito ng silk na robe. Marahil ay nakasuot na ito ng pang tulog at may sasadyain lang sa 1st floor ng hotel.
Sabay silang lumabas nang bumukas ang pintuan ng elevator. Nilampasan siya at mabilis na halos takbuhin na nang babae ang hallway patungo sa reception area ng hotel. Dahil tahimik na noong oras na iyon ay malinaw na narinig niya ang tanong nito sa mga receptionist. Nawawala daw ang identification card nito na ginamit sa pagbayad sa hotel kanina nang mag check-in doon. Tsaka siya napa tingin sa floor ng daraanan. Tamang tama na napagawi ang tingin niya banda sa gilid ng hallway na may nakalagay na malaking halaman, sa sulok nito ay may nakita siyang tila isang bagay. Pinuntahan niya iyon at pinulot. Nakumpirma niya nga na isa itong ID. Hindi niya alam kung pag-aari iyon ng babae pero paliko na siya sa reception area ng mabangga ang babaeng nakasabay sa elevator kanina.
Nahawakan niya ito sa bewang nang halos tumalsik ito sa pagkakabangga sa matipuno niyang katawan. Napapikit ang babae na bahagya pang nauntog sa kanyang matigas na dibdib.
“I’m sorry Miss!” paumanhin niya agad dito habang halos akap akap na ang babae na nawalan ng balanse dahil sa pagkakabangga sa kanya. Naamoy niya ulit ang pabango nito. Biglang naglakbay ang kanyang imahinasyon. Ang sarap simsimin ng babae, lalo na nang magawi ang kanyang paningin sa bandang leeg nito. Pababa pa sana sa katawan nito ang paningin nang marinig niya na magsalita din ito.
“I’m sorry. Medyo nagmamadali lang ako,” paumanhin din nito at inayos ang malapit nang ma un-tie na tali ng suot na robe.
“Ito ba ang hinahanap mo?” ipinakita niya sa babae ang napulot na card.
Nagliwanag ang mukha nito nang makita iyon na mabilis din na kinuha sa kamay niya.
“Paanong--?”
“I heard you asked the receptionist about the ID, tamang tama nakita ko yan doon banda sa gilid ng hala--” hindi pa siya tapos magpaliwanag nang walang ano ano’y walang kamali- malisya itong napaakap sa kanya sa tuwa habang panay pasalamat. Naramdaman niya ang pagdantay ng malulusog nitong dibdib sa kanyang itaas na tyan. Biglang nag-init ang kanyang pakiramdam sa tagpong iyon.
“I'm sorry! I'm just happy! I was looking for this for over an hour na. This is the only identification card that I have,” anito nang kumawala sa pagkakayakap sa kanya.
Maya maya’y nagpaalam na ang babae na babalik na sa kwarto nito. Napatango at napangiti lang siya, nang hindi sinasadya ay napakapa siya sa kanyang bulsa, nakapa niya ang wallet doon pero may isa pa siyang hinahanap na nawawala, ang kanyang cellphone. Nakalimutan niya iyon sa loob ng pinanggalingang kwarto kanina. Agad siyang naglakad pabalik sa elevator para makabalik sa room nang makasabay niya ulit ang babaeng iyon.
Halos sabay sila pumasok sa elevator nang magkatinginan at magkangitian sa isa’t isa. Pinindot niya ang number ng floor na kanyang pupuntahan. Ang babae naman ay nanataling nakatayo lang. Naalala niya na parehas pala sila ng floor na pinanggalingan kanina.
Pumaakyat ang elevator, 2,3,4,5,6...
Nagulat sila ng biglang huminto ito at mawalan ng ilaw. Huminto rin ang tila makinang humihila dito paitaas. Tsaka lang nila na realize na nawalan ng kuryente ang buong hotel.
Biglang napakapit sa kanyang braso ang babae. Napatingin naman siya dito pero dahil madilim ang paligid ay hindi niya ito masyado maaninag. Sinubukan niyang huwag magpanic kahit first time itong nangyari sa kanya na ma-stock sa isang elevator.
Hinanap niya ang emergency button doon at pinindot iyon. Maya maya ay naramdaman niya ang tila panginginig ng babae.
“Miss, are you okay?” tanong niya dito.
“Sorry. I tried to relax pero meron po talaga akong claustrophobia,” anito na patuloy ang panginginig ng katawan at nagsimula nang habulin ang paghinga.
Sandali siyang nataranta pero pinakalma din ang sarili. Baka lumala lang ang sitwasyon ng babae kapag nalaman nito na maging siya ay nag-papanic na rin. Pinaupo niya ang babae at pinasandal sa dingding ng elevator. Umupo din siya paharap dito at hinawakan ang mga kamay nito.
“Don’t worry, I'm here,” aniya. “Try to relax. Breath in, breath out! Sabayan mo ako, 1, 2, 3, breath!… 1, 2, 3, breath!" pinangunahan niya ito habang hawak ang mga malalambot nitong kamay. Awkward man dahil first time niya rin na ginawa ito.
Ginaya siya ng babae ng paulit-ulit pero wala pa rin nagbabago dito, natatakot ito na baka matagal pa ang pagrescue sa kanila o baka walang taong nakakaalam na na-stuck sila doon. Bumitaw ito sa lalake at simulang umiyak.
"Hey! Hey! Crying will not gonna help you," hinagilap ulit nito ang kamay ng kaharap at pinisil pisil. "Just try to relax. We will be out of here soon… Breath in breath out, breath in breath out." ramdam niya pa rin ang paghabol ng paghinga nito at impit na pag iyak. "Okay, hold me close… Is it ok if we hug? Para maramdaman mo ang paghinga ko at para masabayan mo ako," hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya basta para makatulong lang sa babae ay gagawin niya na ang lahat. Kargo de konsensya niya ata pag may nangyari dito.
Hindi naman nagsalita ang babae at agad na siyang niyakap. Mahigpit ang ginawang pagyakap nito na halatang takot na takot. Naramdaman niya ulit ang dibdib nito, awkward ang feeling pero may sarap din sa pakiramdam. Naglakbay ulit ang kanyang isip pero saglit lang at iwinaksi niya iyon sa isipan. Ginagawa niya iyon para matulungan ang babae hindi para ientertain ang mga kung ano anong pumapasok sa kanyang malisyosong utak. Dahan dahang kumilos ang mga kamay niya at niyakap ang babae. Inalo niya ito sa likuran nito at pinasunod sa bawat paghinga niya.
"Can I know your name?" tanong niya dito. Napag-isip niya na baka mas makatulong if they can have a conversation.
"I’m Ellie." Sagot agad nito
"Oh, hi Ellie! I'm Ash. Nice to meet you!" patuloy ang pag-alo nito sa likod ng babae. Sa ayos nilang iyon ay lalo niyang naamoy ang nakakaakit na pabangong gamit nito. "How old are you Ellie?" tanong niya ulit sa babae.
"I'm 26 na, sorry pa baby pa ako, kapag ganito kasing sumusumpong ang sakit ko hindi ko alam kung anong gagawin," anito na mahigpit parin ang yakap sa lalake. "How about you?” tanong din nito.
Sabi na nga ba at hindi naman ganun kalakihan ang agwat ng kanilang edad. Ikinatuwa niya rin ang simulang pagtatanong nito. Ibig sabihin ay medyo nakakalimutan na nito ang nararamdamang takot.
"Hmm… mas matanda ako sa iyo pero hindi naman ganun kalaki ang agwat ng edad natin,” aniya. "Would you mind if I ask kung ano ang ginagawa mo dito sa hotel?"
Dahan dahan nang lumuluwang ang pagkakayakap ng babae. "I just got here from the States. Malakas ang ulan at matrafic na kaya dumiretso nalang ako dito para mag-stay ng isang gabi. Ikaw?"
Natigilan siya nang ibalik nito sa kanya ang tanong. Sasagutin nya ba ito na may dinala siya ditong babae for a one night stand? Huwag nalang siguro, baka matakot sa kanya ang babae. Nasa gitna siya nang pag-iisip ng irarason nang biglang umandar ulit ang makina ng elevator at mag-on ulit ang ilaw nito. Parehas silang napabitaw sa isa't isa. Hindi sila nag-kaimikan na tila nagkahiyaan pa. Ilang minuto pa ay umandar na ulit ito nang pindutin ulit nito ang number ng floor na pupuntahan nila.
Napagpasyahan niya na ihatid ang babae sa mismong kwarto nito bago siya pumunta sa kwarto kung nasaan nandoon ang telepono at ang babaeng iniwan niya kanina.
"Are you sure you are okay now?" tanong niya ulit dito bago tuluyan nang iwan ang babae.
"I’m okay. Thank you so much sa pag-comfort mo sa akin kanina,” isang matamis na ngiti ang binigay nito.
Hindi niya maitanggi na sa sandaling panahon ay nakapalagayan na ng loob ang babae. Tila may kakaiba ang maamo at maganda nitong mukha na siyang ipinako ng kanyang paningin noong sandaling iyon.