"Hindi ako ang dapat ninyong kausapin," saad ng matanda nang makaharap nito ang dalawa kinahapunan. "Eh diba po Lola noong maliit pa ako, marami kayong naikukwento tungkol sa lumang bahay na iyon?" tanong ni Ellie sa matanda. Ito si Lola Aguida, ang nanay ng kanyang mommy na siyang tumira dati sa kanilang bahay noong bata pa siya. Matagal na rin itong balo. Umalis lang ito at tumira sa Bataan kasama ang nakakatandang kapatid para alagaan ito. "Marami akong alam ngunit mas malawak ang kaalaman ng aking kapatid na si Ate Florencia tungkol doon," sagot nito sa malumanay na tono ng boses. Nagkatinginan ang dalawa. Paano nga ba nila makakausap ang matandang iyon eh may Alzheimer's na si Lola Florencia. Nang walang ano ano ay may nagsalita sa kanilang likuran. “Ate Eleonor? Kuya Alejan

