Tirik na ang araw nang magising si Ashton kinabukasan. Wala na si Ellie sa tabi niya. Rinig niya ang paglalakad nito sa loob ng bahay habang amoy niya ang niluluto nitong sinangag, bacon, itlog at hotdog. Amoy narin sa buong bahay ang aroma ng ginagawa nitong kape. Napangiti siya. Ang sarap siguro gumising tuwing umaga kapag ganito ang eksenang kamumulatan ng iyong mga mata. Ang sarap siguro maging asawa ni Ellie na ipagluluto ka at ipaghahanda ng pagkain araw araw. Nasa ganoon siyang isipin nang mapansin siya ng dalaga. Lumapit ito sa kanya nang makitang nakaupo na siya sa higaan. Nakapagpalit na ito ng damit at tapos na rin na makapaligo. Ang totoo ay may tuwalya pa ito na nakabalot sa buhok at nakapatong sa ulo. Binati siya nito ng magandang umaga at binati niya rin ito pabalik. L

