ANSHIE POV Biglang uminit ang mga pisngi ko nang makita si Seb. At hindi ko alam kung bakit— pero agad akong bahagyang lumayo kay Doc Lenard. Samantalang si Doc Lenard naman ay bahagyang napangiti bago napakamot sa batok nang makita ang uncle niya. “Uncle Seb,” bati niya. “Nandiyan ka na pala.” Tahimik lang si Seb. Malamig ang mukha. Halos walang emosyon habang nakatingin sa amin. “Ang aga mong umuwi,” dagdag ni Doc. “Wala ka nang gagawin sa Corp?” Saglit na katahimikan. Pagkatapos ay bahagya lang umiling si Seb. “Nope.” Malamig pa rin ang boses niya. “Sumama kasi pakiramdam ko.” Hindi ko alam kung bakit… pero parang may ibang ibig sabihin ang tono niya habang sinasabi iyon. At mas lalo akong nailang dahil pakiramdam ko— kami ang dahilan kung bakit sumama ang mood niya.

