MANG ANDY'S POV
Iyon ang kanina ko pa iniisip ang anak kong si Anshie. Dahil ko na naaasikaso ang bata. Anim na taon na ito at hindi pa nabibinyagan.
"A, e. Iyon nga po ang iniisip ko, Senior Sebastian kasi po anim na taon na po siya at hindi ko pa napapa-binyagan."
"O, e bakit ngayon mo lang nasabi. Kawawa naman ang bata."
Napakamot ako sa batok. Mukhang napahiya pa ako.
"Sabihin mo sa akin kung kailan mo asikasuhin ang binyag ng anak mo at tatayo akong ninong." Anito.
Kaya natigilan na naman ako sa sinabi ni Senior Sebastian.
"P-po, tatayo po kayong ninong?"
Napatingin siya sa akin. Katabi ko siya sa unahan ng kotse.
"Bakit naman hindi. Ako nagagastos kung may gagastusin."
Nahiya naman ako. "Huwag na po, Senior. Gusto ko nga po simpleng binyagan lang. Kahit wala na pong kainan."
"Grabe, ka naman, Andy. Napakuripot mo rin pala." Tumawa ito ng bahagya.
Umuwi ako sa bahay pagkahatid ko kay Senior sa mansion.
Kinausap ko si Maria kung ano mga preperasyon sa binyag.
Sabi ko ay binyagan lang wala ng reception. Kahit isang ninong at ninang lang.
Kaya sinabi ko na isa na doon si Senior Sebastian. At nag-boluntaryo naman si Maria na maging ninang.
Pagkalipas ng isang lingo ay dumating ang binyag ni Anshie. Sinundo ko si Senior Sebastian sa mansion. At pumunta na kami ng simbahan.
Si Maria at si Anshie ay nanduon na sa simbahan nag-aantay.
Nakaputing bestida si Anshie. Bagay sa kaniya para siyang malaking manika.
Ang haba ng buhok niya at nakapusod.
Bagay din sa kaniya ang mabilugan niyang mata. Masaya siyang sinalubong niya ako patakbo ng makita akong papasok sa loob ng simbahan pero iniwasan ko siya.
Napansin iyon ni Senior Sebastian.
Pero hindi na siya nagsalita.
Ngumiti siya at kinausap si Anshie.
"Iha, ang ganda mo namang bata. Alam mo ba na binyag mo ngayon?"
Sumilay din ang ngiti sa pisngi ni Anshie.
"O-opo. Sino po kayo?" Nakangiti din ito kay Senior.
"Malalaman mo rin kung sino ako."
Ipinatong ni Senior Sebastian ang kamay sa ulo ni Anshie.
Pagkatapos ay may dinukot si Senior Sebastian sa kaniyang suot na coat.
"Ito, iha. Sa iyo ito. Regalo ko sa iyo." Ibinigay niya ito kay Anshie.
Isang malaking chocolate.
Lumaki ang mga mata ni Anshie sa tuwa.
"Wow! ang laki naman po nitong chocolate. Mabuti pa po kayo binigyan niyo po ako nito."
Tapos napatingin si Anshie sa akin.
Alam niyang tuwing uwi ko wala man lang akong dala sa kaniya. Kahit ni isang kendi.
Napatingin sa akin muli si Senior Sebastian.
Tingin na may kahulugan. Umiwas ako.
Dumating ang pari.
Tinawag ako at kasama ang bata na kinausap kami.
Kaya naiwan muna si Senior Sebastian at Maria doon sa may harap ng altar.
Makalipas ang ilang sandali, bumalik na kami sa harap ng altar para simulan ang binyag.
Pero nagsalita si Senior Sebastian.
"A....Andy, Siguro ay ihatid mo na muna ako sa mansion. Mukhang sumama ang pakiramdam ko. Tinawagan ko nga pala si Seb na siya na muna rito."
"G-ganun po ba?"
"Bigla po kasi siya nahilo. Tapos sabi niya nasaan daw siya. Parang bigla nawala ang memorya niya tapos sabi ko ay nandito po tayo sa simbahan. Tapos may tinawagan po siya sa telepono. Iyon po ata yong anak niya." Paliwanag ni Maria.
Inalalayan ko si Senior Sebastian.
Nagpaalam na muna ako sa pari na babalik ako at antayin na lang din si Senyorito Seb na tatayong ninong.
Pumayag naman ang pari na mag-aantay.
SEB POV
"Pa, nasa airport ako." Sagot ko.
"Damn it, Seb, she's not good for you. Mabuti ngang umalis na siya." Mariin ang boses ni Papa sa telepono.
"Pa, I love her. At wala ka na magagawa roon!" Halos sigaw ko na sa telepono.
"Damn it! Seb. You better come here nandito ako sa church. Mag-nininong ako sa anak ni Andy. Kaso sumama ang pakiramdam ko. So you better na ika mina ang tumaying ninong."
"What!? Pa, I am 21, years old wala akong balak maging ninong sa binyag."
Sagot ko.
"Nakakahiya kay Andy. You better come here, punyeta ka!"
"Alright, Pa!" Inis at irita kong sagot.
Pinadala niya sa akin ang address ng simbahan kung saan ang binyag.
Pagdating ko roon nandoon na si Mang Andy at isang babae na medyo may edad na rin tapos ang pari. Tsaka isang bata na siguro ay lima o anim na taong gulang na ito. Nakatitig lang siya sa akin.
Hinahanap ko yong sanggol na bibinyagan.
"Mag simula na tayo." Sabi ng pari.
Napatanong ako. "Nasaan po yong sanggol?"
Nagkatinginan.
Tapos ngumiti si Mang Andy sa akin.
"Senyorito Seb, ito po ang anak ko ang bibinyagan."
Itinuro niya ang bata.
Tumango lang ako. Hindi pa rin umalis ang paningin ng bata sa akin.
Hindi ko na rin pinansin.
Wala rin ako sa focus. Hindi ko nga rin alam kung ano ang pinagsasabi ng pari. Dahil mabigat ang dinadala ko. Ang sakit ng dibdib ko ng umalis si Donabelle. Hindi niya man lang ako inantay sa airport.
Hindi man lang kami nakapag-usap bago siya umalis.
Pagkatapos nagsindi ng kandila. Tinuruan lang ako ng babae doon.
Pagkatapos magbasbas at seremonyas umupo muna ako sa upuan doon.
Pinagpawisan ako.
Tapos si Mang Andy. At ang bata ay kinausap ng pari.
May lumapit na binatilyong sakristan.
May iniabot na log book at ballpen.
Tinignan ko lang iyon. Tapos hawak ko ang ballpen.
Tinignan ko lang. Dahil nasa isip ko si Donabelle. May nabuo na akong plano.
Susundan ko siya ng amerika.
Tapos ay ibinaba ko na ang ballpen at inipit doon sa logbook at ibinalik sa sakristan.
Lumapit siya sa babae.
Narinig ko sinabi niya na tapos na siya magsulat.
Napatingin ako sa gawi nila Mang Andy habang kausap pa siya ng pari.
Dahil magpapalam na ako na aalis na.
Anga bata ay nakatingin pa rin sa akin.
Napatitig ako sa malaki niyang mata.
Nagulat ako ng bigla siya dumila sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay.
Inismiran niya ako.
Suplada ang batang ito a. Isip ko.
Pagkatapos ay lumapit na si Mang Andy sa akin.
"Senyorito salamat po."
"Sige po, Mang Andy. Hindi na rin po ako magtatagal."
Nagmadali na akong umalis hindi na rin ako lumingon.
Umuwi ako ng bahay.
Deretso ako ng kwarto ko.
Hinanap ko ang maleta. Nang makita ko ito ay binuksan ko agad at nilagay ko ang mga gamit ko rito.
Pumasok si Papa. Nakita niya ang ginagawa ko.
Hindi ko siya pinansin.
"What do you think you are doing?" Matigas ang boses nito.
"What do you think I am doing?" Matigas kong sagot.
"Punyeta, Seb! Don't tell me susundan mo ang babaeng iyon!"
"Yes! Tama ang hinala niyo, Pa. Susundan ko siya sa amerika!"
"Seb, walang magandang idudulot sa iyo ang ganyang babae. She's a play girl. Hindi lang ikaw ang lalaki sa buhay niya."
Hindi ko pinaniniwalaan si Papa. Dahil hindi ko pa naman nakikita ang binibintang niya kay Donabelle.
"I don't care, Pa. Hindi ka naman makikisama sa kaniya. Ako naman, e."
Sabay bitbit ng maleta ko pababa.
Hawak ko na ang passport ko. At sa airport na lang ako mag book ng flight pa US.
"You will come back here, Seb!" Sigaw ni Papa.
Pero tinalikuran ko na siya.