Solar. Tapos na ang burol ni nanay at ngayon ay nakatitig lang kami ni Thunder sa puntod niya. Pagkatapos namin dito ay didiretso na kami sa bahay ng mga Jung. Napatingin ako kay Thunder na tahimik lang, nauna na ang mga gamit namin doon at kami nalang ang hinihintay ng isang itim na sasakyan. "Pagkatapos natin dito ate sa ibang bahay na tayo titira." Biglang sabi ni Thunder. "Oo nga eh." Wala akong masabi, ang laking pagbabago ng nangyari. "Masaya si nanay ngayon sigurado ako, baka nga sobrang lawak ng ngiti niya eh." Nakangiti siya pero malungkot naman ang mga mata niya. I sighed and stood up. "Tara na Thunder, naghihintay na sila mommy sa atin." Nginitian ko siya at ngumiti naman siya pabalik bago tumayo. "Christmas Break na pala ate, hindi ko namalayan." Natatawang sabi ni Thun

