Solar. Pagkauwi ko ng bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko, nagpapasalamat ako at umalis si mommy kaya naligo ako at nagbihis ng damit. Nagsuot ako ng long sleeves para matakpan ang mga benda sa kamay ko. Nagsuot din ako ng jogging pants dahil may mga sugat din ang legs ko. Naabutan ko ang isang malaking box sa tabi ng kama ko, ito siguro yung sinabi ni daddy kanina. Binuksan ko iyon at may mga laman iyon na iba't-ibang klase ng gadgets kaya napanganga ako. Camera, Ipad, laptop, at kung ano-ano pa. May mga accecories din gaya ng phone cases kaya literal akong napanganga ulit. They are spoiling me! Sigurado akong ganito din ang laman ng regalo nila kay Thunder! I sighed and put back the cover. ~ Mabilis na dumaan ang mga araw at ngayon nga ay nag-eempake na kami ni Thunder para sa

