Solar. I woke up early today. Itinali ko ang buhok ko at bumaba na para magluto ng agahan namin. Naabutan ko si Thunder na nagluluto na pala ng agahan namin kaya napailing nalang ako at napangiti. "Magandang umaga." Bati ko sakanya at napatingin siya sa gawi ko. "Magandang umaga din ate." Bati niya kaya nilapitan ko siya. "Siya nga pala ate, huwag na daw tayong mamasyal muna sa ngayon sabi ni nanay kagabi. Sa susunod nalang daw at isa pa hindi naman daw siya mahilig mamasyal kaya magluluto nalang daw siya ng maliit na salu-salo mamayang tanghali." Sabi niya kaya napasimangot ako. "Sayang naman." Sabi ko at naghilamos, pagkatapos maghilamos ay nag-toothbrush din ako. "Ate alam mong uuwi ka mamayang hapon sa amo mo diba? Pagkatapos natin magsimba ay mamimili na tayo sa bayan." Sabi niy

