Solar. Tahimik kaming kumakain nang biglang magsalita si Tita Sapphire. "I just remembered something! Hey Solar dear, the phone I gave you is already outdated. Wala akong magawa kanina so I bought you a new one!" Naubo ako sa sinabi ni tita. "P-po? Pero bagong-bago lang po yung phone na binigay niyo sa akin at isa pa okay lang naman po sa akin yon." Napakamot ako sa noo ko. "Dear, it's okay besides it's the same model like Moon!" Natutuwang sabi niya at sinensyasan ang isang katulong para kunin iyon. "Hindi ko po yon matatanggap tita, sobra-sobra na po yung binigay niyo at isa pa hindi ko naman po masyadong ginagamit ang--" "No dear, you're like my daughter na kaya it's no big deal." Umiling ako sakanya. "Ayaw ko pong may masabi ang ibang tao na pinagsasamantalahan ko ang kabaitan ni

