Chapter 03

1202 Words
No One's POV Napansin ni Moon na nakatulog na pala ang madaldal na kasama niya na ipinagpapasalamat niya. Kanina pa kasi ito kwento ng kwento. Dadalhin kasi niya si Solar sa Enchanted Kingdom, bakit? Hindi rin niya alam. Basta kagabi ay pinagplanuhan niyang mabuti kung saan niya ipapasyal ito. Ang plano niya ay pagkatapos ng klase niya ito isasama, pero dahil nakansela ang klase nila ay pwede silang magpunta doon ng maaga. Pagkapasok niya ng eskwelahan ay dumiretso siya agad sa personal room niya at doon nagpalit. Yes! May personal room siya doon na ipinasadya ng mommy niya, mahilig kasi siyang tumambay kapag walang ginagawa kaya sinabi niya na ipagawa siya ng personal room niya. Nang makarating sila ay agad siyang nag-park sa parking lot at kinuha ang sling bag niya. Chineck niya kung naroon ang wallet at mga pang-retouch niya. Tinapik niya ng mahina si Solar para magising ito, nang gumalaw na si Solar ay kinuha na niya ang pulang lipstick sa bag niya at kinulayan ang labi niya. Kinuha niya ang dalawang sumbrero at ibinigay kay Solar ang isa. Inabot naman iyon ni Solar. "Nasaan ba tayo?" Tanong ni Solar "E.K."maiksing sagot ni Moon at isinuot ang sumbrero at sunglasses niya. "Anong ginagawa natin dito?" Tanong ulit ni Solar "To enjoy." Sagot ni Moon at bumaba na nang kotse, biglang na-excite si Solar kaya sinuot na din niya ang sumbrero at dali-daling bumaba ng sasakyan. "Saan tayo unang pupunta?" Excited na tanong ni Solar sa kanya kaya napalingon sioon sa kanya. "Saan mo ba gusto?" Tanong ni Moon sakanya, lumingon-lingon naman si Solar sa paligid. ** Tawa ng tawa si Moon dahil sa mga reaksyon ni Solar nang sumakay sila ng roller coaster. "Ano kaya pa?" Tanong ni Moon sakanya "O-oo pero teka lang!" Sabi ni Solar na ikinatawa ni Moon. Huminga ng malalim si Solar at umubo-ubo. Akala niya talaga ay mamamatay na siya pero si Moon ay tinatawanan lang siya. Pero enjoy naman! At tumatawa na si Moon, hindi nalang niya pinansin baka mawala bigla sa mood at mag-alsa balutan. Umupo sila sa isang bench na nakita nila. "Dito ka lang, may bibilhin lang ako." Sabi ni Moon at tumayo na. Naiwan si Solar at napatingin-tingin sa paligid. Andami niyang nakikitang iba't-ibang booths and others. Hindi kasi siya nakakapunta sa School Festival nila dahil magtatrabaho nalang siya kesa magsaya para may maidagdag sa pera na panggastos nila araw-araw. "Here." Iniabot niya kay Solar ang isang malaking cone na may ice cream kaya nginitian siya nito at nagpasalamat. "May gusto ka pa bang sakyan?" Tanong ni Moon kay Solar pero umiling ito. "Mamaya nalang muna, gusto kong maglibot-libot." Nakangiting sabi ni Solar. "Bakit ba ang bait mo ngayon?" Tanong ni Solar kay Moon. Nagkibit-balikat si Moon at humarap sakanya. "Hindi ko rin alam." Sagot niya at tumingin sa sapatos niya. There was a moment of silence when Solar stood up. "At dahil mabait ka ngayon. Halika na! At susulitin ko pa yung araw!" Hinila niya patayo si Moon at nagsimula na silang maglibot sa buong lugar. Hanggang sa napadpad sila sa isang stall. Dapat mabaril ang red circle na kasing laki ng limang pisong barya kung gaano karami ang nabaril mong red circle ay may katumbas na premyo. May dalawampung bala ang bawat toy g*n na nakalagay doon. At dahil gustong subukan iyon ni Solar ay hinila niya doon si Moon. "You know how to shoot?" Tanong ni Moon sakanya pero umiling si Solar. "Susubukan ko lang!" Nakangiting sabi ni Solar at akmang magbabayad pero pinigilan siya ni Moon at binigay ang 1000 bill sa lalaking nagbabantay doon. "Just let her shoot." Utos ni Moon kaya kinindatan siya ng lalaki. Tumaas ang kaliwang kilay niya. Umirap siya sa lalaki at tumingin kay Solar na nagsimula nang bumaril. "Waaaah! Bat wala akong matamaan?" Natawa si Moon sa inasal ni Solar. "Kung bakit naman kasi ang liit ng red circle na 'yan!" Inis na sabi niya at tuloy-tuloy sa pagkalabit sa gatilyo. Tawa ng tawa si Moon dahil naka-ilang ulit na siya pero limang red circle pa lang ang natamaan niya. "Waaah! Ayoko na!" Sabi ni Solar at inis na inilapag ang toy g*n. "Ano ba ang gusto mo dyan?" Tanong ni Moon sakanya at itinuro naman ni Solar ang isang couple teddy bear na kulay pink at blue. "You want that?" Takang tanong ni Moon sakanya. "Basta!" Nakangiting sabi ni Solar sakanya. Nagbayad ulit siya at kinuha ang toy g*n. Kailangang makatama siya ng dalawampung red circle para makuha niya iyon. Napanganga ang lalaki na nagbabantay ng stall at maging si Solar sa nakikita nila ngayon. Moon is shooting cooly, na akala mo ay ekspertong-eksperto ito sa paghawak ng b***l. Lahat ng tama nito ay dire-diretso sa red circle na sobrang dali lang sakanya dahil para sakanya ay masyadong malaki ang target niya. She can also see the pathway of the plastic bullets na dumiretso sa red circle. Natapos niya ang challenge at tumingin kay Solar na nakanganga habang nakatitig sakanya na parang hindi makapaniwala. "What?" Masungit na tanong niya kay Solar. Isinara naman ni Solar ang bibig niya at kumurap-kurap. "Ang g-galing mo!" Hindi mapigilang sabi ni Solar na ikinangisi ni Moon. "I know!" Kinindatan niya si Solar at napansin niya ang pagpula ng mukha niya kaya natawa siya ng bahagya. Iniabot ng lalaki ang itinuro ni Solar na prize kanina, pagkakuha ni Moon ng teddy bear ay iniabot niya iyon kay Solar na agad naman niyang tinanggap. Life-sized teddy bear iyon na kapag pinagdikit ay makakabuo ng malaking heart. Kaso natatabunan siya kaya natawa si Moon. Ibinigay ni Solar sakanya ang kulay blue na teddy bear kaya nagtaka siya. "Alam kong mahilig ka sa kulay blue, Please take care of Sun." Sabi niya kaya tumingin siya sa teddy bear na kulay blue. "You gave this a name?" Tanong niya kay Solar na tumango. "This is Shine, from your name and that's Sun from my name." Kumunot ang noo niya. Hindi alam ni Moon ang buong pangalan ni Solar dahil hindi naman niya natananong dito kahapon. "My name is Sun Raen Mercedez, Solar naman ang nickname ko." Her smile is blinding for Moon kaya nag-iwas siya ng tingin. "Your name is weird." Sabi ni nalang ni Moon kaya natawa si Solar. "Marami ngang nagsasabi." Natatawang sabi niya at hinawakan na ang kamay ni Moon para mahila ito at makapunta na sila sa kotse nito. "Teka, ayaw mo na?" Tanong sa kanya ni Moon. "May susunod pa namang araw eh, tsaka sa susunod na pupunta ako rito sana kasama ko na ang pamilya ko." Nakita ni Moon kung paano nalungkot ang mukha ni Solar nang bigkasin niya ang salitang pamilya. "Let's go then." Nasabi na lamang niya at bumitaw na sa pagkakahawak ni Solar at nauna nang maglakad. Nagtataka man ay hinabol siya ni Solar at sinabayan ito sa paglalagad. Inilagay nila ang stuff toy sa back seat bago pumasok sa sasakyan at tinanggal ang kanilang sumbrero at sunglasses. "Ayos ka lang ba Moon?" Tanong ni Solar dahil nawala yata ito sa mood. "I'm okay." Sagot nito. Kinuha ni Solar ang panyo sa bag niya at pinunasan ang pawis na namuo sa noo ni Moon na ikinabigla naman ni Moon. "Pasensya kana, nainitan kaba sobra?" Nag-aalalang tanong ni Solar sakanya. "I'm okay Solar, you don't have to worry." Ngumiti siya kay Solar para ipakitang okay lang talaga ito. Nangiti na rin si Solar at tumango. "Let's eat first bago tayo umuwi." Sabi ni Moon. "Saan mo gusto?" Tanong ni Moon kay Solar "Hmmmm? Sa Jollibee!" Nae-excite na sabi ni Solar kaya nagtaka si Moon. "Jollibee?" Takhang tanong ni Moon sakanya. "Ah! Hindi ka pa nakakapuntang Jollibee? Sabagay, mayaman ka nga pala." Natatawang sabi ni Solar "Mag-drive ka lang at ituturo ko sa'yo kapag may nakita na ako." Sabi ni Solar ka tumango nalang si Moon. Makalipas ang dalawang oras ay wala parin silang nakikita. "Ayun!" Tinuro ni Solar ang Jollibee na ikinakunot naman ng noo ni Moon. "Are you sure?" Tanong niya kaya tumango naman si Solar. Pagkarating nila ay nag-park agad ng sasakyan si Moon bago isinuot ang sunglasses nito at bumaba ng sasakyan. "Bakit sinuot mo pa yan?" Tanong ni Solar sakanya nang inilagay ni Moon ang sunglasses niya sa buhok niya bago hinila papasok si Solar sa loob. "Bakit may pila?" Tanong ni Moon sakanya. "Diyan mag-o-order." Sabi ni Solar sakanya kaya kumunot ang noo niya "Bakit hindi sila ang lumapit?" Tanong ulit ni Moon sakanya. "Kasi nga hindi naman kapareho nito yung mga fine dining na pinupuntahan mo." Nakangiting sagot ni Solar na ikinatango naman ni Moon. "Then find a seat for us. I'll go order some food." Sabi ni Moon. "Kaya mo ba?" Tanong sakanya ni Solar. "Of course!" Masungit na sagot ni Moon kaya natawa nalang si Solar. Naghanap na siya ng mauupuan nila. Nakita niya ang dalawang vacant seat malapit sa bintana kaya iyon nalang ang pinili niya. Umupo siya doon at kinuha ang phone sa bulsa niya. Kinalikot muna niya ang phone niya habang hinihintay si Moon na makabili ng pagkain nila. Pinindot niya ang camera at sinubukan niyang mag-selfie na kadalasang nakikita niya sa mga kaklase niya sa Light University. Nag-pose siya ng iba't-ibang styles na ikinatawa niya nang makita ang itsura niya. Samantalang si Moon naman ay nakatingin sa mga naka-display na larawan at confused na tumingin sa cashier na natulala sa ganda niya. Maging ang ibang costumer ay nabibighani sa kanya na akala mo ay nakakita sila ng totoong diyosa. "I'll order all of them for two." Tinuro niya ang nasa mga larawan. Nagulat naman ang cashier sa sinabi niya maging ang mga costumers at pati manager na nakamasid sakanila ay agad tumalima para kunin na ang order ng dalaga. Dali-dali namang tinype ng cashier ang orders niya at maging ang ibang workers ay tumulong na din sa pagprepara. "Can you make it a little faster? Because my nanny is hungry already." Hinanap niya si Solar at nakita niya ito malapit sa bintana na tumatawa habang naka-tingin sa screen ng phone niya kaya nangiti siya. Mas lalo namang natulala ang mga tao sa loob ng Jollibee. Pagkaharap niya sa cashier ay napalunok ang lalaki at pinakita sa kanya ang total ng babayaran niya. Binuksan niya ang sling bag niya at kinuha ang pouch niya na naglalaman ng cash since nasa kotse niya ang isang pouch niya na naglalaman naman ng mga cards. Nagbigay siya ng 20,000 cash sa Cashier. "Keep the change." Sabi niya at hinintay ang order niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD