"Calling the atention of Jessica of water wizard please proceed to the admin. ThankYou."
Nagkatinginan kami ni Jessica ng marinig namin ang announcement. Pareho kaming nag kibit balikat at sinamahan ko sya sa admin. Akmang papasok din ako pero pinigilan ako ni Miss Waterlily. Sinenyasan ko nalang sya ng fighting. Habang nasa labas ako sinusubukan kong narinig mula sa pinto ang pinaguusapan nla. Ngunit kahit anong pilit ko wala talaga akong marinig.
"Kamusta na kaya sya." Biglang nagbukas ang pinto ng admin at nakita ko ang mata ni Jessica na parang umiiyak.
"Bat ka umiiyak? May problema ba?" hindi nya ko sinagot at naglakad lang sya basta. kahit malabo sakin ang nagyayari sinundan ko sya kung saan sya patungo at napansin ko na papunta kaming muli sa dalampasigan. Hinayaan ko lang sya dahil alam kong yun lang ang makapagpapasaya sakanya.
Nakatingin lang sa malayo si Jessica at tila may iniisip. Sa lalim ng kanyang pag iisip parang ako din yata nalulunod na.
" Sa bawat kumpas ng kamay dyan nakasalalay ang kapangyarihan. Sa gaano kalakas." Biglang nahawi ng malakas sa kumpas nya.
"Kung gaano kahina." halos parang walang nangyari sa tubig.
"Kung gano kapangyarihan" kinumpas nyang muli ang kanyang kamay at gumawa ng waterball at basta nalang hinagis sa kung saan tanging isang malakas na pagsabog lang ang narinig ko.
"Kung gano katahimik at nakakamatay." Muli syang kumumpas at pinalipad ang waterball ngunit biglang naglaho ang bola ngunit makikita ang tatlong malalaking puno na bigla nalang naputol.
Huminga ng malalim si Jessica. at nakatingin pa rin sa malayo habang ako hindi ko alam kung pano ako magrereact sa nagyari. Lumingon sya sa dereksyon ko at tumingin ng seryoso.
"B-bakit" bigla akong kinabahan sa mga kinikilos nya.
Kinumpas nyang muli ang kanyang kamay. At gumawa ng water ball. Napaatras ako sa kilos nya at alam kong papunta saakin ang bola. Handa na ko sa malakas nitong pagtama sakin ngunit wala pa rin. Tumingin ako at nakita ko itong nakahinto sa aking kaharap at unti unti itong bumabagsak pababa.
"Ano bang problema mo Jessica? Ano bang nagyari sabihin mo sakin hindi yung para mo kong papatayin" singal ko sakanya dahil sa kabang naramdaman ko sa ginawa nya.
"Kailangan mong pag aaralan ang mahika mo. Kabisaduhin at alamin ang kahinaan at kalakasan nito.Ako ang magtuturo sayo." Mas lalo akong naguluhan sa mga sinabi nya. Alam kong bihasa sya sa tubig pero ibang usapan pag sa kapangyarihan ko na.
Bigla nalang akong iniwan ng nalilito ni Jessica sa dalampasigan. Ilang oras din akong nandun.
"s**t" napaigtad ako sa gulat dahil sa ingay na nanggagaling sa isang bahagi ng tubig sa dalampasigan. Parang kumukulong tubig ang nakikita ko dito pero ang nakakagulat ay ang ingay na nanggagaling dito.
"Lumabas kana nga."
"Ayoko . pano kung matakot sya."
Tila nag aaway ang mga nasa ilalim ng tubig. pero panong nakakapagsalita sila?
Tinitigan ko ng maigi ang tubig ng biglang.
"Hi!" s**t! ano to?
"Uy! Longtime no see."
"S-sino kayo?" kahit gusto kong tumakbo palayo ay hindi ako magalaw tanging bahagyang pag atras lang ang nagawa ko. Pero sa unti unti kong pag atras may parang pader akong naatrasan. Nilingon ko ito.
Isang malapad na ngiti ang bumungad saakin. Ngiti ng isang punong nakatayo saaking harapan. Parang naninikip ang dib dib ko. Nanlalabo ang mga mata ko. Hindi ako makahinga.