Panimula

2673 Words
            “Laila. This will be my last wish. Please.”   Muli nanamang pumasok sa aking panaginip ang boses na iyon. Parang isang totoong pangyayari. Pero paano naman magiging isang totoo ang panaginip lang. Ilang beses na kong nanaginip pero ni isa walang nangyari. Meron pa nga mga zombie, sige nga pano naman mangyayari yun. “ Ghea! Ano ba! Anong oras na wala ka bang balak na pumasok? ” eto nanaman si Mama araw araw nyang tanong yan samantalang alam naman nya na ayokong ayoko na umaabsent. “ Ma. Gising na ko. Papasok ako.” Maikling sagot ko at gumayak na para sa pag pasok. Walking distance lang ang school mula sa bahay kaya kahit one hour before class ako gumising di ako malalate. Si mama lang naman ang makulit. Pero kahit ganun mahal ko naman yun. Habang naglalakad ako napatingin ako sa tindahan nila Aling Tonet ilang mga kalalakihan nanaman ang nakatambay dun. Panigurado si Cheska di nanaman makalabas. “ Pabili nga ho.” Pang agaw pansin kay Aling Tonet. “ O! buti at dumaling ka Ghea. Hay naku yung kaibigan mo di nanaman makalabas.” Sabi ko na nga ba tama ako ng hinala. “ Pabili nga ho ng isang yosi. Nakagayak nap o ba sya?” tanong k okay Aling Tonet “ Hindi pa. Ikaw talagang bata ka. Kababae mong tao naninigarilyo ka. Buti si Cheska di nagagaya sayo.” Sabi na at yan nanaman ang babanggitin nya. “ Naku Aling Tonet wag kang mag alala di ko hahawaan si Cheska. Ako pa babatok dun pag natuto yun.” Napailing nalang si Aling Tonet sa sinabi ko. Alam ko masamamng epekto ng sigarilyo kaya ayoko na impluwensyahan si Cheska. Tumambay muna ako saglit sa gilid habang inuubos ko ang sigrilyo. May ilan na napapatingin sakin. Pake ko? Di nila alam kung bat ako ganto. Ilang minuto lang lumabas na si Cheska dahil umalis na rin yung mga lalaking tambay at malappit na ang klase. “ O buti lumabas kana?” pang aasar ko sakanya. “ Tsk. Bwisit ka!” Napatawa nalang ako sa inasta nya at sabay na kaming pumasok. Pag pasok palang sa loob ng classroom naming nasa amin na agad ni Cheska ang mga mata nila. Ano pa nga bang bago? Ganyan naman sila mula ng Grade 11 kami hanggang sa ngayon na nasa Grade 12 na kami. Sino ba naman kasing mag aakala na masasama kami ay ako lang pala sa Star Section e muka naman daw akong walang kwenta. Akala nila kaya ako nasa section na to dahil kay Cheska. Di nila alam dahil sakin kaya nandito si Cheska. Pero di ko nalang pinapansin yun. Sayang sa oras kumbaga. “ Goodmorning Class!” kita mo tong teacher na to late nanaman. “ Sorry at nahuli ako. May inasikaso kasi ako sa Principals Office. By the way I want you all to meet your new classmate. Jeremy Velasco.” Napataas naman akong kilay sa sinabi nya. How come. Nasa kalagitnaan na kami ng School Year tas ngayon may transfer at talagang sa Star Section pinunta. Parang unfair. “ Pamangkin sya n gating principal. Kaya kung may questsyon kayo sa pagtransfer nya sa principal nyo nalang I tanong.” Teka nababasa nya ba nasa isip ko. Pero. Sabi na e. may dahilan kung bat napunta ditto yan. Nagsimula na sa pagdakdak ang teacher naming. Naririnig ko naman lahat ng sinasabi nya at naiintindihan ko. “ Generai Lea Chellia. Are you with us?” OFCORES! Ano akala nya nas aibang planeta ako? “Yes maam” Sagot ko sakanya. May respeto pa rin naman ako. “ If you are really with us. What are the different kinds of art?” huh? Wala pa syang nasasabi tungkol dun ah. “ Sorry Maam but as far as I know you haven’t discuss it yet your just discussing about the two types of art which is the Aesthetic or the Major Arts and the Utilitarian or the Minor Arts. But I going to answer your question. There are several kinds of art. One of it is the Industrial Art, it is the changing of raw materials into some significant product for human consumption or use for example shoe-making, manufacture of automobiles and so on. The next one is the Applied or the Household Art. From the word it self household meaning this art is related..” “STOP! You may seat.” Hmft! Kala mo siguro ano.             Ayun nga sya na nagtuloy ng dinidiscuss ko.             “Bilib talaga ko sayo Ghea.” Sabi ni Cheska na nasa tabi ko lang.             “ Uto ba sya? Kala nya naman di ako nakikinig.” Isa ata to sa mga talent ko. I can simultaneously write, hear and understand.    Natapos na ang subject namin at ngayon an gaming paboritong subject RECESS. Patungo kami ni Cheska sa kantina ng Makita namin ang transfere student sa isang tabi. Akala naming nag iisa lang sya kasi nga tranfere diba? Pero ilang saglit lang parang magic na nag datingan yung mga mukang mga tropa nya. May babae pero karamihan mga lalaki. Malamang. 10 minutes lang ang break time namin at balikan na sa klase. Pero parang may naiwan ako.Hmmmm… “ YUNG WALLET KO!” napasigaw ako sa sobrang katangahan ko naiwan ko sa kantina. “ Mauna kana Cheska babalikan ko lang yung wallet ko. Jusme naman.” Patalikod na ko ng biglang may mag salita. “ Generai Lea Chellia? Ikaw ba yun?” napatingin ako sa lalaking bumanggit ng pangalan ko. Parang pamilyar yung boses nya. Sa paglingon ko. Nakita ko ang tanfere students na hawak ang wallet ko at nakatingin sa pangalan na nandun. “ Wallet ko yan akin na.” hinablot ko ang wallet ko at agad na nilagpasan sya. Hindi ko na alam kung sumunod sya sa amin o ano. Wala akong pake dun. “ Salamat ha.” May pag kasarkastiko ang pagkakasabi ng lalaking dumaan sa gilid ko. Masyado ata kong naging bastos. Lilingon ko sana sya upang mapasalamatan ngunit nakita ko na nakaupo na sya sa kanyang upuan. Lumipas ang ilang lingo na wala namang importanteng pangyayari. Ngayon nga pala ipapaskil ang pangalan ng mga nauuna sa klase. Mula grade 11 hanggang sa unang semester ng grade 12 ako lang naman ang nangunguna sa klase. “ Ghea tara na tignan muna natin kung ikaw pa rin ang nangunguna.” Pananabik na aya saakin ni Cheska. Hindi ako kumibo alam ko namang ako nanaman. Hinayaan ko syang makipagsiksikan sa dami ng mga mag aaral na tumitingin. Ilang Segundo lang lumapit na sya sakin. “ Sayang di  na ikaw ang Top 1. Hayssst.” Hindi ko pinansin ang sinabi nya hanggang sa bigla kong naintindihan yung sinabi nya. “ Anong sabi mo kanina?” Pagtatanong ko sakaanaya baka mali lang ako ng rinig. “ Kanina? Tungkol saan?” pagtataka ni Cheska. “Tungkol sa ranking.” Sagot ko sakanya. “ Ah. Top 2 kanalang. Si Jeremy ang top1.” Sagot nya sakin na may halong lungkot. “ Wait. Sino si Jeremy?” parang pamilyar yung pangalan. “ Ano ba Ghea yung kaklase natin transfere.” Sagot nya sakin. Ganun nap ala ako nagging abala sa mga bagay bagay na ultimo kaklase ko di ko na nakikilala. Pero nakakapagtaka naman e ni hindi ko nga ata naririnig boses nun sa klase e. Baka dahil may kapit nanaman. Hayssst. “Generai Lea Chellia! Mukanag out of this world nanaman ang isip mo.” Napatingin ako sa kaharap ko at yung teacher nap ala naming ang kaharap ko. Nakita ko na nasa lapag na yung mga papel na hawak nya. Malamang nabungo ko sya. Hayssst. “ Sorry Maam.” Pag hingi ko ng paumanhin at pinulot ang mga papel. “ Btw. May meeting muna tayo after ng klase nyo. Walang aalis!” pagkasabi nya ay umalis na sya. Lumipas ang maghapon ng hindi ko namamalayan kung ano baa g nagyari. Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Cheska at tinuro nya ng nguso nya ang teacher namin na papasok ng klase. “ Anong meron bat nandito yan? Uwian na ah.” Pagtatakang tanong k okay Cheska “ Ano ka ba. May meeting diba sabi nya kanina.” Sagot sakin ni Cheska. “ Okay class bago kayo umuwi mag gugroupings muna tayo para sa gagawin nating special number para sa graduation.” WHAT? Graduation ang aga pa. “Okay. Blah. Blah. Blah blah.blah….” ayun hindi ko na inintindi yung iba basta alam ko may 4 na group na binuo dancing, singing, acting and poem. At ayun napunta ako sa dancing. Mas gusto ko yun dahil dun ako magaling si Cheska naman sa singing dahil di ko naman matatangi na magaling syang kumanta. Lumipas ang ilang buwan. Lumabas nanaman ang ranking. At ayun Top 2 pa rin ako. Wala na kong magagawa dun. May over all test pa para sa Over all Honors hindi na ko sasali dun. Di ko naman hanggad yun. Dumating ang araw nga practice. Nagkita kita kaming mga nasa dance group sa isang Pag-asa Gym. “ Guys. Kailangan natin ng performance na by pair at hiphop nalang siguro yung isa.” Sumangayon naman ang lahat sa gusto ng tumatayong leader naming. Nag pala bunutan ng partner. “In the count of 123 open it.” Karamihan ay natuwa at ako. Jeremy yan ang nakasulat sa papel na nabunot ko. Sino to? Ahh. Yung transferee. Hanggang ngayon di pa rin kami ganun ka close.             “ Okay punta na sa kanya kanyang partner.” Nagkilusan na ang lahat at nagpunta na. “ First step. Hawak ang kamay ni partner. Si boy hawak sa bewang habang hawak ng isang kamay ang kamay ni girl tas si girl sa batok naman. In 1..2..3.. blah..blah..blah..” madali lang naman ang bawat step. inulit naming ng 2 beses ang hanggang sa nakuha na naming.             “ Okay nagayon naman with music. Pero kailangan ang tingin na kay partner.”             Naghawak na ang lahat ng kamay. At humanda sa pagsisismula ng kanta. Heart beats fast             Sa unang linya ng kanta nagsimula na ang lahat sa paggalaw ng may kabagalan. Colors and promises..             Sa ikalawang linya nagtama ang mga mata naming ni Jeremy at tila na magnet na ang mata ko sakanya. Ngayon ko lang napansin ang makapal nyang kilay at ang labi nyang may pagkamanipis at mapula pula. Parang hinihikayat akong halikan ang mga to.             “ Ikot hawak ulit kay partner.” How to be brave? How can I love when I'm afraid to fall?             “Swing. Swing . swing.” But watching you stand alone All of my doubt suddenly goes away somehow One step closer…..   Habang patuloy ang tugtug tila unti unting nawawala ang aming mga kasama. Wala na akong ibang naririnig kundi ang tugtog habang taimtim na nakatitig kay Jeremy. Ano bang nagyayari sakin. Ghea. Ano bang nangyayari sayo. Gusto kong bumitaw sa hawak nya. Pero bat ayaw gumalaw ng mga kamay ko. Patuloy kami sa pagsayaw na tila hindi na natatapos ang tugtugin.   I have died every day waiting for you Darling don't be afraid I have loved you for a thousand years I'll love you for a thousand more And all along I believed I would find you Time has brought your heart to me I have loved you for a thousand years I'll love you for a thousand more……               Nang matapos ang kanta. Agad akong bumitaw sa pagkakahawak ni Jeremy. Ngunit nabigo akong tanggalin. Hinigpitan nya pa lalo ang hawak dito. Napatingin ako sakanya at nagsalubong muli ang aming mga mata. Ano bang nagyayari sakin. Bat parang nahihipnotismo ako ng mga mata nya. Napansin ko na halata ang pagkabrown ng kanyang mga mata. “Ano ba?!” singal ko sa kanya sabay hablot sa kamay ko. Alam kong nakiha naming ang atensyon ng ilang mga kagrupo naming. Pero ayos lang. umalis muna ako upang pumunta sa tindahan ang sandaling magpahinga dahil sinabi din naman ng leader na magpahinga muna.             “Ate isang Marlboro Red nga po.” Bago ako bigyan ay napatingin pa saakin ang tindera. “ Saka po isang softdrinks.”             Hinahanap ko ang lighter ko ng biglang dumating si Jeremy.             “ Ate softdrinks nga po. Masama yan ah.” Napatingin ako sakanya at mukang ako ang kinakausap.             “ Mas masama ang makialam ng ibang tao. Lalo nat di naman kayo close.”             Napansin ko na napangiti sya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa ulo ng lalaking to pero bigla nalang nya kinuha ang yosi ko.             “ Anong problema mo?!”             “ Masama ang manigarilyo. Di mo naman katawan yan bat sinisira mo.” Anong pinagsasabi ng lalaking to.             “ Ano namang pinagsasabi mo dyan?”             “ Pahiram lang ng panginoon ang katawang gamit mo.” Ah so eto ang business nya ang mangaral. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nya at bumalik nalang ako sa gym.             Nag practice kami ng araw na yun at hindi na naulit ang mga naramdaman ko nung una naming pag hawak ng kamay.             Papasok na ko ng classroom naming ng bigla nalang akong hinatak ng hindi ko kilala. Napunta kami sa isang madilim na lugar. Labis ang kaba ko. Anong gagawin nito. Eton a ba ang huling araw kong nabubuhay. Sumisikip ang dibdib ko hindi ako makahinga. Ano bang nangyayari. Parang inaantok ako. Hindi ako makahinga..             “Laila sa likod mo!” rinig kong babala ng isang lalaki sakin. Mabilis kong ikinumpas ang aking kamay upang maglabas ng malakas na hangin dahilan upang liparin ang lalaking naka kulay pula. Malamang isa itong sa mga fire wizard. Nagpatuloy ang paglaban naming sa mga ibat’ ibang wizard. Hanggang sa napabagsak na naming silang lahat.             “Okay class. You did a great job in todays class. Back to your rooms air and fire wizards.” Utos samin ni Wizard Jen.             “ Laila ang galling mo talaga.””Ang galling mo Laila wala kang pinagbago.” Paulit ulit ang mga pagbati nila sakin. Wala namang bago ganun pa rin naman ako.             “ Laila! Takbo na umalis kana ditto. KAilangan mong tumakas!” sigaw sakin ni Harvey. Pero hindi ako nagpatinag. Hindi. Hindi ako aalis. Inipon ko ang lahat ng lakas ko. Upang ilabas lahat ng kapangyarihan ko.             “ Please Laila wag mong gawin yan.” Naramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko.             “Please Laila this will be may last wish. Please wag mong….” Bigla akong napabangon na parang pagod na pagod. Anong nangyari. Ano yun? Panginip lang yun Ghea. “Gising kana pala.” Napatingin ako sa nagsalita at nagulan. Luminga linga ako. At tinignan ang aking paligid. Nasa clinic ako. “ Bat po ako nandito.” Tanong ko sa nurse na nas harapan ko. “ Bigla kanang daw nahimatay sabi ng isang istudyante. Kaya dinala ka nya dito.” “Sino po?” “Hindi ko kilala e. Hindi na rin nga nagpakilala.” Nakakapagtaka. Ay teka may humila sakin kanina. “Alis nap o ako.” Paalam ko sa nurse na nagbabantay ditto. Umalis na ko at derederetsong nag lalakad sa hallway habang iniisip kung sino ang nagdala sakin sa clinic at kung sino ang humatak sakin. “ Ano bang ginagawa mo? Alam mo bang muntik na syang makuha.” “ Pasensya na. sinusundan ko sya pero bigala din syang nawala.” Sino naman kaya tong mga nag uusap na to. Anong pinaguusapan nila. Sisilipin ko nasana ang dalawang naguusap mula sa likod ng isang pader pero. “GHEAAA!!!” bigla nalang dumating si Cheska. “ Anong ginagawa mo dyan?” Hindi ko sya pinansin ang tinignan ko kung sino ang nasa likod ng pader. Nakakapagtaka wala ng tao. San sila nagpunta. Luminga linga ako sa paligid wala silang mapupunta o statakbuhan na hindi naming makikita. Panong wala sila ditto. “Uy Ghea! Okay ka lang.” tumango lang ako kay Cheska at nagsimula ng maglakad paputang klase naming. Hanggang sa makapasok kami sa classroom hindi mawala sa isip ko yung dalawang naguusap. Ano naman kaya yung tinutukoy nila. Sino yung muntik ng makuha?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD