Gavin pov "Atty.Mendez this is Gavin, Any update sa pagpapalit ng apelyido ng kambal ko." tanong ko sa atty ng pamilya namin.Tinawagan ko sya dahil gusto kong mapalitan ng apelyido ko ang gamit ng kambal. Yun ang una kung aayusin dahil anak ko sila. "Mr. Clemente kailangan ng signature ng ina ng kambal kong payag ba sya sa pagpapalit na gagawin natin. Madami din dapat maayos. Ako na ang bahala sa iba." sagot niya sakin. "Ipapakuha ko sa secretary ko ang mga files this morning at ako mismo magpapapirma sa asawa ko. Aasahan ko attorney na mapapadali ang pagpapalit ng apelyido ng kambal " sabi ko. Asawa babe, magiging asawa kita but first I need to tame my prince. Binaba ko ang tawag at inutusan ang secretary ko na kunin ang mga papeless this can't wait. They are mine kaya nararapat lan

