Chapter 4- Information Overload

680 Words
Sheen's Pov "Yaya bakit ngayon lang kayo? muntik na akong tumawag ng security kasi ang tagal niyong nawala." pagalit kong sabi sa dalawang yaya ng kambal. They can't blame me ang kambal lang ang meron ako. "Sorry po ma'am nung gumamit din po kasi si sir Ivan ng toilet sa kabila, e nangailangan din po kami kaya di na po namin nakita si baby shannie." nakayukong paliwanag ni yaya linda. "Sorry mom it's my fault. " naiiyak si sha ng makita na galit ako. "Sorry mom. " Ivan na nayuko din. Umupo ako sa harap nilang dalawa. "It's okay babies di naman ako galit . Mommy loves you very much kaya nag alala ako, you know how much i love you, right? Kinabahan lang si mommy kasi baka nakuha na kayo ng kung sino. Since both of you are first time here." ngiting paliwanag ko sa dalawa habang yakap sila. "We love you too, mommy" sabay sabi nila at hinalikan ako sa magkabilang pisngi. So sweet. "Come on..... lets go ninang Jade is waiting, Yaya pakisunod na lang yung gamit. Thank you." baling ko sa nakayuko pa ring yaya ng kambal. Nginitian ko na lang sila to say na di ako galit. If nagtataka kayo bakit my yaya ang kambal at parang di problema ang pera sakin, yun ay dahil habang palaki ang kambal nakapag invest ako at lumaki yun. Shannie Aphrodite restaurant (SA Restau)- yes sakanya na nakapangalan yan tho ako pa rin ang namamahala. At kalat na yan sa luzon area na tinaguriang "ON FIRE" IVAN GAVIN Clubs/bar - yan naman ay para sa lalaki kong anak. Clubs kasi alam kong kikita and ang pera jan. Hindi naging madali pero salamat sa diyos at nagabayan ako ng tama. At napalaki ko ang negosyo na para sa mga anak ko. For the past six years wala akong ginawa kundi magtrabaho for my twins future, ayokong maranasan nila yung feeling na aayawan ng tao dahil walang wala. Ayokong maliitin sila ng kung sino. "oh Beshy nasa earth ka pa ba, layo ng narating ng utak mo ah" sabay hampas ni Jade sakin. Thanks to her siya ang sumundo samin kasama ang asawa nyang hot haha. "Alam mo ang yaman mo pero sa pagsasalita lukaret pa rin" sabi ko sakanya. "look who's talking haha beshy ang yaman mo pero maka lukaret ka." sagot nya sakin na nagpatawa sa asawa nyang nag dra drive . "Mag bestfriend nga kayo haha Hon hayaan mo muna si sheen pagod yan sa byahe" sabi ni jason sa asawa nya. Natahimik naman si jade habang nakatingin ng masama sa asawa nya hahaha loka talaga. "Ninang are you pregnant po? You're so taba kasi." sabi ni sha na nagpatawa sakin at kay jason. " You know baby sha hindi ako mataba, sexy na buntis ako. At pag lalaki to ikaw gusto kong asawa nito haha" jade na tumatawa habang sinasbi niya yun. "tsk ninang jade not shannie or i will punch your baby." oh my protective son Ivan haha tapos nag lagay na ng earphone sa tainga. *Grabe yang lalaking anak mo sheen mana sa ama, ganyan sya sayo nung high school tayo" tinignan ko ng masama si jade baka marinig ng kambal . Kamusta na kaya sya ? Galit ba sya sa pag iwan ko sakanya? Namimiss nya kaya ako kahit minsan lang? Haits I miss you gavin. Ivan's Pov Naasar ako kay ninang sa sinabi nya. Shannie is my princess at hindi nila makukuha ng di dumadaan sa akin. Mana ako sa kanya. Alam kong daddy ko yung naka usap ni sweety kaya di ko tinignan. I'm not an idiot to see na kamukha ko sya. Siya din ang nakita kong iniiyakan ni mommy. Siya yung nasa litrato sa room ni mommy. Siya din ang isa picture sa wallet ni mommy. NICE MEETING YOU, MAN. Hope we won't see you again. Ayokong dumating ang araw na pati si shannie makita kong umiyak ng dahil sayo. . Dahil pag nangyari ang araw na yun baka isumpa kita at hilingin na sana di ikaw ang daddy namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD