XYRUS JAVI's POV
"Oh Iho, nandiyan ka na pala. Sandali at ipaghahanda kita ng miryenda." Salubong sakin ni Manang nang makauwi ako sa bahay. I just nodded. Ilang minuto lang bumalik na siya na may dalang tray ng pagkain.
"Ang tamlay mo yata Iho anak, heto oh kumain ka muna."
"Salamat po. Kamusta na po pala yung apo ninyo? Nakalabas na po ba?"
"Iyon na nga eh. Hindi pa rin siya nakakalabas hanggang ngayon. Hindi mawala-wala ang lagnat niya." Malungkot na paliwanag ni Manang.
"Ganun po ba? Hayaan niyo po Manang sa susunod na pagbisita mo doon, sasama ako sa'yo para makamusta ko naman siya. Makakalabas din po siya. Tiwala lang po." Pagpapalakas ko ng loob sa kanya.
Hindi na iba si Manang sa amin dahil simula pagkabata ko pa lang, katiwala na siya nina Mommy. Nakita ko naman na napangiti siya sa sinabi ko.
"Pagkatapos mo diyan magpahinga kana muna sa kwarto mo, tatawagin na lang kita para sa hapunan."
"Opo. Si Xander po pala?" Biglang natanong ko dahil napansin kong tahimik ang bahay.
Usually kasi, maingay sa kwarto niya kapag nandito yun o kaya naman ay makalat dito sa labas.
"Ayun umalis, gagawa daw ng group projects sa bahay ng classmate niya. Nagbilin na din ako sa driver na sunduin na siya." Sagot niya habang nililigpit ang pinagkainan ko.
Sabi ko na nga ba.
"Sige po, akyat na po muna ako." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya kaya umakyat na agad ako.
Pagdating sa kwarto ko agad kong ibinagsak ang katawan ko sa malambot kong kama.
'Summer..' Usal ko habang nakatitig lang sa kisame.
Tumayo ako para kunin yung I.D niya sa drawer ko.
'Bakit ang cute mo? Hays. Gusto kitang makita. I missed you already.' Nakaugalian ko nang kausapin ang picture niya sa tuwing malungkot o masaya ako.
'Kung pupuntahan kita, kakausapin mo kaya ako o iiwasan mo lang ako?' Wala sa sariling tanong ko.
"Sige na nga, pupuntahan kita. Hintayin mo ako ah?" Pagkausap ko sa I.D niya.
Mabilis akong naligo habang pasipol-sipol pa sa banyo.
"Manang, alis lang po ako ah, babay..."
"Teka Iho---" Hindi ko na narinig pa ang sinasabi niya dahil dali dali na akong umalis nang bahay.
Agad akong bumaba sa kotse ko nang makarating na ako sa bahay ni Summer.
"Xyrus?"
"Ah. Hehehe. Hello po." Nahihiyang bati ko sa papa ni Summer.
"Bakit ginabi yata kayo--- Teka, nasan si Summy??" Nagtatakang tanong niya.
Huh? Bakit sakin niya hinahanap ang anak niya?
"P-Po?"
"Bakit hindi mo kasama ang anak ko?" Naguluhan naman ako sa tanong niya.
"Eh? Hindi ko po siya kasama. Pinuntahan ko nga po siya sa classroom niya para ihatid kaso umuwi na daw po sabi ng classmate niya." Diretsong sagot ko.
"Anak ng! Sige pasok ka muna. Saan naman kaya nagsisisuot ang batang iyon? Xyrus maupo kana muna diyan baka mamaya nandito na iyon." Tumango lang ako sakanya at umupo sa malambot na sofa habang umalis muna sandali ang papa niya.
After several hours...
Nagkunot ang noo ng Papa ni Summer nang makita akong nakaupo pa din sa sofa nang mag isa.
"Wala pa din ba? Sandali nga at tatawagan ko---"
"Papa, nandito na po ako!" Biglang sigaw ng pamilyar na boses sa labas.
Si Summer dumating na.
Napangiti naman ako nang marinig agad ang boses niya.
"Anak bakit ngayon ka lang--- Teka, sino siya?" Sunod sunod na tanong ng Papa niya.
"Hi Mr. Ordoñes. I am Lyle Ashton Villanueva, ang kababata po ni Summer.." Sagot naman nung kasama ni Summer.
Teka? May kasama siya?
Napatayo ako sa narinig ko. Nasa salas kasi ako at nasa may pintuan pa lang sila ng bahay.
Napatingin ako sa kanila. Dahilan upang mapatingin din sila sa akin.
Nagkatitigan kami ng ilang segundo.
Pero nabasag din ito nang biglang magsalita ang Papa niya.
"Kababata? Wala akong alam na naging kaibigan nitong anak ko mula pagkabata." Sabay akbay sa anak niya.
Eh? Walang naging kaibigan mula pagkabata? Meron bang ganun?
"Ah. Haha. Mahabang istorya po Sir." Sagot naman nung Ashton.
"Ganun ba? Tito na lang itawag mo sakin." Nakangiting sagot naman ng papa ni Summer.
Lintik.
Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Badtrip.
Nakatingin lang ako sa kanilang tatlo habang sinisermunan ni Tito si Summer.
Namiss ko tuloy bigla ang panenermon ng Daddy ko, matagal na din kasi silang hindi umuuwi ng Mommy ko dahil busy sa trabaho abroad.
"Ikaw namang babae ka, bakit hindi ka man lang tumawag? Alam mong mahigpit kong ipinagbabawal na hindi ka pwede magpagabi? Ayusin mo nga yang buhay mo. At saka alam mo bang kanina pa naghihintay sa'yo ang boypren mo??" Panenermon nito sa kaniya.
Bigla naman silang napatingin sakin.
"Ah. Hehehe! Okay lang po, mauna na po akong umuwi." Pagpapaalam ko na hindi man lang tumitingin sa kanila.
Shit! Hindi ko alam kung ano irereact o sasabihin ko.
"Sandali lang Xyrus." Pagpigil ni Tito sakin kaya napatingin ako sa kanya.
"Mauna ka nang umuwi Ashton." Sabi niya kay Ashton na kasama ni Summer. Para namang hindi niya inaasahan ang sasabihin sakanya kaya hindi agad siya nakapagsalita. "At ikaw naman na babae ka, magbihis kana muna tapos bumaba ka agad, may pag uusapan tayo." Muling baling niya kay Summer.
"Papa naman."
"Sige na." si Tito.
"Ihahatid ko lang po sa labas si Lyle---"
"Wag na." Putol niya sa sasabihin ng anak niya. "Sige na Ashton, mauna kana baka gabihin ka.." Sabi ulit nito.
"Ah. Sige po Tito, nice meeting you po..Ahm Summer, kita na lang tayo bukas.. Una na ako. Goodnight.. Sige po." Sabi nung Ashton tapos umalis na din.
Padabog namang tumalikod si Summer sakin at umalis na din.
Whew! Naiwan naman kaming dalawa dito ng Papa niya.
Muli akong naupo sa sofa.
"Xyrus, kilala mo ba yung kasama ng anak ko?" Pagbasag niya sa katahimikan.
"P-Po? Ah. H-Hindi po Tito. Ngayon ko lang po siya nakita.."
"Ganun ba?" Tapos ay lumapit siya sakin. "Alam mo ba ang kalagayan ng anak ko?" Seryosong tanong niya.
Kalagayan? Anong ibig niyang sabihin?
Umiling naman ako dahil wala akong maintindihan sa sinabi niya.
"Sa'yo ko lang ito sasabihin dahil boypren ka ng anak ko." Bigla akong napalunok sa sinabi niya. Seryoso ang tono ng boses niya kaya alam ko na seryoso ang sasabihin niya.
"May l---"
"Pa!" Sabay kaming napalingon sa sumigaw. Si Summer. Naka over size tshirt, short short at saka naka medyas.
Ang cute!
SUMMER's POV
"Pa!" Sigaw ko kaya napatingin agad sila sa direksiyon ko.
Anyare sa lalaking to?
"Hoy!" Sigaw ko kay Xyrus dahil parang tangang nakatitig lang sakin.
"H-Ha? A-Ah. Hahaha! Mauna na po ako Tito.. Sige S-Summer.. B-Bye po.." Biglang pagpapaalam niya saka dali daling lumabas ng bahay.
"Anong nangyari dun?" Takang tanong sakin ng papa ko. Kahit ako nagtaka sa ikinilos niya.
"Aba malay ko po?" Ang weird niya. Muntanga lang. Patalikod na sana ako pero nagsalita ulit ang papa ko. -,-
"San ka pupunta?" Ay. Dapat kasi hindi nalang ako bumaba. Maninermon to sigurado.
"Sa kwarto?" Patanong na sagot ko.
"Maupo ka muna." Utos niya. Matapos kong umupo nagsalita siya ulit. "Sino ang lalaking iyon?" Sabi na nga ba. Mangungulit na naman 'to. Pfft!
"Kaibigan ko po." Sagot ko habang nakatungo.
"Kailan ka pa nagkaron ng kaibigan? Bukod dun kay Red at sa boypren mo?"
Bumuntong hininga muna ako bago muling nagsalita. "Nakilala ko po siya sa Makabebe's Hospital. Siya po yung batang---"
"Yung batang tinulungan mo dati?" Pagpatuloy niya sa sinasabi ko. Bahagya pang lumaki ang mga mata niya habang nagtanong siya. Tumango naman ako.
"Ayos ah.." Wala sa sariling bigkas ni papa. "Matapos ang ilang taon, nagkita ulit kayo. Anong plano mo ngayon nak?"
"Plano? Anong plano naman ang sinasabi niyo diyan Pa?"
"Ang anak ko talaga ang liit ng utak."
Makapanglait naman to si Papa parang ang taba ng utak niya. Huehue
"Syempre may boypren ka na, tapos bigla dadating ang kababata mo? Paano yan?"
"Ano naman pong problema doon?"
Wala naman kasi talaga akong nakikitang problema.
"Haynako na bata. Halika na nga sa kusina nang makakain na tayo."
Matapos kumain ay ako na ang naghugas ng pinagkainan namin. Dalawa na lang kasi kami sa buhay ng Papa ko. Umakyat na din ako sa kwarto ko pakatapos.
Bumalik na ang kababata ko.
Lyle Ashton Villanueva. Kyaaa!
Ang cute naman niya.
Mabait? Check.
Gentleman? Check.
Mayaman? Check.
GWAPO? Big Check.
Samantalang si Xyrus..
Hays!
Navermind!
Magkaibang magkaiba sila.