CRAZY IN LOVE

1581 Words
XYRUS JAVI's POV I'm still hoping na magkakaayos pa din kami ni Summer kaya ang ginawa ko ay bumangon na. *Steven Daylisan's Calling* "Oh?" ["Yow Dre, papasok ka ba?"] "Oo, nag aayos na nga ako pero tumawag ka istorbo ka talaga." ["Haha. Buti naman at hindi ko na pala kailangang kulitin ka. Dalian mo kasi namimiss na kita."] "Siraulo!" ["Hahaha! Kita na lang tayo sa school."] *tooot---* Inilapag ko ang cellphone ko matapos namin mag usap. Ang bakla talaga ng lalaking yun. Kailangan ko ng inspirasyon. Hmm. Nasan ang I.D ng Awawa ko? Hinanap ko ang lalagyan nito at kinuha iyon sa drawer na nakalagay sa jewelry box. "There you are. Bakit nandiyan kana? Naglakad ka ba? Haha! Akala ko kung san ka na napunta." Pagkausap ko sa I.D niya. Napalitan bigla ang ngiti ko ng lungkot dahil sa naisip. "Hoy! Alam mo bang miss na kita? Sana bumalik na tayo sa dati, ayoko ng ganito. Nasasaktan ako." Hindi ko napansin na may nangingilid na palang mga luha sa mata ko kaya agad ko itong pinunas at ngumiti. "Hindi ako titigil hanggat hindi tayo bumabalik sa dati. Ayokong mawala ka sakin." Pakasabi ko nun ay ibinalik ko na ang I.D niya sa lalagyan nito. Pagbaba ko. "Hay salamat naman anak at papasok ka na." "Baka po namimiss na ako ng mga fans ko eh." Natatawang sagot ko. "Ikaw talagang bata ka. Hala oh sige, kumain kana para makaalis ka na. Mamaya pala aalis ako para sunduin ang apo ko, lalabas na siya.." Masayang balita niya. Napatingin ako sakanya at ngumiti bago nagsalita. "Talaga po? Mabuti naman. Eh di pupunta ka po sa hospital niyan?" Tumango siya. "Hatid na po kita para makilala ko naman po ang apo ninyo." "Wag na Iho, ipapasyal ko na lang siya dito sa sunod. Sige na mag ayos ka na at baka malate ka pa.." "Ganun po ba. Sige po." Agad akong umalis ng bahay matapos kumain. Habang nasa byahe, hindi ko maiwasang hindi si Summer maisip. 'Ang lampa naman kasi ng Awawa ko eh, tatawid na lang sa isip ko nahulog pa sa puso ko. Hehehe' Pagpasok ko pa lang ng gate, narinig ko na naman ang mga tilian ng mga babae. Ganun talaga pag gwapo habulin, buti na lang loyal ako kay Summer KO. Mwehehe "Hoy Steven!" "Oh. Naks! Kamusta ang broken hearted? Naghilom na ba ang sugatang puso??" Pagbibiro niya. "Haha. Gago! Magpapatulong sana ako sa'yo." "Saan? Sa math ba? Tsk! Sinasabi ko sa'yo Valderama, magpatulong kana sakin sa lahat ng bagay wag lang diyan--- Aray ko naman! Bakit mo ako binatukan?" Pagrereklamo niya nang bigla ko siyang batukan. "Ang dami mo kasing sinasabi eh." Ang daldal kasi. Walang preno ang bibig parang babae. "Syempre! Eh alam mo naman na mahina ako sa math tapos sakin ka pa talaga magpapatulong." Nasapo ko na lang ang noo ko dahil sinabi niya. Ang slow mo Dre! "Tss. Kay Summer." Sagot ko na lang. "Ah. Haha! Akala ko sakin ka magpapatulong." Tatango tango niyang sabi. Gago! Lg talaga. "Sa'yo nga." "Teka, sabi mo kay Summer?" "Takte naman! Ano ka ba naman?!" "Tao?" "Amputs Daylisan, isa pa!" "Hahaha! Ang cute mo talaga mabadtrip." Nagsitayuan ang balahibo ko sa sinabi niyang iyon. "Hoy! Umayos ka nga. Nakakadiri ka ah." "Eh ano ba kasing gagawin ko?" "Tulungan mo akong bumalik kami sa dati ng Awawa ko." "Hala." Lumaki pa bahagya ang mata niya. "Oh bakit?" "Hindi ko kaya yan Tol." Seryosong sabi niya. "Bakit nga?" "Ano ako time machine? Ibabalik ko kayo sa nakaraan?--- Aray! Nakakailan kana Valderama ah, pag ako nabukulan lagot ka sa mga babae ko..." Parang batang reklamo niya sakin nang batukan ko ulit. "Mabubukulan ka talaga kapag hindi ka umayos. Tsk!" "Diretsuhin mo na kasi, ang dami pang segway eh." Eh malay ko ba kasi na hindi mo magegets? Gago -,- "Gusto kong tulungan mo 'kong maging okay ulit kami ni Summer. Baka mabaliw ako kapag hindi agad kami naging okay eh." Seryosong sabi ko. Baka naman hindi niya pa yan maintindihan, kukutongan ko siya. "Nakakatakot ka pala kapag inlove! Yay!" Buti naman at mukhang gets niya na. Phew! "Hahaha. Atleast loyal." Yes. I'm so loyal pagdating kay Summer. Ako nalang yata ang lalaking loyal. Ugh "Sus. Loyal. Ang tanong, loyal ba sa'yo? Hahaha!" Napatigil ako sa pagtawa dahil sa sinabi niya. 'Loyal ba sa'yo?' 'Loyal ba sa'yo?' 'Loyal ba sa'yo?' Paulit ulit itong umi-echo sa tenga ko. "Ah. Sige Dre, cr lang ako." Biglang pagpaalam niya. Napansin niya siguro na bigla akong natahimik kaya umiwas agad. Napapailing nalang akong tumingin sa malayo. 'Siya kaya, loyal din sakin?' SUMMER's POV Nagising ako sa loob ng isang silid na walang ibang kulay kundi puti. Isang silid na ayaw na ayaw kong makita at mapuntahan. Napansin ko din na may nakakabit na swero sa kamay ko at may oxygen sa gilid ng kama ko. Iginala ko pa ang paningin ko at nakita ko ang Papa ko sa gilid na nakayuko kaya gumalaw ako ng konti. "Pa..." Ginalaw nito ang ulo ng konti bago tumambad sakin ang mapupungay na mga mata. "Anak? Summer ayos ka lang? Anong masakit sa'yo?" Nag aalalang tanong niya. Lihim akong napabuntong hininga. "Okay lang po ako Pa." Tipid na sagot ko. Napansin ko namang nagbuntong hininga rin siya bago nagsalita ulit. "Kelan pa?" Maya maya'y tanong niya. Titig na titig ako sa kaniya. "Po?" Medyo namumula na rin ang mga mata niya. "Kelan mo balak ilihim sakin ang tungkol diyan sa sakit mo?" Garalgal ang boses nito at halatang pinipigilan niya lang ito para hindi maiyak. Ayoko ng ganito! "Pa---" "Kelan pa Summer ha? Tinatanong kita lagi kung okay ka lang? Bakit kailangan mong ilihim sakin na bumalik pala ang sakit mo?" Hindi ako nakapagsalita agad. Ito na ang ikinatatakot ko. Ang malaman niya na bumalik ang sakit ko! Gusto kong magsalita at magpaliwanag pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Alam kong galit siya pero hindi niya lang ito ipinapahalata sakin. Nagpunas ito ng luha na kanina ay tumulo na. "Baka nakakalimutan mo na kung paano ka pinahirapan ng leukemia na yan nung bata ka?" Huminga siya ng nalalim bago nagsalita ulit. "'Wag ka ng mag aral." Napatingin ako sa kaniya. Hindi pwede! "Pero Pa naman---" Gusto ko mag aral. "Magpapagamot ka muna." Seryosong sabi niya bago siya tumayo. Narinig ko na lang ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Gustuhin ko man tumutol sa desisyon niya, wala na akong magagawa. Kasalanan ko ito, dahil sa ayaw kong mag alala sa akin ang Papa ko kaya ko inilihim na bumalik ang sakit ko. Oo, may sakit ako. May lintik na leukemia at hindi ko alam kung gagaling pa ako o hindi na! Ito ang dahilan kung bakit ako balik ng balik sa ospital nung bata pa ako. Ito din ang dahilan kung bakit nag drop out ako sa school ng isang taon para tutukan ang pagpapagamot ko. Akala namin magiging okay na ako kaya pinayagan ako ng Papa ko na bumalik sa pag-aaral ngayong taon pero nagkamali ako. Nagkamali kami. Dahil sa pamimilit at pakikiusap ko kay Papa, napapayag ko rin siyang umuwi ako sa bahay. Ayoko sa ospital at alam niya iyon. "Hintayin mo ako dito Summer, kakausapin lang ako sandali ng doktor. Pagbalik ko uuwi na tayo." Bilin niya sakin. Tumango naman ako. Nakaupo ako ngayon sa mahabang silya sa ospital. "Apo, 'wag ka na ulit pasaway ah? Uuwi na tayo." Lumingon ako sa nagsalita. "Gusto ko po kendi shigi naaa." Makulit na bata. Sa tingin ko, mga pitong taon palang ito. Ang cute ng pisngi niya ang taba. Haha "Sarah 'wag ng matigas ang ulo. Pag uwi na lang sa bahay, tara na." Pagpilit sakanya ng kasama niya. Sa tingin ko din, lola niya ito. "Eeeeh. Ayoko po gushto ko nayun na." Makulit talaga. "Pwede po ba siya nito?" Sumingit na ako sa usapan nila at sabay pakita sa chewing gum na hawak ko. "Gusto mo nun Apo?" Baling niya sa batang kasama niya. "Opo Nanay." "Uhm, ito oh. Kaso chewing gum yan." Nakangiting abot ko sa batang katabi ko. "Ah. Hehehe. Salamat Ineng, makulit talaga ang batang ito, kapag gusto dapat nasusunod lagi." Napangiti ako sa sinabi niya. Parang ako lang pala. "Parang ako lang po pala." Nakangiting sabi ko habang nakatingin sa batang babae na pinipilit buksan ang binigay kong chewing gum. "Kaya ka siguro nandito dahil makulit ka." Natatawang sagot ng lola ni Sarah. "Hm? Siguro po? May leukemia po ako." Sabi ko na nakangiti pa din. Napatingin naman siya sakin bigla. Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na. "Tanggap ko naman po ito eh, matagal na." Nakangiti ko pa ding sagot. "Summer anak tara na, uuwi na tayo." Sabi ng Papa ko nang makabalik ito. "Sige po Lola, mauna na po kami. Ikaw naman baby girl, 'wag matigas ang ulo para hindi magaya kay ate ah?" "Opo ate ganda." Binigyan ko siya ng napakatamis na ngiti pagkatapos ay tumalikod na ako at umalis na kami. Tinawag niya akong maganda kahit ang putla ko. Hehe Habang pauwi sa bahay, tahimik lang akong nakatingin sa daan. "Anak, simula ngayon kung may masakit man sa'yo sabihin mo agad sakin naiintindihan mo? Ako ang papa mo.." "Opo Pa." Tinignan niya lang ako kaya nagsalita ulit ako. "Pa." "Hmm?" "Ano pong kondisyon ng sakit ko? Malala na po ba?" Napansin kong nabigla siya sa tanong ko pero hindi niya iyon pinahalata. "Gagaling ka." Tipid pero seryosong sagot niya kaya hindi na lang ako nagsalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD