XYRUS JAVI's POV
"Dre, ang lakas naman ng trip mo! Sigurado ka bang girlfriend mo yun eh hindi mo nga pala alam ang pangalan, saka katakot ah! Basagin daw balls mo. Hahaha! Gago ka talaga!" sabi ni Steven habang naglalakad kami.
"Syempre biro ko lang yung hindi ko matandaan ang pangalan niya, alam na alam ko kaya, ultimate crush ko yun ano kaba. Hahaha!"
"A-Ano???" Lumaki naman ang mata ni Steven sa sinabi ko.
"Bingi kana din pala ngayon tol. Haha. Kakasabi ko lang." Natatawang sabi ko.
"So you mean, that Summer is your childhood crush?"
"Sshhh! Ano ka ba naman Tol, ang ingay mo. Oo nga diba? Kakasabi ko lang.. Tsk!"
"How come? I mean, paanong nangyari yun?" Puno ng kuryusidad na tanong niya.
Ang chismoso talaga ng lalaking 'to.
"Pinapagalitan ko kasi ang kapatid ko sa daan nung isang linggo, tapos may epal na boses na galing sa isang bahay na sagot ng sagot sa mga sinasabi ko. Ayun, pinalabas ko siya eh natakot ata kaya ako na lang ang pumasok sa bahay nila. Hahaha!"
"Eh?" Takang tanong niya.
"Tapos yun na, pumasok ako sa bahay nila, swerte namang siya lang ang tao, dapat sana tatakutin ko lang siyang halikan tapos aksidenteng nakita ko na may balat siya sa leeg niya..." Nakangiti ako habang nagpapaliwanag.
"Yun na yun?"
"Hindi pa. Sakto namang dumating ang papa niya at tinawag siyang Summer tapos sinabi ko na girlfriend ko si Summer. Hahaha!"
"Sigurado ka bang siya talaga yung batang hinahanap mo dati pa?" Naninigurong tanong niya.
"Yup! Nakita ko picture niya sa kwarto niya pati na din sa sala nila.." Nakangiti ko ulit na sabi.
"Alam niya ba yan?" Seryosong tanong niya.
"Hindi. Dapat ba ipaalam ko?"
"Malamang! Wew."
"Saka na, tara na male-late na tayo sa subject natin.." Sabi ko tapos ay naglakad na ng mabilis.
"Teka, paano si Cassey?"
Paano na si Cassey? Wala naman na siya so bakit ko pa siya poproblemahin? Bahala na siya.
Nakatulala. Nag iimagine na naman ako ng kung anu-ano.
Flashback
Nasa playground ako ng isang hospital naglalaro kaso may mga salbaheng bata na pinagtulungan ako. Apat sila isa lang ako kaya talo talaga ako.
"Yaaa! Akit niyo niaaway ang awawa ko?!" Sigaw ng batang cute na babae sa mga nangbubully sakin.
"Awawa daw oh. Sige nga, lapit ka nga dito..Hahahaha!" Halakhak ng mga nag aaway sakin.
"Di ayo alish?" Si bata.
"Hindi! Hahaha!" Sabi ng apat na batang lalaking nagtitrip sakin.
"Wan! Tu! Tri! Payb! Sibin! Takbo na ayooo!" Tapos ay pinagbabato niya ito ng tae ng kalabaw na matitigas kaya nagsitakbuhan sila palayo. Hindi ko alam kung bakit may tae ng kalabaw dun. Kadiri. Pagkatapos lumapit siya sakin.
"Oke lang ikaw?" Pag aalalang tanong niya sakin. Tumango naman ako bilang tugon.
"Next time dat ikaw na atatanggol arili mo ha? Hihihi"
"Oo. Shugat ba yan sha leeg mo?" Turo ko sa leeg niya.
"Yindi. Ba-lat daw ito sabi mama asi werte daw ako. Ita mo iligtash ita. Hihihi"
"Eh yang sha kamay mo ano?" Turo ko naman sa kaliwang kamay niya.
"Niaway ako doctor. Lagi tinutusukan amay ko.." Mangiyak ngiyak na sabi niya. "Ikaw bait ka andito? Away ka din ba doctor?"
"Nakagat ako asho namin. Ano pala pangalan mo?" Tanong ko.
"SUMMER!" Sigaw ng isang babae na papalapit samin.
"Ikaw na bata ka kanina pa kita hinahanap, halika na!"
"Hala. Shi Tita Ninang ayan na.. Alish nako..babay awawa ko." Pagkatapos ay tumakbo na ito papunta sa babae.
Napakamot na lang ako sa ulo at aalis na sana pero may nakita akong I.D. Summer Ordońes. Kinuha ko iyon at itinago.
End of Flashback
"Mr. Valderama! Are you listening?" Napatayo ako bigla ng marinig ang buo kong pangalan.
"Hahahaha!" Tawanan ng mga classmates ko. Peste. Nasa classroom nga pala ako.
"Quiet class!" Sigaw ni Ma'am. Bigla naman akong umupo ulit dahil sa pagkapahiya. Tss
"Uy Tol, ayos ka lang? Kanina ka pa muntanga diyan sa inuupuan mo!" Pabulong na sabi ni Steven.
Pansin ko nga. Namo.
SUMMER's POV
Buti naman hindi na bumuntot sakin yung Xyrus na yun. Ginugulo niya mundo ko. Pati first kiss ko na dapat sa asawa ko lang ibibigay ay kinuha niya sakin ng walang paalam. Badtrip siya! Although nag enjoy naman ako, pero kahit na. Tsk. Kaya siguro natanong niya kung nagtoothbrush ako kasi ganun pinaplano niya. Hays. Buti na lang talaga handa ako.
"Hi Summer! Sabay na tayo umuwi.." Nakangiting sabi sakin ni Red. Classmate ko.
"H'wag na, kaya ko namang umuwi mag isa." Nakangiting sagot ko.
"Sigurado ka? Paano kung---"
"Okay lang ako. Sige na.." Pagpapaalam ko sabay talikod sakanya pero ramdam kong sumunod siya sakin.
"Summer---" si Red.
"Hello My Girl!" Kindat sakin ni Xyrus paglabas ko ng room. Wth? Anong ginagawa niya dito?
"Sum...mer, kilala mo siya?" Tanong ni Red sabay turo kay Xyrus.
"Waaaaah! Look, si Ex oh!"
"Gooosh! Why so pogi. Huhu!"
"Oh my god! Sino yang babae na yan?"
"Summer Ordońes from section II, nag drop out yan last school year eh, bakit bumalik?"
"Awe. Siya pala yun?"
"Bakit nandito si Ex?"
"Hindi kaya? Oh my god girls!"
"Come on My Girl, uuwi na tayo sa bahay natin masyadong maingay dito hindi kita masolo.." Ngingiting sabi ni Xyrus. "Excuse us pare." Pahabol niyang sabi habang nakatingin kay Red.
"OMG! Tama ba narinig ko girls?"
"My Girl daw? Paano na si Cassey?"
"Mas bagay naman sila oh, waaah! They really look good."
Bulungan ng mga babae. Hindi ko na lang sila pinansin, dun naman ako magaling, sa mag snob ng tao. Kinuha naman ni Xyrus ang bag na dala ko tapos ay mabilis kaming nakarating sa kotse niya.
"Ang dami mong ex ha, famous o famewhore?" Pang iinsultong tanong ko.
"Gwapo lang. Hahaha!"
"Tss"
"Bakit ang tamlay mo yata? Hindi mo ako sinisigawan. Haha!" Muntanga lang. Tawa ng tawa, wala namang nakakatawa.
"Pwedeng humingi ng pabor?" Seryosong tanong ko.
"Sus. Magrerequest ka lang ng isa pang kiss eh. Hahaha!"
"Hindi."
"Sige, ano yun?" Nakangiting sabi niya.
"Pwede bang umalis ka na sa buhay ko?" Seryosong sabi ko. Nakita kong nagulat siya sa binitiwan kong salita pero hindi niya ito pinahalata.
XYRUS JAVI's POV
"Pwede bang umalis ka na sa buhay ko?" Nabigla ako sa binitawang salita ni Summer. Hindi agad ako nakapag react. Hindi ko yun inaasahan. Pero bakit? Nagsisimula pa lang ako, tayo?
"Ah. Haha. Bakit..Haha, bakit ko naman gagawin yan?" Tumatawa ako pero deep inside nasaktan ako, tangna!
Tumingin muna siya sakin tapos tumingin sa malayo bago nagsalita.
"Dahil ayoko. Siguro naman sapat na yung pang iinis mo sakin at pagpapakilala mo sakin sa tropa mo bilang girlfriend mo?" Diretsong sagot niya. Pero hindi lang yun ang gusto ko mangyari!
"Sige. Pag iisipan ko.." Sabi ko na tila nag iisip. Mag isip ka, mag isip ka Xyrus. Tch
"Okay, uwi na ako---"
"Nakapag isip na 'ko." Putol ko sa sinasabi niya. Tinignan niya lang ako na tila naghihintay ng desisyon ko.
"A-Y-O-K-O!"
Biglang namilog ang mga mata dahil sa biglaang desisyon ko.
"Hahaha!" Nagmumukha akong timang dito kakatawa.
"Asa ka naman na gagawin ko yang pabor mo?" Sabi ko sabay ngiti. Nice Xyrus.
"Sigurado ka?" Paninigurado niya.
"Yup My Girl." Sigurado naman talaga ako dahil ngayong nahanap ay nakita na ulit kita, hindi ko na hahayaang magkahiwalay ulit tayo.
"Yuck! Ang baduy mo!" Nagpapakasweet lang. Hehe
"Bakit? Ayaw mo ba na tinatawag kitang My Girl? Hm. Siguro kasi dahil tibo ka talaga no?" Turo ko sa kaniya. "Halaka Xyrus, tibo pa unang nakadampi sa labi mo. Iyak na! Huhuhu!" Pagdadrama ko na may pahawak-hawak pa sa masarap kong labi.
"Ang arte! Pasalamat ka nga't nagtoothbrush pa ako. Hatid mo na nga ako samin!"
"Eh 'di thank you. Hahahahaha!" Nagkakagusto na siguro siya sakin. Haha! Ang galing ko talaga duma-moves. Mwehehe
Pero siya naka poker face lang.
"Bakit?" tanong ko.
"'Wag kang tawa ng tawa, baka isipin ng makakita dito satin may kinakausap akong takas."
"Takas?" Kunot noong tanong niya.
"Takas sa mental. Baliw, timang, krung-krung, boang, bangag, adik ganun."
"Hoy! Hindi ako adik!"
"Edi hindi na kung hindi. Tss. Defensive!" bulong niya.
"Hoy narinig ko yan!"
"Malamang! Sa laki ng tenga mo imposibleng hindi mo marinig!"
"Aba't---"
"Babe?" Sabay pa kaming napalingon ni Summer sa nagsalita sa likod.