Deanna Point of View
Three Days Later . . . .
Kakatapos lang ng klase ko. Yes, back to school na ko. "Deans, sabay na tayo mag-lunch."
"Sama ako." Singit ni Ponggay.
"Libre mo." Sabay sabi namin ni Ron.
"Cge na nga."
Tumungo kami sa JSEC kung saan karamihan ng college students ay dito kumakain. Minsan dito rin sila nagsta-study.
"Order ka na, Pongs." I said and crossed my arms.
"Bakit ako? Ako na nga may sagot, ako pa rin oorder?"
"Ako na lang." Sabay tayo ni Ron at kinuha ang pera na binigay ni Ponggay.
"Uy Deans, hindi ba alam ni Jema ang tungkol sa pag-guest mo sa upfront kasama si Ricci?"
"Hindi. Isa pa nung sabado pa yun pinalabas."
"Ikaw ah, naglilihim ka kay Jema." She said.
"Ano ka ba, wala lang naman yun."
"Hm . . Ngayon replay nun eh, mamayang three o clock."
"Wala akong balak panoorin." I said.
"Ay grabe, akala ko ba gusto mo si Ricci?"
"Hoy wala akong sinasabi. Kayo lang naman ang nagsasabi niyan."
"Hm . . Masyado kang defensive." Pongs said.
Inirapan ko lang siya. Nang matapos kami kumain ag naghiwalay-hiwalay na kami ng landas.
May mga lakad pa kasi sila habang ako ay uuwi na para magpahinga. "Deanna!"
I looked at my back. "Oh ate Mads, bakit?"
"Darating daw yung mga bagong recruit ni coach O, yung mga pumasa sa ACET."
"Oh tapos?" I asked.
"Ikaw muna bahala, may lakad kasi ako eh. Diba uuwi ka na?"
"Ah cge ate, walang problema." Tumango ito tapos ay tumakbo na palayo sakin. Pagdating ko sa dorm ay si Ann lang ang tao. "Wala pa sila?"
"Halos lahat sila may lakad."
"Cge kwarto muna ako. Nga pala mamaya daw darating yung mga recruit ni coach O na nakapasa sa ACET, gisingin mo na lang ako."
"Yes." She said.
Umakyat na ko para magpahinga. Nagising ako bandang four o clock, chineck ko agad ang phone ko.
Bumungad sakin ang mga text ni Jema, dami ah. Miss ako? I checked her messages.
"Hey! San ka?"
"Uy Bb!"
"DEANNA WONG!! Wala kang sinabi na nag-guest ka pala sa upfront, kasama pa talaga ang Ricci na yun."
Fuck! Napanood niya? Shete! Baka iwanan ako nito.
"Hi Bb, kakagising ko lang." I replied.
Maya't-maya ay tumunog ang phone ko. Tumatawag siya. Huhuhuh! Kayo na po bahala sakin lord.
"Hello?"
"Ano Deanna Wong?! Ayun pala yung sinasabi mo sakin na shooting, may nalalaman ka pang shooting star diyan." She said.
"Sorry na, Bb."
"Tse! Ilang araw palang tayo, naglilihim ka na sakin." She said.
"Eh Bb nung shinoot namin yan, hindi pa tayo."
"Kahit na! Dapat sinabi mo pa rin."
Kakaiba pala magalit si mareng Jema.
"Sorry na ka——"
Oh s**t! Pinatayan ako. I tried to call her pero cannot be reach na. Ano ba yan!
"Deans nandyan na sila!"
"Cge sunod ako!"
Inayos ko muna ang aking sarili bago bumaba. Mamaya ko na susuyuin si Jema, yung mga rookies muna.
"Hi guys." Bati ko sa kanila. Binati ko din ang mga magulang nila.
"Hija ikaw ba ang captain?" Tanong sakin ng mother ni Jaycel.
Kilala ko na sila, nameet na namin sila nung nakaraan bago pa ko ma-hospital.
"Ah hindi po. Umalis po kasi si ate Mads, yung Captain namin. Samin po binilin ang mga darating na rookies." Sabay ngiti ko.
"Ah cge."
Isa-isa nagsi-alisan ang mga magulang pagtapos nila magpaalam sa kanilang anak.
"Wag kayo malungkot, magiging masaya kayo rito." Sabi ni Ann sa mga rookies.
"Oo nga, tara pasok na tayo." Aya ko.
Pinaupo muna namin sila sa couch, hindi pa kasi namin alam kung saan sila magkwa-kwarto.
Jema Point of View
ARGHH!! Nakakabadtrip siya, promise. May nalalaman pang shooting star, ang daming alam.
"Uy Jema. Bakit nakakunot noo mo?" Ate Jia asked.
"Hahahah! Napanood niya yung replay ng upfront." Natatawang sabi ni ate Alex.
"Anong mayron?" Ate Ly asked.
"Here." Pinakita ni ate Rizza ang phone niya.
"Ah kaya pala . . Hindi mo ba alam, Jema?" Ate Ly asked.
Umiling ako.
"Hindi niya alam, masyado kasi siyang focus sa training at kay Deanna." Sabi ni ate Ivy.
I stood up. "Mga ate uuwi na po ako."
"Uy bff sabay ako sayo." Kyla said.
Nauna na ko lumabas ng gym, hinintay ko na lang si Kyla sa kotse. "Saan kita ihahatid?"
"Sa bahay. Duh!"
Pinaandar ko na ang kotse ko patungo sa bahay nila. Pagdating namin dun ay inaya ako ng magulang niya mag-merienda.
"Salamat tita." I said.
Bestfriend ko na si Kyla since first year high school. Tiga laguna din sila pero dito ngayon naninirahan ang magulang niya sa manila, pansamantala lang naman.
Pag-uwi ko sa apartment ay binuksan ko na ang phone ko. Bumungad sakin ang chats ni Deanna.
Tsk! Bahala siya.
"Jema?"
Sumilip ako sa bintana at nang makitang si Cy ito ay lumabas ako at binuksan ang gate.
"Oh Cy, bakit nandito ka?"
"Wala lang. Nag-dinner ka na?"
"Dinner agad? Five thirty palang, Cy."
"Ay oo nga noh. Merienda tayo, sama natin si Mafe at Sheena."
"Nag-merienda na ko pero cge."
Nagpalit muna ako ng damit bago kami umalis. Una namin sinundo si Mafe bago si Sheena.
"Uy mareng Jema, sabihin muna naman kay Mafe kung anong real score niyo ni Deanna." Cy said.
"Hala. Ate kayo na ba ni Crush?" Mafe asked and pouted.
"Yeah. Nung may 4 naging kami." Sabay belat ko.
"Swerte mo naman." Mafe said in a sad voice.
"Nandito naman ako babe." Sheena said.
"Kailan mo siya papakilala samin Pangs?" Cy asked.
"Deanna? Siguro pag may time na."
"Hintayin namin yan." Cy said.
"Naku magkakasundo kayo nun kuya Cy, conyo yun katulad mo." Sabi ni Mafe.
"Hm let's see." Cy smirked.
Namasyal pa kami bago hinatid namin si Sheena at Mafe, hinatid din ako ni Cy sa apartment, umalis din siya agad.
Deanna Point of View
Dumating si ate Mads bandang eight o clock. "Deans si Jaycel tsaka Aya sa room niyo ni Pongs."
"Cge. Jaycel at Aya tara na."
Tinulungan ko sila buhatin ang mga gamit nila. Wala pa kasi si Pongs, hindi ko alam kung nasan na naman ang babaeng yun.
"Ate Deans, anong oras curfew rito?" Jaycel asked.
"Ten kapag weekdays and twelve kapag weekend."
"Ah . ." Sabay tango nilang dalawa.
"Uhm . . Maiwan ko na kayo, ayusin niyo na mga gamit niyo."
Bumaba ako at nagpaalam kay ate Mads na tatambay muna sa lobby. Naupo ako sa couch ng lobby.
I called Jema, this time sumagot na 'to. "Bakit ngayon mo lang sinagot?"
"Why are you call?"
"Kanina pa ko tumatawag sayo, hindi ka man lang sumasagot." She didn't speak. "I'm sorry, okay? Sorry kung naglihim ako."
"You hurt me."
Napapikit naman ako sa sinabi nito. I hurt her? Alam ko masama maglihim lalo na't girlfriend ko pa ang pinaglihiman ko.
"I will do anything and everything just to take away all the hurt that you feel. Please forgive me, I'm sorry."
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya saka nagsalita. "Fine. I forgive you."
"I need to see you right now. I miss your hugs."
"Okay. Pupuntahan kita, wait for me." She ended the call.
Tinungo ko si ate Mads at nagpaalam rito. "Wong yung curfew ah?"
"Yes ate Mads."
Maya't-maya may huminto na kotse sa harap ng eliazo dorm, kotse ni Jema. Binaba nito bintana at sumenyas sakin.
Pumasok ako sa loob ng kanyang kotse at niyakap agad siya. "How are you?"
"I'm good. Are you still mad at me?"
She cupped my face. "No, just don't do it again. Okay?"
Parang bata akong tumango. "Yes."
"You miss me?"
Dalawang araw ko din siya hindi nakita, masyado kasing mahaba ang oras niya sa training. Simula na din kasi ng reinforced conference.
"Yeah. I miss your voice, I miss your touch, I miss your hugs and I miss you." I said in a sweet voice.
"I love you. Kumain ka na?"
Umiling ako. "Hindi pa."
"Kain tayo." Pinaandar niya ang kotse.
Kumain kami sa jeepney bistro, treat niya. Hahahah! "Training ka bukas?"
"Always naman pero hapon pa. Bakit?"
"Hm . . Wala." I said.
"Bukas sama ka sakin, pakilala kita kay Cy tsaka Mafe."
"Cy? Yung lalaking lagi mo kasama?"
"Yeah. My bestfriend." She said.
"Sunduin mo nalang ako rito."
"Cge before lunch."
"Okay." I said.
Nang matapos kami kumain ay nag-stroll kami sa loob ng ateneo. Lakad-lakad lang hanggang sa napadpad kami sa Zen Garden.
Naupo kami sa bench. Bench kung saan huli kaming nagkausap . . . Ni Ate Nicole. "Bakit lumungkot yan mukha mo?"
"May naalala lang ako." I smiled bitterly.
"Sino? Ex mo?"
Bahagya akong natawa sa tanong niya at inakbayan siya. "Honestly Bb ikaw ang first ko."
Gulat itong napatingin sakin. "Weh? Sa dami nang nanligaw sayo, wala ka naging girlfriend or boyfriend na iba?"
"Wala, tanging ikaw lang."
"Totoo?" I nodded. "Ibig sabihin first time mo pumasok sa isang relasyon?"
"Yes. May naging crush ako pero crush lang. Hanggang dun lang, wala akong minahal tanging ikaw lang." Sabay kindat sa kanya.
Kahit gabi na ay nakita ko pa rin ang pamumula ng pisngi nito, napangiti tuloy ako.
Jema Point of View
Nakakainis si Deanna! Ang hilig niya magpakilig, iba talaga kapag bata. Hahahah!
"So sino yung naalala mo? Bigla ka nalungkot."
"Si ate Nicole." Tumingala ito. "She's my sister at the same time . . my bestfriend."
"Tapos?"
"Sabay kami nag-aral kahit matanda siya sakin ng dalawang taon. Sobrang close namin lalo na nung naging magkaklase kami nung high school. Masaya naman kami, sobrang saya." She looked at me. "Pero napalitan ng lungkot nung dumating yung new classmates namin. Naging close sila nun at dumating na nga sa puntong halos hindi na ko kausapin ng ate ko, ni hindi niya na nga ako kinakausap kahit sa bahay. Tanging yung mga barkada niya ang tanging kausap niya." Her tears dripped. "One time umalis si mom and dad, kasama yung eldest sister ko at yung two brothers ko. Naiwan kami sa bahay then tumawag yung kaibigan niya at iniwan niya ko mag-isa sa bahay. Umuulan nun at kumikidlat, eh takot ako sa lightning, wala akong nagawa kundi yakapin nalang ang sarili ko." She wiped her tears. "Mula nun nagkaron ako ng galit sa kanya, hindi ko alam kung bakit pero sobrang galit ako sa kanya. Mabuti na nga lang grade 10 na ko at malapit na ko lumipad patungong maynila kaya hindi na kami nagkaron ng chance para makapag-usap."
Niyakap ko siya. "Shhh . . Tahan na."
Sinubsob nito ang kanyang mukha sa aking dibdib. "Wag mo ko iiwan ah?"
"Hindi ako mangangako pero gagawin ko ang lahat para hindi kita iwanan." I kissed the top of her head.
"T-thank y-you."
Iyak lang ito nang iyak sa dibdib ko. Nang tumahan ito ay tsaka ko lang siya hinatid sa dorm nila pero bago yun ay pinaghilamos ko muna siya.
Baka kasi kung anong isipin ng teammates niya, mamaya sisihin pa ko.
"Wag ka na umiyak ah? Uuwi na ko, kita nalang tayo bukas."
"See you tomorrow." She said.
Humalik ito sa aking pisngi bago lumabas ng kotse ko. Pinaandar ko na ang kotse pauwi sa apartment.
Hindi ko alam na sa kabila ng ngiti ni Deanna, may dinadamdam pala siya. Ang tapang ni Deanna, bilib ako sa batang yun.
Pero sana magkaayos na sila ng ate niya, hindi kasi maganda tingnan kung may sama ka ng loob sa ate mo.
[Fast Forward[
Nagising ako ng maaga dahil sa lintik na text ni Kyla.
Anak ng teteng naman oh!
Tinawagan ko na ito dahil tinatamad pa ko mag-type. I closed my eyes. "Hello?"
"Bff san ka?!"
"Ang ingay mo. Mamaya pa training." I said.
"Kaya nga, mall tayo!"
"Sira! Mall? Ang aga-aga. Ako nga Kyla tigilan mo ko."
"Anong maaga? Eh six na po." She said.
"Maaga pa rin. Isa pa ten o clock pa yung bukas ng mall. Nasisiraan ka na ba?"
"Hala! Oo nga. Cge spa na lang tayo. Bilis! Treat ko."
I opened my eyes. "Talaga? Walang bawian ah?"
"Oo, sunduin mo ko rito." She ended the call.
Dali-dali akong naligo at nagbihis, tinext ko na rin si Deanna. Sakit ng katawan ko, maganda mag-spa kapag umaga. Buti nalang treat ni mareng Kyla.
Hahahahah!
"Ang bilis ah, basta treat."
"Tse!" Sabay irap ko rito. "Saan tayo?"
"Saan ba maganda magpa-spa?"
"Sa Le spa na lang." Pinaandar ko na ang kotse.
Nang makarating kami dun ay sarado pa, thirty minutes before open so nag-breakfast muna kami sa isang resto na malapit.
"Pagtapos gym tayo mareng Jema."
"Eh ayoko, may training na nga mamaya eh." I said.
"Jusmiyo kaya ang taba mo eh."
"Mataba na ko?" I pouted.
"Joke lang. Sira!" Binato ako nito ng tissue.
Inirapan ko lang ito sabay kagat sa bread.