CHAPTER 20

1896 Words
Deanna Point of View Month of September I woke up early because I have a morning training. I took a bath and nagbihis ako ng pang-training. Pagbaba ko ay naabutan ko silang naglalaro ng Xbox, pagmamay-ari ito ni ate Bea. Dinala niya rito para may libangan kami sa dorm. "Good morning guys." "Morning Deans." Ate Kim said. "May breakfast na?" Naupo ako sa tabi ni Ponggay at doon nagsuot ng sapatos. "Yes boss mapagmahal." Ate Mads said. Matapos ako mag sapatos ay tinext ko si Jema, banati ko ito bago tumungo sa dining area para kumain. Matapos ako kumain ay umalis na kami, sumabay ako kay ate Bea. "Ate Bei, pupunta si ate Jho?" "Hindi ko alam eh. Busy kasi yun, puro training inaatupag nun." "Edi wala na siyang oras sayo?" "Hindi naman, pag hindi kami magkasama puro training ginagawa nun." She said while driving. "Masipag." "Sinabi mo pa." She laughed. Pagdating namin sa BEG ay naupo kami sa bench. "Kabit niyo na yung net." "Makapag-utos ka, Wong. Ikaw ba si captain Bea?" Ponggay asked. "Siya next captain." Mahina ko naman siniko si ate Bea sa tagiliran. "Hindi kaya. Si Ponggay yung next captain." "Hay na ko. Kawawa yung team kapag si Babe yung naging next team Captain." Ate Mads said. Tawanan naman kami. "Grabe ka naman ate Mads." Dani said. "Kawawa tayo, baka lagi tayo mapagalitan kapag siya yung captain." I said while laughing. "Tse!" Sabay irap ni Pongs. Maya't-maya dumating na si coach O kasabay si coach Vince tsaka coach Mona. Nasa kalagitnaan kami ng pagtra-training nang biglang dumating ang CCS. Dito sila magtra-training? "Uy Wong!" I looked at my back. "Oh?" "Noo mo nakakunot na naman." Sabi ni Cacee at tumawa. "Dumating lang si mareng Jema, nag-iba na yung timpla mo. Lq ba kayo?" "Hindi noh." Sagot ko sa tanong ni Dani. Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa. Nagpa-water break si coach O pero patuloy pa din ako sa pag practice ng set. "Uy Deanna, break." Coach O said. Nginitian ko lang si coach. Biglang may humila sakin paharap. "AJ?" "Hi." I smiled. "Anong ginagawa mo rito?" Sinipa ko ang bola papunta sa gilid. "Para sayo." Inabot nito sakin ang isang delight na medyo malaki. "May nagpapabigay." "Sino?" "Fans, ayaw papasukin kaya nakisuyo na lang sakin." "Uy salamat." Mahina kong pinalo ang braso niya. "Cge aalis na ko." Ngumiti ito bago umalis. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ito nang biglang may tumama na bola sa ulo ko. "Aray!" "Ayan landi pa more." Boses ni Jules yun. "Galing mareng Jema." Boses ni ate Jia. Napatingin ako sa gitna ng court kung saan nandun si Jema. "Bakit sakin mo pinatama?" "Tuloy mo lang yan." "Ano?" Nilapitan ako ni ate Bea. "Ang slow mo talaga, nagseselos yung girlfriend mo." "Kanino?" Inosente kong tanong. Lumapit din si ate Mads. "Kanino pa ba? Edi kay AJ. Deans, alam ko matalino ka, pero may pagka-bobo ka rin pala." Binatukan ako ni ate Mads at ate Bea tapos lumayo na sila sakin. Napailing na lang ako at umupo sa bench. Jema Point of View Tapos na ang training namin nang lapitan ako ni Deanna. "Babe?" "Hindi babe ang pangalan ko." "Sorry, Bb pala." "Hindi Bb ang pangalan ko." I took my gym bag and nagsimula na maglakad patungo sa shower room. "B sorry na." Nakasunod ito sakin. "Anong kasalanan mo?" Tumigil ito sa paglalakad kaya tumigil din ako at tiningnan siya. "Ano nga bang kasalanan ko?" "Tingnan mo, magso-sorry ka tapos hindi mo alam kung anong kasalanan mo." "Eh . . . Nagseselos ka ba kay AJ?" I raised my eyebrow. "Who's AJ?" "Yung guy na dumating kanina, yung kumausap sakin." "So?" She grabbed my hand. "B, sorry na." "Ayoko." Niwaksi ko ang kamay niya at nagpatuloy na sa paglalakad. "B!" Pagpasok ko sa shower room ay tumungo agad ako sa isang cubicle at naghubad tsaka binuksan ang shower. "Jema?" "Yes?" "Mauna na kami." Ate Jia said. "Ingat." "B, alis na din ako." Deanna said. Hindi ako sumagot. Bahala siya. Paglabas ko ng cubicle ay sumalubong sakin ang mukha ni Deanna. "Bakit nandito ka pa?" "Cancel class ko, Bb. Date na lang tayo." "May gagawin ako." "Ano?" "Wala ka na dun." I said and kinuha na ang gym bag ko. "B naman." She grabbed my hand. "Sorry na. Bati na tayo, please." Takte naman! Hindi ko matiis si Deanna, ang hirap tiisin kapag ganito ka-cute ang taong nagso-sorry sayo. I sighed. "Fine." Biglang nagningning ang mata niya. "Bati na tayo?" "Yes." Sumimangot ito kaya kumunot ang noo ko. "Why?" "Bakit parang labag sa kalooban mo?" "Hindi noh." Nagsimula na ko maglakad palabas. "Hm . . B, date tayo ah?" "Yes." Nilagay niya ang kanyang kamay sa aking baywang. "Skating and movie date tayo." I nodded. Nandito kami ngayon sa airport, hinatid ako ni Deanna. "Ingat ka dun, Bb." May training camp kasi ang creamline sa thailand then napasama pa kami nila ate Jia sa line up ng AVC. "Yes, ikaw din. Wag ka mambababae ah?" "Opo." I hugged her. "Mami-miss kita." "Mami-miss din kita. Wag mo ko pagpapalit sa mga tiga dun, mas gwapo at maganda ako sa kanila." I laughed. "Sira." Pinitik ko ang noo niya. "Cge na, kailangan ko na pumasok sa loob." Humalik ako sa kanyang labi bago bumaba ng kotse. Kinuha ko ang aking maleta, kumaway ako sa kanya bago naglakad palayo. Nang malapit na ko sa gate ay nilingon ko siya. "I love you." I mouthed. She smiled. Deanna Point of View Matapos ako mag-shower ay tumungo na ko sa klase ko, kasabay ko si Syd tsaka Ron. "Deans, may training pa kayo mamaya?" "Meron pa. Why?" "Pagtapos ng training niyo sama ka samin ni Syd." Napatingin ako kay Syd. "San punta niyo?" "Bar with Tots and Jasper." "Cge, sunduin mo kami." I said. Tumango ito. Nang makarating kami sa classroom ay nakasabay pa namin si professor. Buti na lang hindi nagalit. Habang naglalakad ako sa hallway ay ka-text ko si Jema. "Miss na kita." "Ms. Deanna!" Lumingon ako. "Why?" "Ms. Deanna, dinala po yung kapatid niyo sa clinic." Natulala ako pero saglit lang naman. "Anong nangyari?" "Nahimatay po, pinapatawag kayo ni nurse." Tumango ako at naglakad na palayo. Pagdating ko sa clinic ay naabutan ko siyang chine-check ng isang nurse. Tulog ito. "Nurse?" "Ms. Deanna, nandito na pala kayo." "Hindi nurse, picture ko lang 'to." Bulong ko sa aking sarili. "Ms. Deanna, may sinasabi ka?" "Wala, nurse." I smiled. "Kamusta na siya?" "Mukhang hindi nagpapahinga yung kapatid mo. Kaya siya nahimatay dahil sa sobrang pagod." I nodded. "M-maayos na ba siya?" Shet! Bakit ko ba tinatanong? Pakialam ko ba dyan? "Yes ms. Wong." "Aalis na ko." "Ms. Wong, aalis ako saglit. May kailangan akong ayusin, baka naman pwede mo siyang bantayan kahit saglit lang?" She said. "Wala ba ibang nurse?" "Wala po eh, may inaasikaso din." "Cge na. Bilisan mo ah?" I said. "Yes ms. Deanna." Umupo ako sa gilid ng bed niya. I looked at her. Mukha siyang stress na stress. Ano bang nangyayari sa kanya? Nagulat ako nang dumilat ito. "Deanna?" Mabilis akong tumayo at napalunok. "P-pinapunta ako r-rito. A-aalis na d-din ako." She held my hand. "Please stay." Binawi ko ang aking kamay, feeling ko bibigay ako. "A-alis na ko." Bago pa ko makalakad ay naramdaman ko na ang pagyakap nito sakin mula sa likod. "P-please s-stay . . . I m-miss you." Nadama kong nabasa ang aking T-shirt. Lumuluha siya. Napapikit ako at pilit na pinigilan ang aking luha na tumulo. "B-bakit ba n-nagpakita ka pa s-sakin?" "D-deans . . . Please." Napapikit ako. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya na ganito na lang kami. My tears dripped. Hinarap ko ito at niyakap. "I'm sorry." "A-ako ang dapat m-mag-sorry. Patawarin mo ko." I miss my ate . . . Jema Point of View Matapos ang training namin ay namasyal kami, nandito kami sa isang mall dito sa thailand. "Jema, picture." Kyla said. "Maya na." Nakakunot noong sabi ko habang nakatingin sa cellphone. "Bakit? May problem ba, Jema?" Tanong ni ate Mel. "Hindi kasi sumasagot si Deanna sa mga chat ko." "Baka may training." Ate Aly said. "Hindi. Sabi niya hapon pa daw." "Eh mga three thirty na dun eh." Ate Jia said. Binulsa ko ang cellphone ko. "Tara, baka nga nagtra-training yun." Namili sila habang ako ay tumitingin lang, sayang pera. Bibigay pa ko ng allowance kay Mafe tsaka kila mama at papa. Deanna Point of View Sinundo kami ni Ron sa gym, umalis na kami nila kuya Jasper, Syd and Ron. Nagtaxi na lang kami para daw tipid. Mga kuripot. Dumaan muna kami sa UP para sunduin si Tots. "San tayo?" "Bar." Ron said. Tumungo kami sa bar na pinaka-malapit sa ateneo at UP. VIP room kami para mas kumportable. "Nasan si Celine?" Tanong ko kay Tots. "May training yun, ten o clock pa tapos." "Alam niya na magba-bar ka?" Umiling ito sabay tawa. "Hindi, hindi naman ako papayagan nun kapag sinabi ko." "Pareho pala tayo." I laughed. "Uy hindi pala kayo nagpaalam sa mga jowa niyo, bahala kayo kapag nalaman nila." Kuya Jasper said. "Hindi nila malalaman kung walang magsasabi, Diba Deans?" Sabay ngisi ni Ron. "Ron is right." I said and smiled. Umorder na kami ng alak. Nagpaalam muna si Syd na mag-CR, sinamahan ko naman siya. Habang inaantay ko siya ay tumunog ang phone ko. Paktay! Tumatawag si mareng Jema niyo. "H-hello?" "Bb, san ka?" "N-nasa a-ano . . . UPTC." I said. "Sino kasama mo?" "S-si Syd." "Bakit parang maingay?" She asked. Lalo akong kinabahan. "Ah . . Eh . . maraming tao kasi dito sa UPTC, Bb." "Ah okay. Cge na, kailangan na namin matulog." "Cge pahinga ka na, i love you." "I Love You Too . ." She said and ended the call. Nakahinga ako ng maluwag. "Deans, tara na." Bumalik na ulit kami ni Syd sa VIP room. Naabutan na namin silang umiinom, hindi man lang kami inantay. Tsk! Nagising ako nang maramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko. I slowly opened my eyes. "A-ate?" "Gising ka na, nandito ka sa condo ko." Dahan-dahan akong umupo at sumandal sa headboard. "Anong nangyari?" "Lasing na lasing ka. Hindi ka nila mai-uwi sa dorm niyo kasi papagalitan ka daw ni Bea kaya tinawagan nila ako." "Ah . ." Sabay tango ko. Maayos na kami ng ate ko, nagka-ayos na agad kami. Hindi ko na rin matiis eh tsaka sobrang haba ng panahon ang nasayang. Biruin mo halos four years kaming hindi nag-usap. "Nga pala, tumawag si Jema kaninang umaga." "Tumawag? Sayo?" "Yes." She nodded. "Nagka-usap kami nung pinakilala mo siya kila mom and dad. Humingi ako ng tulong sa kanya para magka-ayos tayo pero sobrang tigas mo." She laughed. "Ah kaya pala binabanggit ka niya sakin." Sabay iling ko. "Nga pala, anong sabi?" "Hinahanap ka, hindi ka daw sumasagot sa kanya. Sabi ko tulog ka pa." Bigla akong kinabahan. Sinabi niya kaya? "Sinabi mo na galing ako sa bar?" "Hindi pero sinabi ko na nandito ka sa condo ko at ayos na tayo." Nakahinga ako ng maluwag. "Mabuti naman, hindi niya alam na nag-bar ako kagabi eh." "Sira ka. Yari ka dun kapag nalaman niya, masama maglihim, Deans." "I know." "Hay. Cge maghilamos ka na, may extra toothbrush sa loob then sumunod ka na sa dining area." Tumango ako at nagpasalamat bago nagsimula kumilos. Tinext ko na din si Jema.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD