CHAPTER 6

1783 Words
Deanna Point of View Nang matapos ang hapon na klase ko ay tumungo agad ako sa BEG. Wala akong nakita na Jema kaya naman lumapit ako sa mga ka-teammates niya. "Hi Deans." "Hello ate. Tapos na training niyo?" Naupo ako sa bench. "Hindi pa, mamaya pang seven." Sagot ni ate Coleen. "Nandito pala si Deanna eh." Sabi ni ate Jia nang makita ako. "Tapos na klase mo bata?" Tumango ako. "Opo ate Jia." "Good. Sama ka samin ni Alyssa, kakain kami sa labas." "Libre niyo?" Nakangising tanong ko. "Libre niya." Sabay turo kay ate Alyssa. "Naku! Pasalamat ka Jia mabait ako kay Deanna." Maya't-maya dumating si Jema, basa pa ang buhok. Ang hot! "Hot." Bulong ko pero narinig pala ni ate Pau. "Ikaw ah." She poked my waist. "Jema si Deanna oh." Nginuso ni ate Kyla ang gawi ko. Inirapan lang ako ni Jema at hindi pinansin. "Taray talaga." "Anong sabi mo?!" Taas kilay niyang tanong at namaywang sa harap ko. Tumayo ako at seryoso siyang tiningnan. "Sabi ko mataray ka." "Aba't! Hindi ka marunong gumalang sakin ah." "Anong gusto mo? Tawagin kitang ate Jema?" "Hindi yan ang Ibig-sabihin ko." She said. "Kung ganun, bakit sinasabihan mo ko na hindi marunong gumalang?" "Ah . . Ah basta!" "Hahahah! Talo ka pala mareng Jema eh." Kyla said. "Hahahah! Tama na yan, Deanna tara na." Ate Aly said. "Saan kayo pupunta?" "Gusto mo sumama?" Ngising tanong ko. "Kakain kami, sama ka Jema." "Ay cge." Nauna na umalis ang ibang teammates nila. Lumabas na rin kami ng BEG. "Deans kay Jema ka na sumabay." "Pst! Sayo daw ako sasabay." "Bakit? Wala ka bang kotse?" Kunot noong tanong niya. "May nakita ka ba?" Sarcastic kong tanong. "Tsk!" Pumasok na ko sa passenger seat ng kotse niya. "Atenista ka pero wala kang kotse." "Queen Falcon ka pero sobrang sungit mo." "Tse! Ganito talaga ako." Habang nagdadrive ito ay pansamantala akong tumahimik. Nang mag-traffic ay saka lang ako muling nagsalita. "Pst. Wag muna ako sungitan. Bati na tayo." She didn't speak. "Uy. Bati na tayo, please." "Wag ka magulo." "Hindi mo ba talaga ako gusto?" Nakita ko ang paglunok nito. "Ikaw? Gusto mo ba talaga ako?" "Oo naman." "I think kilalanin na muna natin ang isa't-isa, kakakilala lang natin eh." She said. "Matagal na kitang kilala, pangalan mo nga lang ang alam ko." "Kasi wala naman tayo pakialam sa isa't-isa nun." Sabi niya at pinaandar na muli. I nodded. Nang makarating kami sa restaurant ay nandun na sila ate Ly at ate Jia, nauna sila samin eh. "Jema, hatid mo na lang si Deanna. Kailangan ko na umuwi eh." "Hindi, mag-grab na lang ako." "Sumabay ka na kay Jema, okay lang naman kay Jema. Diba Jem?" Sabay tingin ni ate Ly kay Jema. Nakangiting tumango si Jema. "Ako na po bahala kay Deanna." Hinatid ako ni Jema sa eliazo dorm. "Salamat." Tumalikod na ko. "Date tayo bukas." Umawang ang aking bibig dahil sa narinig ko, muli ko siyang hinarap. Jema Point of View Hindi ko alam kung bakit ko na sabi yun. Siguro ito rin yung way para makilala namin lalo ang isa't-isa. "Seryoso ka?" Nakangiting tumango ako. "Oo." "Cge." Humakbang ako at hinalikan siya sa pisngi. "Pumasok ka na, bye." Sumakay na ko sa aking kotse at pinaandar na paalis. Nakita ko sa side mirror na nakatayo pa rin ito at parang hindi makapaniwala na hinalikan ko siya. Tsk! Parang pisngi lang. Pagka-gising ko palang sa umaga ay tinext ko na siya agad. "Good morning." Nag-almusal muna ako bago naligo at nagbihis. Training na naman. Habang nila-lock ko yung gate ay biglang nag-vibrate yung phone ko. "Good morning, may training ka?" "Yeah, on the way na nga ako eh. Nga pala yung date natin mamaya." "Text mo na lang ako kung anong oras." She replied. "Cge." Nang makarating ako sa CMS-Asia ay dumeretso agad ako sa third floor, kung saan ang court namin. "Ganda ng ngiti ah." Ate Mel said. "Syempre, in love si mareng Jema eh." Kyla said. "Sila na ba ni Deanna?" Tanong naman ni ate Michele. "Kikilalanin pa namin ang isa't-isa." Sagot ko. "Ay taray! Ano yan? Koreanovela?" Asar ni ate Alyssa. Umiling na lang ako at nakipag-text muna kay Deanna habang wala pa si coach Mark at coach Tai. Nandito kami sa coffee shop ni ate Alex tsaka ate Jia, lumalamon. Hahahah!! "Jema, may nararamdaman ka ba talaga kay Deanna?" Ate Jia asked. "Oo." Pag-amin ko. "So kapag tinanong ka ni Deanna papayag ka?" Ate Alex asked. "Oo. Ewan ko ba. Ang lakas ng dating sakin ni Deanna, siguro totoo nga yung love at first staredown." "Yes naman." Sabi ni ate Jia. "Baka naman may nararamdaman ka pa kay Fhen, siguraduhin mo munang wala kasi baka sa huli si Deanna ang kawawa." Ate Alex said. "Sigurado na po ako. Isa pa ilang months na kaming hiwalay ni Fhen. Sigurado na ko kay Deanna, gusto ko lang muna kilalanin namin ang isa't-isa." Nang natapos kami kumain ay nagsi-uwian na kami. Mamaya pa kaming magde-date ni Wong, gabi para romantic at wala masyadong makakilala samin. Sakto seven o clock ay nasa harap na ko ng dorm nila, nakita ko ito na nakatayo sa gilid. "Hey." Binuksan ko ang pinto at pumasok naman siya. "Saan tayo?" "Ewan ko, ikaw nagyaya eh." Pinaandar ko na yung kotse. "Kumain ka na ba ng dinner?" "Hindi pa." "Good, kain muna tayo." I said. Dinala ko siya sa mall of asia, maganda rito maraming pwedeng gawin. Kumain kami sa vikings. "Do you know that you are so cute?" "Hindi ko alam. Lagi naman kasi maganda ang sinasabi ng mga fans, hindi nila ako masyado tinatawag na cute." "Yeah, you're so beautiful." "Bolera ka pala, ms. Wong." I smirked. "Nah. I'm not bolera. I'm telling the truth." "May pagka-conyo ka rin. Pareho kayo ni Cy." Kumunot ang noo nito. "Who's Cy? Your ex boyfriend?" I laguhed. "Nope. Cy is my bestfriend, siguro naman kilala mo siya?" "No, I didn't know him. Wala akong panahon para kumilala ng tao." "So bakit nagustuhan mo ko?" "Iba ka naman kasi." She winked at me. "Gosh! Namumula ka na naman." Shit! Nakakahiya. "No, i'm not." "In denial." Nang matapos kami kumain ay tumungo kami sa skating. "Marunong ka ba?" "Yeah." She said. Habang nag-skating kami ay may lumapit sakin na isang babae. "Hi ate." "Hello." "Ate Jema, pwede po pa picture?" "Sure." Nakipag-picture ito sakin tapos ay umalis na rin. "Famous." "Parang ikaw hindi." "Hindi naman talaga. Puro nga bash ang natatanggap ko eh." She said in a sad voice. "Kasi hindi nila nakikita yung tama mo, puro mali na lang ang nakikita nila." I said. Hindi ito umimik. Nang matapos kami ay naglakad-lakad kami sa seaside. "Ang sarap maglakad lalo na't kasama ka." "Kailangan na ba ako himatayin dahil sa kilig?" Natawa naman ito. "Pwede, pero gusto ko." Nilapit nito ang kanyang bibig sa aking tainga. "Sakin ka babagsak." Hinampas ko ito at hindi napigilan na ngumiti. "Nakakainis ka." "Kinilig ka, nakita ko yun." "Tse!" "Hahahah! Joke lang." Sabay akbay nito sakin. "Sakay tayo sa ferris wheel." Hinatak na ko nito kaya hindi na ko nagsalita pa. "Bakit gusto mo sumakay rito?" "Para romantic. Isa pa first time ko sumakay rito sa ferris wheel." "So ako pala ang una mong nakasama sa pagsakay ng ferris wheel?" Tumango siya at ngumiti. "Yes." Nine thirty ay hinatid ko na siya ulit sa dorm nila, weekdays kasi ten o clock curfew nila. "Bye, thank you for this day." "Thank you, see you tomorrow." She smiled at pumasok na sa dorm nila. Pinaandar ko na ang kotse ko pauwi sa apartment. Pagdating ko dun ay nagbihis at naghilamos na ko. "Hey! Goodnight, see you tomorrow." Hay! Ang sarap niya kasama. Deanna Point of View Matutulog na sana ako pero biglang umilaw yung phone ko so I checked my phone. "Hey! Goodnight, see you tomorrow." I smiled and replied. "Goodnight din." Hihih! Balak kasi namin ulit magkita bukas pero hapon pa. May shoot kasi ako bukas pagtapos ng class ko. Pagbaba ko ay si ate Maddie at Dani lang ang nakita ko sa sala. "Morning Dans, morning te Mads." "Morning Deans." "Morning." "Nasan sila?" I asked. "Nagsi-pasok na. Ikaw? Bakit ngayon ka lang?" Ate Mads asked. "Ten pa class ko eh. Cge breakfast muna ako." Tinungo ko ang kitchen at kumuha ng cake sa refrigerator. Nang matapos ako kumain ay umalis na ko. Nang matapos ang klase ko ay nagkita kami ni Luigi sa old library. "Luigi." "Deans, tara na?" I nodded. "Let's go." He put his arms over my shoulder. May shoot ako with Ricci Rivero. Dahil trending kami ay maraming nagre-request na mag-guest kami sa upfront. "Gi may sasabihin ako sayo." "Ano yun?" "Nagdate kami kagabi ni Jema." "What? Talaga? Anong ganap?" Excited niyang tanong. "Excited? Hahahah! Nag-skating kami sa MOA tapos naglakad-lakad kami sa seaside. Alam mo ba kung ano yung part na masaya? Yung makasama siya habang nakasakay sa ferris wheel." "Naku! Halata sa boses mo na in love ka kay Jema." "Sarap pala ma-inlove." I said habang nakatingin sa bintana ng kotse niya. "Swerte mo sa kanya Deans. Alam mo balita ko kay Jema, napaka-caring daw niyan tsaka sweet." I looked at him. "Parang pinapahiwatig mo na malas siya sakin ah?" "Hindi naman. Nagsasabi lang ako para may idea ka sa katauhan ni Jema." "Hmp! Halata naman." "Balita ko ex niya daw yung setter sa adamson, yung kasabayan niya grumaduate." "Alam ko. Kapag wala akong ginagawa, ini-stalk ko siya." Sabi ko. "Hahahah!" Maya't-maya nakarating na din kami sa Gold's Gym. Nakasabay pa namin si Ricci sa pagpasok. "Hi Deanna." "Hello." Binati rin nito sa Luigi tapos ay tumungo na kami kung saan gaganapin yung shooting. Artista lang ang peg namin. HAHAHAHAH!! Alas tres na ng hapon natapos ang shoot, nakailang take kami sa una kasi nakakatawa. Grabe! Isa pa hindi ako kumportable. "Salamat Deans." "Wala yun." Biglang lumapit si sr. Mark, yung manager ni Ricci. "Merienda muna tayo, treat ko." "Naku, wag na po. Nakakahiya." "Mahihiyain talaga ang mga atenista. Wag ka na mahiya Deanna." "Kayo po bahala." I said. "Tara." Tumungo kami sa pinaka-malapit na coffee shop rito sa Gold's gym. Hindi ako masyado kumain kasi yayayain ko si Jema mamaya mag merienda. "Deans, pag-pasensyahan muna yung sinasabi ng ibang fans ko tungkol sayo." Ricci said habang papalabas kami sa coffee shop. "Naku okay lang." "Cge alis na ko, mag-iingat kayo." Sabi nito samin ni Luigi at sumakay na sa kanyang kotse. Actually friend kami ni Ricci but hindi ganun ka-close. Minsan ko na siyang nakasama nung kumain kami ni Jules tas yun kasama siya then dun na kami nagkakilala. "Gi hatid mo ko sa CMS-Asia." Tumango si Luigi at pinaandar na ang kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD