CHAPTER 2

1784 Words
Jema Point of View Nandito kami ngayon sa dugout ng filoil flying V centre, naghahanda para sa laban. Ateneo at ang team namin ang nag-aagawan. Pag nanalo kami pasok kami sa final four, pero kapag natalo kami . . . Wala na. Wala ng chance na makapagbigay ng championship sa adamson, last year ko na kasi. "Ate Jema, sorry talaga sa ginawa namin kahapon." Sabi ni Thang at naupo sa aking tabi. "Thang, kalimutan mo na. Mag-focus na lang tayo sa game." Tumango naman ito. Maya't-maya pinalabas na kami. Ang mga taong humahanga samin ay nagsimula na sumigaw. Lalong lalo lumakas ang sigawan nang lumabas ang mga Agila. Napaka-sikat talaga nila. Napatingin ako sa main setter nila, yung pumalit kay ate Jia. Nagulat ako nang ngumiti ito sakin. Close ba kami para ngitian niya ko? Sa bagay wala naman masama kung nginitian niya ko, mas mabuti nga iyon. "Jema!" Nagulat ako nang may tumama sakin na bola, sa ulo ko pa talaga. "Aray!" "Sorry po." Napatingin ako sa babaeng lumapit sakin. Agila pala ang nakatama sakin. "Sorry ms. Galanza." "Okay lang. Sa susunod mag-ingat ka." Tumango ito. Lumapit si Fhen samin. "Sa susunod mag-ingat ka. Nakakasakit ka ng iba." Tumayo ako. "Wag ka makialam rito." Tumingin ako sa setter ng ateneo. "Pasensya na, makakabalik ka na sa team niyo." Ngumiti ito at bumalik na nga sa team nila. Lumayo na ko kay Fhen at nagsimula mag-warm up. Ginawa ko ang lahat para mapanalo ang team pero kulang pa rin talaga, aalis ako sa adamson na wala man lang na naiwan na championship ni isa. "Sorry ate Jema." Flora said. "Kasalanan namin." Thang said. Umiling ako at niyakap sila. "Hindi . . . . niyo kasalanan." I said while crying. Niyakap ko sila isa-isa pwera lang kay Fhen, niyakap ko rin ang mga coaches at humingi ng tawad. "Hindi mo kasalanan, Jema. Siguro hindi lang talaga para satin 'tong season 80." Coach Air said. Napatingin ako sa mga lady eagles na masayang nagce-celebrate. Goodluck sa kanila . . . . "Mareng Jema." Paglabas ko ng flying V ay sinalubong agad ako ni Cy ng yakap. "Cy." Muli na naman akong umiyak. Ang sakit kasi eh. "T-talo a-ang team." "Shh . . Okay lang yan. Hindi mo naman kasalanan." Hinagod niya ang aking likod. Pinakain niya muna ako sa isang restaurant bago ako hinatid sa dorm. Kakausapin sana ako ni Fhen pero tiningnan ko ito nang masama kaya hindi niya na naituloy ang balak niya. Deanna Point of View "s**t! Nag-stare down ako kay Jema." Halata sa boses ko ang aking guilty. "Stop cursing, there are recorders." "Sorry." I said. Nang matapos ang interview ay tumungo na kami sa bus. Ano ba yan! Natamaan ko na nga siya kanina ng bola tapos na-stare down ko pa siya. "Uy Deans, kanina ka pa hindi mapakali." Sabi sakin ni ate Jho nang mapansin ako. "Eh kasi . ." "Ano?" Tanong ni ate Mads. "Nagi-guilty kasi ako sa ginawa ko kay Jema. Hindi ko siya dapat ini-stare down." "Jusmiyo. Ayun lang pala. Eh nag-stare down ka rin naman sa ibang players pero bakit kay Jema ka lang guilty?" Napalunok naman ako sa tanong ni ate Bea. "Huh? Eh . ." "May gusto ka kay Jema?" Gulat na tanong ni ate Bea dahilan para batukan siya ni ate Jho. "Ouch!" "Sira ka beh! Paano magkakagusto si Deanna kay Jema? Eh hindi niya nga kilala si Jema." Ate Jho said. Bago pa ko nila matanong ulit, agad na akong bumaba ng bus. Grabe naman yung tanong ni ate Bea. Pero teka nga. Ang dami kong na-stare down na player pero kay Jema lang ako naging ganito. Bakit kaya? "Deans viral kayo ni Jema sa twitter." Sabi ni Ponggay. "Oo nga, shiniship kayo ng iba. New love team daw kayo sa UAAP." Sabi ni Jules. "Pero mas maraming DeanCci." Sabi ni Dani kaya tiningnan ko ito nang masama. "Peace." Umakyat na ko para makapagpahinga muna, gigisingin naman nila ako kapag kakain na ng dinner eh. Kinabukasan ay maaga ako gumising at chinat si ate Jia. "Good morning ate Jia." Naligo at Nagbihis ako tsaka bumaba. "Oh hi guilty girl." Sinimangutan ko naman si ate Bea dahil sa sinabi niya. "Ate Jho si ate Bea oh." "Bei tigilan mo si Deanna kung ayaw mo masaktan." Banta ni ate Jho. Tumahimik naman si ate Bea. Dumeretso ako sa kitchen at tulad ng dati ay pupunta ako rito na may pagkain na. "Kain na, Deans." Aya ni ate Mads. Nagtimpla ako ng kape bago umupo sa tabi ni Cacee. "Te Mads, may training mamaya?" Uminom muna ito ng kape bago nagsalita. "Wala daw sabi ni coach Tai kasi nanalo daw tayo against adamson." "Yes!" Sabi ni Cacee kaya napatingin kami rito. "Ay sorry." "Bakit masaya ka? May lakad ka noh?" "Wala ah." Sagot nito kay ate Mads. "Sus." "Wala kang lakad? Samahan mo na lang ako sa mall, gusto ko mag-arcade." "Uy sama ako." Sabi ni Dani na kakarating lang. Nang matapos kami mag breakfast sabay-sabay kami umalis patungo sa BEG. Pagdating namin doon ay pinagpahinga ako ni ate Mads at si Ponggay tsaka Jules ang nag-ayos ng net. Hindi kasi sila kumilos kahapon nung training namin eh. Matapos ang aming training ay chineck ko ang phone ko, nakita ko ang reply ni ate Jia. "Morning Deans. Galing niyo kagabi, ikaw pa POG." "Thanks ate Jia pero ate nagi-guilty ako." Tinago ko ang phone ko muna tapos nag-shower. "Deans arcade mamaya ah." "Cge. Sama ba si ate Mads tsaka Cacee?" "Oo daw." Tumango ako. Habang palabas ako ng BEG ay nag-check ako ng twitter. Sumalubong sakin ang video na pag-stare down namin ni Jema sa isa't-isa. Binasa ko ang comments. 'Ang yabang ni Deanna' 'Bagay sila Jedean' 'DeanCci pa rin' 'Panget ni Jema' Biglang nag-pop ang reply ni ate Jia sa gilid kaya inopen ko ito. "Sa staredown ba? "Oo ate Jia." "Naku sa dami ng players na na-stare down mo, kay Jema ka lang na-guilty. Paano naman yung iba?" "Ewan ko ba ate Ji. Cge may pasok pa ko." Paalam ko. Tinago ko na ang aking cellphone at taas noo naglakad patungo sa bellarmine hall. "Uy Deans!" "Oh Ron, bakit?" "Nakita ko yung ganap niyo ni Jema Galanza sa twitter ah. Iba ka!" Sabay alog nito sa balikat ko. "Sira! Wala yun, hindi naman sadya and part yun ng game." I said. "Sus. Jedean daw, shiniship kayo ng mga tao pero mas maraming naniniwala na deancci." "Naku tigilan nila yan, hindi ikakaunlad ng pilipinas. Teka, bakit nandito ka? Dito rin klase mo?" "Oo, same class pa rin tayo, si Ponggay lang nahiwalay ngayong araw." He said. "Tara na." Hinila ko na 'to bago pa kami mahuli at baka hindi na papasukin, mahihigpit pa naman professor rito sa ateneo. Malate ka lang ng one minute, absent ka na agad or hindi ka papapasukin. Depende sa professor. Nandito kami ngayon sa trinoma ni ate Mads, kasama si Dani at Cacee. "Arcade na." "Yeah." Habang patungo kami sa arcade ay nakasalubong namin si Fhen, ang sama nang tingin nito sakin. "Deans ang sama nang tingin sayo." Bulong sakin ni Dani. Narinig ata ni ate Mads yun kaya napatingin ito kay Fhen. Galit ba siya sa nagawa ko kay Jema? Edi sorry! "Wait lang." Bago pa makalapit si ate Mads ay hinawakan ko na siya. "Bakit?" "Saan ka punta?" "Lalapitan yung tiga adamson, sama ng tingin sayo eh." "Hayaan mo na ate Mads. Baka galit siya sakin." "Bakit naman siya magagalit sayo?" Tanong ni Cacee. "Eh kasi bago magsimula ang game, natamaan ko ng bola si Jema Galanza sa ulo tapos nilapitan niya si Jema. Sinabihan niya ko na mag-iingat sa susunod tapos parang galit siya base sa pananalita niya." "Tara lapitan natin." Dani said. Nilingon ko ito at pinanlakihan ng mata. Nang mawala si Fhen sa paningin ko ay tsaka ko lang binitawan si ate Mads. "Tara na, hayaan niyo na yun." Tumungo na nga kami sa arcade. Pagtapos ay kumain kami, dahil ako ang nag-aya, ako ang nagbayad ng kinain nila. In short nilibre ko sila. Ang yayaman pero napaka-kuripot, mabuti na lang mabait ako. Jema Point of View Nandito ako ngayon sa bahay nila Cy, ayoko sa dorm. "Cy, pwede ba ko matulog rito?" "Oo naman. Sa guest room ka matulog, malinis dun." Tumango ako at tumungo na roon. Mula nang mapadpad ako rito sa manila, nakilala ko si Cy. Kilala siya ng family ko at parang kapatid na ang turing ko sa kanya, wala kasi kaming kapatid na lalaki, puro kami babae namatay pa yung isa. 'Ampon' nga tawag ni mama diyan kay Cy eh, kung ituring kasi siya ni mama at papa parang anak na rin. Ganun din naman ang turing sakin ng family ni Cy. Thankful nga ako dahil may lalaki pa palang ganito. *TOK!*TOK!*TOK!* "Madam kakain na." "Sunod ako!" Nag-ayos muna ako ng sarili bago bumaba, tumungo ako sa dining area nila. "Kain na Jema." Sabi ni tita at pinaghandaan ako ng pagkain. "Masarap yan." "Salamat tita." Habang kumakain kami ay tahimik lang ako, silang pamilya ay nagkwe-kwentuhan. "Hija may lakad ka ba bukas?" Tanong ni tito sakin. "Wala naman po. Hapon pa po ang training ko." "Kung ganun, pwede mo ba samahan si Cy na sunduin si Nichole?" "Pa ako na lang." Cy said. "Walang problema tito." "Gusto ka kasi makita agad ni Nichole, alam mo naman yun close na close sayo." Tito said. Ngumiti ako at tumango. Nang matapos ako kumain ay nagpahinga na ko. Kinaumagahan ay si Cy lang ang naabutan ko pagkababa ko. "Morning, Cy." "Morning madam. Kamusta ang tulog?" "Maayos naman. Tito tsaka tita?" Naupo ako sa kanyang tabi. "Umalis na." "Hindi ka mag-open ng gym ngayon?" Tanong ko. "Mag-open, sama ka?" "Cge para makapag-gym ako." "Bayad?" Tinaasan ko ito ng kilay. "De joke lang, alam mo naman na libre ka lang eh." Sabay gulo niya sa buhok ko. Kumain muna kami ng breakfast bago naligo at nagbihis. Tapos ay tumungo na kami sa gym ni Cy. Sa edad na twenty ay may sarili ng gym si Cy, actually gift yun sa kanya ng father niya. Dati father niya nagha-handle nun pero nung maka-graduate siya, siya na naghandle. "Hi." Bati ko sa mga bata niya. Isa siyang coach ng boxing pero sports niya mixed martial arts. Mana sa daddy. Mayaman sila Cy hindi namin katulad na may kaya lang. "Hi ate Jema." Bati ni Marifer. "Hi Jema." Bati ni Izzel at akmang bebeso pero hinila ito ni Cy. "Bawal bumeso diyan, sumbong kita sa papa niyan." "Damot." Sabay pout ni Izzel kaya natawa ako. "De joke lang." Kinuha ko ang damit na nasa sasakyan ko at nagpalit sa shower room ng gym ni Cy. Magbo-boxing kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD