Jema Point of View Maaga ako gumising para puntahan si Deanna, mamaya kasi aalis na kami patungo sa tagaytay. One week din kami don. Habang papalapit ako sa dorm nila Deanna, nakita ko si Deanna na lumabas ng dorm nila tapos sumakay ito sa tricycle. San pupunta yun? Sinundan ko ang tricycle at huminto ito sa isang hotel. Teka, anong gagawin niya dito? Ang sabi niya wala siyang training at lakad, so bakit nandito siya? Hinintay ko siya makapasok sa hotel bago bumaba ng kotse at sinundan siya. Biglang tumunog ang phone ko, buti na lang malayo siya at hindi ako napansin. "Hello?" "Uy Jema, pumunta ka na dito." Kyla said. "Huh? Maya pa alis, diba?" "Sira. Maaga nga daw tayo aalis para makapag-adventure daw tayo agad." "Cge, cge. Saglit lang, papunta na ko dyan." I said and ended t

