Season 4 Happily (N)Ever After 4 Years Later Napangiti ako nang sa wakas ay makarating kami ng kaibigan kong si Gino sa Alta Tierra. Isang isla na napapaligiran ng kabubdukan na pag-aari ng kaibigan ni Addy sa silangang parteng Mindanao. Nakabili kasi si Addy ng lupain doon na pinapatayuan niya ng pangarap niyang Resort. Ginamit niya ang lahat ng pera sa trustfund niya mula sa mga magulang. Lingid sa kaalaman ng pamilya niya ay nakatanggap rin siya ng napakalaking halaga mula sa ama niyang si Rudy na nagmigrate na sa ibang bansa. Ngayon ay kasalukuyan pa rin niyang pinapadevelop ang resort kaya bagamat bukas na ito sa publiko ay maraming parte pa rin ng isla ang hindi napupuntahan ng mga turista. Lalo na sa private property ng kaibigan niyang si Rave Janzen Arenas. Isang sikat na ba

