Season Finale Nagising ako sa higpit ng pagkakayakap ni Kuya Kiel sa akin. Napakahimbing ng pagkakatulog niya at mababakas sa gwapong anyo niya ang saya dahil kahit na tulog siya ay nakangiti pa rin siya. Hindi ako gumalaw dahil ayokong istorbohin ang pagpapahinga niya. Inangat ko lang ang ulo ko upang pagmasdan ang payapa niyang pagtulog. Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya hinaplos ng kanang kamay ko ang pisngi niya pagkatapos ay hinaplos ko gamit ang thumb finger ko ang ibabang labi niya. Noon na biglang bumukas ang mga mata niya kaya mabilis kong inalis ang kamay ko pero hinawakan niya ito saka niya dinampian ng halik. Muli akong napatingin sa gwapong mukha niya habang nakatitig din siya sa akin. "Kung ako lamang ang masusunod ay hindi na ako papayag na magkalayo pa tayong mul

