Flicker 55

3732 Words

Pagdating namin sa hotel ay ang matatalim na tingin ni Tita Ruth ang sumalubong sa amin ni Kuya Kiel. Inalalayan ako ni Kuya Kiel hanggang sa makababa ako sa kabayo. Inakay niya rin ako patungo sa loob ng hotel. "Ezekiel!" galit na tawag ni Tita Ruth kay Kuya Kiel. "Ma! Relax okay!" mahinahong sagot naman ni Kuya Kiel. "Ihahatid ko lang siya sa clinic." Hindi na nakasagot pa si Tita Ruth at kung nakakamatay lang ang mapanghusgang mga tingin niya ay kanina pa ako humandusay sa sahig. "Bintawan mo na ako. Kaya ko nang maglakad." sabi ko kay Kuya Kiel pero hindi niya ako pinakinggan at nagpatuloy lamang siya sa pag-akay sa akin. Naramdaman ko naman ang napakainit niyang balat sa katawan ko. Wala nga pala siyang suot na pang-itaas. Kaya pala ganun na lang kung makatingin sa akin si Tita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD