Gino's POV Malapad na ngisi ang gumuhit sa mga labi ko nang bigla na lamang pumasok sa silid ko si Addy. Nakabusangot ang gwapong mukha niya na para bang inis na inis siya sa mga sandaling ito. "Oh bakit ganyan ang mukha mo? Nag-away ba kayo ni Renz ha?" malandi kong tanong saka ko siya nilapitan sa sofa na inupuan niya. Tumabi ako sa kanya saka ko pinagapang ang hintuturo ko sa siwang ng suot niyang polo. Hindi ako sinagot ni Addy at nanatili lang siyang nakapikit habang nakasandal sa sofa ang ulo niya. Sinamantala ko naman ang pagkakataon at isa-isa ko nang binuksan ang mga butones ng suot niyang polo. Hindi naman tumanggi sa ginagawa ko si Addy at nanatili lamang siyang nakasandal sa sofa habang nakatitig sa kisame. Mas maganda kung palagi silang ganito ni Renz. Sana nga ay mag-a

