CHAPTER ONE

209 Words
Bata pa lang ako ay madalas na akong magkasakit. Lagnatin kumbaga. Madalas din akong dalhin ni mama sa albularyo o magtatawas ba ang tawag non dito sa maynila. Yun ang takbuhan ng mga tao samin kapag may mga sakit. Sa amin sa bicol 'santiguar' ang tawag sa ganoong orasyon kung saan ang gamit ng ganoong manggagamot ay platong babasagin or lusa kung tawagin na pinapahiran ng langis at kandila naman para sindihan. Sa pamamagitan noon ay nalalaman nila kung ano ang cause ng pagkakaroon ko ng lagnat. At pinaniniwalaan naman namin yun dahil pagkatapos ng orasyong iyon ay gumagaling naman na ako. Makikita ang mga imahe na syang dahilan ng pagkakasakit ko. Madalas ay mga nuno daw at kung anu ano pang mga lamang lupa or engkanto. Si mama lang ang naniniwala pero hindi si papa. Astig kasi yun eh. Ang naalala kong bilin ng albularyo kay mama noon, lagi daw akong kabitan ng pangontra at masyado raw akong lapitin ng mga hindi nakikita. Wag rin daw akong pupunta sa mga alanganing lugar or yung mga lugar na mapuno pati daw yung may mga lugar kung saan may mga tubig. Sinunod naman iyon ni mama kaya mula non ay naging okay na naman ako at di na ulit nagkakasakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD