"Dahan dahan lang sa pag sayaw Brielle!"
Kahit nasa dance floor ako ay naririnig ko pa rin ang talim ng boses ni Aine. Umiikot na ang paningin ko kaya't bumalik na ako sa aming table. "Nasaan si Zan?" Tanong ko habang kinukuha ang coupe glass na may lamang cocktail.
"Nasa dance floor. Hindi mo ba siya nakita, 'yon oh may kasayawan na naman." Si Ember na tamang flirt lang sa tabi, kasama niya na naman ang kaniyang boytoy.
Nilingon ko ang dance floor at nahagilap ng mga mata ko si Zan na may kasayawan ngang lalaki, in fairness ha ang pogi ng kasayaw niya.
Sa aming tatlo, si Ember ang pinaka matinik pagdating sa mga lalaki. Si Aine naman sa unang tingin ay mapagkakamalan mong hard to get at mataas ang standards pagdating sa mga lalaki, gano'n din si Zan. Pero kung titignan mo sila ay mukhang mga inosente at sophisticated.
Sumimsim ako sa aking cocktail at nakitang paubos na 'yon. Nag taas agad ako ng kamay para makakuha ng isa pa.
"Brielle, balak mo ba talagang magpakalasing huh?" Singhal ni Aine.
"Come on, Aine. It's my Birthday! I want to get drunk tonight,"
maya maya lang ay nakabalik na rin si Zan sa aming table. Hindi na ulit nag salita pa si Aine para pigilan akong uminom. "Bakit nandito lang kayo, sa dancefloor tayo maraming shawty oh," si Zan habang sumisimsim ng cocktail at tinuturo ang mga grupo ng mga lalaking nasa dancefloor.
Maingay na ang buong bar at marami nang nagsasayawang tao sa dancefloor. We're in the high end bar, also known as a cocktail lounge. Nag-eenjoy na ang mga tao at mas lalong lumakas ang music kaya't lalo akong nahihilo.
"Whatever, Mukha namang mga fuckboys." Sagot ni Aine, "duh, kaya nga sila nandito kasi they wanna f**k!" Sagot ni Zan at sabay halakhak, tumawa rin si Ember bago binalingan ang lalaking nakahawak sa kanya. Tss, probably her boytoy for tonight!
"Well, it's not the other way around. Nandito ako para i-celebrate birthday ni Brielle, I don't wanna f**k" Halakhak din ni Aine. Marunong din palang makisabay sa biro ang isang ito.
Medyo nahihilo na ako at hindi ko na narinig ang iba pa nilang pinag-uusapan. "Brielle, are you alright? Kaya pa ba?" Si Ember na nakangisi na at mukhang tinamaan na rin. Umiling ako, "I'm a bit tipsy." Sabi ko.
"Makakauwi ka pa ba sa lagay na 'yan? Sabi ko naman sa'yo tama na eh, napaka hard headed mo talaga" Si Aine na hindi tumitigil kakasinghal sa akin. Why does this girl nag so much?
"Drink this," ani Zan sabay abot ng tubig sa akin at walang alinlangang nilagok ito. Heck nahihilo na talaga ako! We've been here for a few hours at ako lang ang pinaka nalasing sa aming tatlo, masyado yata akong nasabik dahil matagal na rin mula noong pumunta kami rito.
"Sa restroom lang muna ako guys." Paalam ko, at dumiretso patungo sa restroom.
Hindi pa ako nakakarating ay bigla akong nakaramdam ng pagsusuka, at pagkahilo. "Damn, I think I've been drinking a lot," reklamo ko sa sarili, kung hindi pa siguro ako pinigilan ni Aine mag-order ng marami ay hindi pa ako titigil sa kakainom!
I stayed there for a few minutes at matapos no'n ay nag mouthwash ako at nag retouch ng kaunti. I went out to the restroom, and when I was on my way back to our table I suddenly bumped into a man. Medyo napalakas ang pagkaka bunggo ko sakanya, kaya't napahawak siya sa baywang ko. The heck! Nahihilo ako at medyo pumipikit na.
Nilingon ko siya, hindi ko gaano mamukhaan dahil medyo dim ang lights sa part namin at medyo tipsy pa rin ako. Lumapit ako para mamukhaan siya. Binitawan nito ang aking baywang at umigting ang kanyang panga, halos perpekto ito sa pagkakaukit. His hair is clean cut. His eyebrows were dimmed by his brown and deep set eyes. Matangos din ang kanyang ilong at ang kanyang labi ay mapupula at mukhang masarap halikan.
His muscles looked tight on his white botton down polo. Mukhang kagagaling lang sa trabaho. Napakagat ako sa pang ibabang labi ko. Parang nawala ang pagkahilo ko dahil sa lalaking nasa harap ko.
Nalanghap ko ang kaniyang pabango at hindi ko namamalayang lumalapit na pala ako sa kanya,
"I know that perfume," wala sa sariling sabi ko habang pumipikit. Nang hindi siya nag salita ay tinuloy ko ang gusto kong sabihin, "Bleu de Chanel? If I'm not mistaken." Sabay ngisi ko.
Hindi pa rin siya sumagot, nag angat ako ng tingin at tinitigan ko siya. His eyes were devastating. Dark, and inviting, they were the sort of open windows that decent people draped. Mas lalo akong nawawala sa huwisyo.
"Staring is rude" he said without even blinking. Even his voice sounds husky and manly. His eyes were dizzying heat and lust. I can't stare at him for long, natatakot akong mapantayan ang nararamdaman niya.
"The f**k I care?" Walang alinlangang sagot ko nang nakitang naglalakad na ito paalis, hindi manlang ako pinagtuunan ng pansin. Lumunok siya at nilingon ako.
Tinignan niya ang labi ko, nag tagal ang tingin niya roon. Alam ko ang gusto niyang ipahiwatig so I took the opportunity to attack him with foreign and lustful kisses.
He was shocked and didn't respond. "What are you doing? You're drunk, miss." Ani niya sabay hawak sa kamay ko para pigilan ako sa gusto kong gawin. I kissed him again, and he responded quickly. Napangisi ako, magpapadala rin pala pinatagal pa.
I've been in a club for a long time but I've never encountered such a serious and mysterious man.
His arms went around my neck, my body reacted instinctively because of his touch. He softly bit my lower lip and sucked it like it was a dessert, "you'll regret this tomorrow." Aniya. Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil nawawala ako sa aking huwisyo sa t'wing hinahalikan niya ako.
Naramdaman ko ang haplos niya sa aking hita, I'm wearing a black leather skirt and a midriff top. I swallowed hard, nagiging alipin ako ng sarili kong pagnanasa.
Uminit ang pisngi ko nang narinig ko siyang magmura. Tumaas ang haplos niya sa aking dibdib habang hinahalikan ako. Isang mura muli ang pinakawalan niya bago niya ako binitawan.
Hindi ko nagustuhan nang tumigil siya sa ginagawa. And heck! I didn't even know that I'm this naughty when I'm drunk! Mag sasalita na sana ako nang bigla niya akong naunahan, "this is not right." Sabi niya at tinalikuran ako.