"Ako po ang ama ng batang babaeng yun, ako po si cholo kleron!" Napalunok ang babaeng nasa harapan namin. "B-bakit ngayon kalang?" Nangunot ang noo namin. "Maam? Magsalita po kayo!" Napailing iling to. "Walang batang babae dito." Pag sasaraduhan na sana niya kami ng pintuan ng hinarang ko ang braso ko. "Maam? Wag niyo po sagarin ang pasensya ko!" Ngumiti ako. Konti nalang! Napalunok ulit ito. "N-nawala! Nawala ang batang yun!" Napatingin ako kay thegan. Agad na nag approach ito. "Pwedi po ba kaming pumasok?" Hindi pa naka oo ang matanda ay agad narin pumasok si thegan at ang mga kasamahan ko. Nanatili lang ako sa pintuan. Nakatingin sa matanda. Nang halos libutin na nila ang bahay ay napatingin si thegan saakin. At umiiling. Binalingan ko ang matanda. Nang marinig ko

