**15** Pagdating namin sa isang hotel ay agad siyang naligo habang ako ay nag pahinga nalang muna sa sala. Pinalibutot ko ang mga mata ko. Ang ganda ng unit niya. Full white at plain lang Ang design nito. Walang mga checheboretse. Tapos ang flat screen tv niya ang laki parang sinlaki na nang kisame namin. 65 inches tapos ang lapad. Hindi ko alintana ang lakas ng ulan sa labas. Bigla nalang bumuhos iyon pagdating namin. Ang lamig at sumasabay pa sa lamig ng Korea. Nakita ko siyang bumaba naka suot siya ng white v-neck again at pants na white. Ang neat niya tignan sa ayos niya. Ang amo din ng mukha niya pero pag nakilala mo siya sobrang sungit tapos palagi nakakunot ang noo. Wala siyang imik na lumapit sa'kin saka ako hinalikan sa labi. Napaawang ang labi ko na tinignan siya. Ganon lang?

