"Cholo, kausapin munaman ako!" Hindi na siya lumabas mula kanina sa banyo. Kanina ko narin siya naririnig na sumusuntok sa salamin ng banyo. Iyak ako ng iyak habang humihingi ng tawad. Mali ang nakita niya, hindi naman ganun ang iniisip niya. "Sorry na!" Umupo ako sa may pintuan at sumandal. "Magkaybigan lang kami, maniwala ka naman!" Seloso siya naiintindihan ko yun, pero mali naman kasi ang iniisip niya. Kasalan ko kung bakit siya ganito, ngayon ko lang siya nakitang nag pipigil ng galit niya. "M-magsalita ka naman oh!" Umiiyak narin akong nag mamakawa sa kaniya. Mas lalo pa nadagdagan ang problema ko. "Please! Nagsalita ka naman. Sorry na, hindi na mauulit pa yun. Promise! Hindi na. Gagawin ko na lahat ng gusto mo. Lahat lahat, hindi na ako makikipag usap sa ibang lalaki maliban sa

