nagising ako na may naka yakap saakin. Naramdaman ko halos ang hininga niya. Hmm! Himbing niyang matulog. Dahan dahan akong umalis sa kama at kumuha ng boxer at damit sa may drawer niya. Paglabas ko ay nakita ko si dolly sa sala habang nanonood ng cartoon s tv! Lumapit ako sa kaniya saka hinalikan sa pisnge. Hapon na pala at hindi ko namalayan! "Nakita mo si ate mo mian at kuya mo lash?" "Opo! Bumili po sila ng makakain natin mamayang hapon!" "Ah!" Inayos ko ang buhok niya. Ang ganda ng buhok niya at ang tangos ng ilong. "Sigurado ka bang hindi ka anak ni kuya lash?" Napatingin ang bata saakin. "Hindi po, Hindi naman kasi ako galing sa tiyan ni ate mian eh, kaya Hindi ko siya daddy!" "Eh kasi ang cute cute mo eh, kamukha mo si lash-" ngumiti ang bata saakin. "At ang kuya cholo mo!

