Chapter 5

2474 Words
Nanginginig ang mga laman ko habang nagda-drive papunta sa condo. Ilang beses kong sinipat ng tingin ang rear view mirror ng aking sasakyan dahil baka sundan niya ako. Alam kong imposible pero natatakot pa rin ako. Natatakot ako dahil baka may salitang makatakas sa makasalanang bibig niya na minsan na akong pinaikot at pinaglaruan. Habang palapit na ako sa aking tinutuluyan ay saka lang ako kumakalma, lalo na nang masigurong wala namang sumusunod sa akin. Nagpapasalamat ako dahil kahit nakainom at nanginginig sa takot ay nakauwi pa rin ako nang ligtas. Napatingin ako sa anti-depressant na gamot na hindi ko man lang nagamit dahil sa adrenaline rush. Kahit napagtanto ko na may masamang epekto pa rin siya sa akin ay masaya pa rin ako dahil hindi ko na kailangang inumin 'yan para kumalma. Sa loob ng walong taon ay natuto rin akong kontrolin ang nararamdaman ko. Totoo talaga ang mga sinabi sa akin ng personal psychiatrist ko. Kamakailan lang kasi ay nakasalubong ko ang mga former classmates ko sa mall medyo nagpa-panic pa rin ako pero hindi na kasing lala na kagaya noon. Naramdaman ko na biglang nag-vibrate ang aking cellphone. Tiningnan ko iyon at nagpakawala ng matunog na hininga bago ko iyon kinuha. Nakita ko sa screen ang nagpala ng mensahe at tumatak doon ang pnagalan ni Zelmy. Ipinaliwanag sa akin ng kaibigan ko ang dahilan niya kung bakit hindi siya nakasipot kanina. Ito ay dahil nagkaroon daw siya nang biglaang buwan ng daloy. Inaatake na naman siya ng buwanang sakit naming mga babae. Palagi kasing sumasakit ang puson niya at matamlay kapag nagkakaroon ng dalaw. Gabing-gabi na pero hindi pa rin ito natutulog, o kaya ay kagigising lang niya. Nag-isip muna ako kung sasagutin ko ba ang mensahe niya dahil baka yayain ako nito sa kanila pero sa huli ay nag-reply din ako. Pagkatapos ko mag-reply sa kaniya ay lumabas na ako ng kotse. Ramdam ko ang pagod at pananabik na matulog. Mabigat ang katawan ko dahil sinigurado ko talaga kanina na maraming alak ang maiinom ko bago umuwi para makakatulog ako ng maayos sa condo. Nang makapasok na ako sa aking kwarto at nang makita ko ang aking higaan, drowsiness instantly attacked me. I've remembered that I've been awake for almost two days. It was the right time to rest to face another day of loneliness. Nagpalit ako ng damit pantulog kahit na hindi pa ako nakakapaglinis ng katawan. Mabuti na rin dahil Biyernes ngayon dahil plano kong tanghali magising. Naka-set talaga palagi ang weekend days ko para sa sarili ko kung kaya't wala akong balak pumasok sa trabaho bukas. Malas ko lang dahil kailangan ko pang i-singit ang reunion. Balak ko pa naman sanang mag-club ulit kinagabihan. Speaking of the reunion, I didn't know why Preslyn invited me. Those cruel people who surely got invited hated me. Maybe, she had an evil plan on her sleeves for inviting me, I would give her what she wanted. I would show her how time shaped me to become a better person despite the hate I've received from them. Before I sleep, I called my secretary to prepare my heels to wear that would suit my outfit tomorrow with my lunch. I explained everything to her through phone calls. At ibinilin ko rin sa kaniya na tanghali niya sa akin idala iyon sa condo at puwede na siya mag-work from home hanggang Linggo *** Kinabukasan ay nagising ako sa ingay ng doorbell ko. Napatingin ako sa orasan at nakitang tanghali na. Malakas ang kutob ko na ang secretary ko iyon dala ang mga inuutos ko sa kaniya. Kinukusot ko ang aking mga mata habang naglalakad papunta sa pintuan. Hindi nga ako nagkamali nang makita ang secretary ko sa labas ng pinto. "Ma'am, here's your lunch and heels," pormal na sabi nito habang may hawak na dalawang paper bag. Hindi na siya nagulat nang makita akong nakasuot ng damit pantulog dahil ilang beses niya na akong nakitang ganito. Kinuha ko iyon sa kaniya at pagkatapos ay sinabihan siya ng ilang mga bilin bago ko siya pinauwi. Nagpaalam na ito sa akin at tumalikod na rin kaagad. Nakagawa na siya ng ilang mga hakbang papaalis nang bigla kong naisip na yayain siyang kumain nang sabay. "Wait let's eat, first" Aya ko sa kaniya para may makasama akong kumain. "Nako, Ma'am 'wag na po! Kakatapos ko lang ping kumain at wala na po akong mapaglalagyan sa tiyan ko," nahihiya nitong tanggi sa akin at inaming mari itong nakain sa kanila. Tumango na lang ako dahil ayaw ko naman siyang pilitin. Matapos kong isara ang pintoan ay nilapag ko na lang sa may one-seater sofa ang mamahaling heels na binili niya para sa akin. At pumunta na sa aking kitchen para kainin ang lunch na binili niya. Wala nang magmamahal sa akin kung hindi ako lang kung kaya't kailangan ko pa rin alagaan ang sarili ko. Sa maraming nangyari sa akin lalo pa't mag-isa na lang ako ngayon ay kailangan kong mahalin ang sarili nang higit pa sa ibang tao, nang higit pa sa isang lalaki. 'Yan ang pinakamahalagang natutunan ko sa mga nangyari sa akin noon. Pagkatapos kong kumain at ilang oras na pagmumuni-muni ay nagdesisyon na akong maligo sa banyo. Hinubad ko ang aking roba at dahan-dahang nilubog ang aking sarili sa aking bathtub. Ang amoy ng gatas ay nagbibigay sa akin ng relaxation. Ilang oras akong nagbabad doon at halos makatulog na ako. Mabuti na lang dahil nakapag-alarm ako sa cellphone ko na nilagay ko lang sa maliit na mesa ko sa kwarto. Kaya nagmamadali akong nagbanlaw sa shower room at hinugasan nang mabuti ang sariling katawan dahil naiingayan ako sa tunog ng alarm sa aking cellphone. Hindi ako nagmadali sa pag-aayos ng aking sarili dahil alam ko namang hindi ako ang pinakamahalagang panauhin doon. Gusto ko lang paghandaan at ipakita sa kanila na hindi na ako 'yong dati Aarya na inaapi-api nila. Hindi na nila ako masasaktan. I would make them feel that the defenseless Aarya they bullied before was not the same anymore. The color of my hair was now a pretty, cool light gray. I didn’t have the chance to rebond my hair because it was a waste of time. At isa pa, confident ako sa aking buhok. Noon pa man ay asset ko na ang pagka-silky nito. It was half fixed with a diamond cliff. After fixing my hair, I choose a nail rhinestone stud charming on my manicure with a square nail shape. It looked majestically and visually perfect for my hand. Those tiny diamonds on my nails were glowing. And since I obviously loved the design, I chose the same design for my pedicure. I also do skin care treatment for my face. Light make up din ang in-apply ko sa aking mukha dahil hindi talaga ako fan ng mga heavy makeup. Pagkatapos ko mag-lipstick at nakitang tuyo na ang pinagkulay sa mga kuko ay sinuot ko ang napili kong branded na damit at ang branded na heels na pinabili ko sa aking secretary. Isa-isa ko rin sinuot ang aking mga alahas. It was a pair of pearl earrings rounded with small diamonds and bracelets. Pagkatapos ng mga ginawa, I contacted Sussete because she promised me that she would accompany me. Magkikita kami sa piling mamahaling restaurant niya muna ang aming tagpuan. Sinabi naman niya sa akin na naroon na siya at tawagan ko na lang siya kapag nakarating na ako. Since wala naman sa akin problema iyon ay umalis na ako at tumungo sa sinabing address. Nasa malayo pa lang ay nakita ko na sa siya sa bukana. “Oh my gosh, Aarya! I almost don't recognize you! Ang ganda mo!” manghang sabi nito at pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa nang makalapit ako sa kaniya. Naiilang naman ako sa biglang sumilay na ngisi sa labi niya. “’Yan ba ang ayaw um-attend? Mas handa ka pa nga sa akin. Mas lalo ka pang gumanda at para kang mamahalin tingnan! Nabibili ka ba?" patuloy niyang sabi at hinaluan pa ng pagbibiro. “Thank you," mayabang kong tugon at nagkibit balikat na lang bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Then where are we going now?” tanong ko sa kaniya. "Siyempre, sa loob muna!" sabi niya, “Let’s eat first!” We went inside the Vino Me, Cena Me Italian Restaurant. Masyado kasing mareklamo sa pagkain si Sussete kaya rito kami kakain sa restaurant at hindi roon. Halos lahat na lang yata pinipintasan n’ya palagi. Palibhasa’y nanggaling ito sa pamilya ng mga sikat at magagaling na chefs. Pabor naman ang kagustuhan niya sa akin dahil wala akong balak magtagal doon. Medyo gutom na rin ako dahil wala pa akong kain sa tanghalian. Nakalimutan ko na dahil sobrang busy ako sa pagmumuni-muni at pag-aayos para sa araw na ‘to. I ordered Barbazza Con Sagrantino and Salvia and also Cioppino. I missed eating seafood. I added Osso Bucco (braised beef shanks) while Sussete just ordered medium Italian salad. Matalim ang tingin na pinukol ni Sussete sa akin matapos kong mag-order pero hindi ko na lang pinapansin. Alam kong may gusto pa itong sabihin pero hindi na nito isinasatinig. She glared at me then stopped looking at my stomach. Kaya hindi na ako nakatiis at ako na mismo ang nagtanong sa kaniya. “What’s your problem?” kunot-noo ko siyang tinanong dahil naiirita na ako sa kaniyang inaasta. Her stare was very malicious! Hindi ko 'yon gusto. “You are pregnant!” seryoso nitong sabi at base sa kaniyang pagkakasabi ay hindi siya nagtatanong. Walang kahit ano'ng bakas na pagdadalawang-isip ang pagkakasabi niya sa akin. Tinutumbok niya kaagad ako sa mali niyng hinala. Nanlaki ng mga mata ko sa aking narinig at napatigil sa aking pagsubo. “What? And where did that sh*t came from? Sh*t, Sussete tell me who spread that kind of hellish rumor?” Napamura ako dahil sa pagkabigla at nabitawan ang hawak kong kubyertos. “Nothing, Galing lang 'yon sa akin. I’m just asking. Ang takaw mo kasi kaya napagkamalan ko na buntis ka.” “Tanong ba talaga ‘yon? Sa pagkakaintindi ko ay pinupunto mong buntis ako! Gutom lang ako, okay? Isa pa kanina pa ako hindi kumakain, and besides I don’t care if I overeat, malakas ang metabolism ko kaya hindi ako tataba.” Napatango na lang siya at hindi na nagtanong pa. While we were waiting for our order, we talked about the upcoming party. We agreed that we would go to the venue together. We talked a lot until the conversation went to Khazer Leonardo. “You know what? Kung nakita mo lamang siya, he is even more handsome now, Aarya. He’s triple cool and hot, and how I wished that he will offer me a one night with him,” kinikilig niyang pahayag. Bigla akong napangiwi sa sinabi niya. "Plus, he’s a successful businessman and an heir of Leonardo’s Airlines. At hindi lang ‘yan dahil bukod sa almost perfect na ay magaling pa raw ‘yon magluto. May nakapagsabi kasi na isa sa mga chiefs namin ang nakatikim na ng luto niya,” patuloy niyang sabi. “Parang sobra naman yata ‘yang mga naririnig mo!” ‘di makapaniwalang sabi ko. “Oops, hindi ko lang ‘yan ang narinig ko dahil I saw him cooking with my own eyes. He was totally hot and charming now pero about sa pagiging cook niya, hindi ko pa naman natikman ang luto niya kaya alangan pa ako. But one thing is for sure, I will eat whatever he cooks,” kinikilig nitong sabi. Tumahimik lang ako, at sumubo ulit. Hindi nakatakas sa kaniynag paningin ang lungkot sa aking mga mata. Kaya heto na naman siya at kinukulit ako kung bakit ako natahimik. Kahit ano'ng gawin kong pagtanggi ay ayaw pa rin nitong maniwala sa akin. Kaya sa huli ay napabuga na lang ako ng mahinang hininga dahil sa kakulitan niya. Tinitigan ko siya diretso sa kniyang mga mata habang ito naman ay naghihintay sa sasabihin ko. “I saw him,” wala sa sarili kong sabi. Mahina lang ‘yon na parang bulong sa hangin pero hindi pa rin nakaligtas sa pandinig ni Sussete. Hindi niya ako tinantanan hanggang sa mapaamin ako. Kinukulit niya ako hanggang sa magsalita ako pero bukod sa nakita ko ang binata ay wala na akong iba pang sinabi sa kaniya. Mabuti naman dahil hindi na siya nakapagkomento pa. Pagkatapos no'n ay sabay na kaming pumunta sa venue ng reunion. Sa akin na siya nakisabay dahil gusto niya raw makisakay sa bagong labas kong sasakyan. Nang makarating kami sa nasabing lugar ay medyo nagtagal pa ako sa loob ng sasakyan. Bigla kong tiningnan ang aking sarili kung maayos ba ang suot ko. I was wearing a black serpentine gown with a deep-cut cutting and a high slit. Ang laylayan nito ay umabot sa lupa pero hindi naging hadlang upang tabunan ang crystal pumps na suot dahil sa mataas na slit. Transparent ang suot kong pumps kaya lantad ang mga kuko sa paa na pinatungan din ng mga diamond rhinestones. It was revealing and seductive but not trashy. Mabigat na buntonghininga ang pinakawalan ko bago ako lumabas ng kotse. Bigla akong kinabahan nang hindi sinasadya pero ginawa ko ang lahat para pakalmahin ang aking sarili. Nang masigurong okay na ako ay saka ako umayos nang tayo at pumasok sa loob kasama si Sussette. Taas-noo akong naglakad papasok at walang kahit sino’ng pinapansin. I haven’t seen them for almost eight years. And tonight, I would do everything para itago ang lahat ng masasakit na emosyon na ipinabaon nila sa akin na halos walong taon nang nakalipas. Si Preslyn Maniego ang nag-imbita sa akin. And she was the main reason why Khazer was able to break me. May pakiramdam ako na nananadya talaga siya at may plano na naman itong naisip na inihanda para sa akin. Pero subukan lang niyang pag-trip-pan ulit ako, at sinisigurado ko sa kaniyang siya naman ang ipapahiya ko. Kung noon ay ipinagsawalang bahala ko lang ang lahat at dinadaan lang sa iyak, ngayon ay makikita niya ang hinahanap niya. Hindi na ako ang Aarya Allonto na kilala niya noon. Naglakad ako papasok sa loob at marami-rami na rin ang mga tao sa paligid. Sinuyod ko ang buong paligid na abot ng aking paningin upang makita si Sussete dahil bigla itong nawala sa aking tabi. I felt awkward and uncomfortae kahit pinapansin naman ako ng mga nakakakilala sa akin pero siyempre hindi ko na lang pinapahalata. I didn't refuse her invitation because I didn’t want them to think that I was still affected by what happened in the past. So that, they wouldn't assume that I couldn't move on and that was the reason I was here. I wouldn't give them the satisfaction, especially now that I knew how to protect myself. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD