Chapter 45 Kinabukasan ay walang Khazer na nagpakita sa akin. Sa una'y okay lang sa akin pero nang apat na araw na siyang hindi nagpapakita ay nag-aalala na ako sa kaniya. Gusto ko siyang puntahan pero wala akong matinong alibi. Nahihiya akong sabihin na nag-aalala ako sa kaniya. Ayaw ko namang isipin niya na patay na patay pa rin ako sa kaniya. So yeah, kinakabig pa rin ako ng pagiging ma-pride ko. Mas iniisip ko pa rin ang kahihiyan kung ano na naman ang iisipin niya kung ako ang unang gagawa nang hakbang at paraan para magkaayos kami. Kagaya ng nakagawiang routine ay trabaho, bar, at uwi lang ako. Mas lalo lang akong nasi-stress simula nang hindi na nagpapakita sa akin si Khazer. Kung sabagay, nakuha na niya ang matagal niya nang hinihingi—ang aking kapatawaran. Ano pa ba ang makukuha

