Allison Patuloy parin sa pagdaloy ang kanyang luha para iyong gripo na tulo lang nang tulo ang luha.Dapat masaya siya dahil naisakatuparan na niya ang plano nasaktan na niya nang sobra si Drake.Nakita niya kung paano siya nito iyakan.Pero hindi taliwas iyon sa nararamdaman niya dahil sobrang sakit sa kanyang puso ang nararamdaman niya. Ngayon niya na pagtanto na mas-doble pala ang sakit na mararamdaman mo kung ikaw pa mismo ang mananakit sa taong pinakamamahal mo. Ngayon niya na realize na maling-mali ang ginawa niya.Dapat hindi nalang niya itinuloy ang plano niya o dapat tinanggap nalang niya ang pag ibig ni drake.Mukha namang totoong nagsisisi na ito at totoong mahal siya.Kitang kita niya ang pait at sakit sa mga mata nito sobra niya itong nasaktan at nakokonsensya siya dahil sa ginaw

