Allison Kahit puyat ng nakaraang gabi pinilit parin niyang gumising ng maaga.Naginat siya na nakasanayan na niya tuwing gigising sa umaga.Kaya lang ang tumalon ang hindi na niya pwedeng gawin dahil may munting buhay na sa kanyang sinapupunan.Nagpunta siya ng banyo para mag toothbrush at mag hilamos.Nang matapos sa kanyang morning routine lumabas na siya ng kaniyang kwarto. Sakto namang labas niya ang pagbukas rin ng kabilang pinto ng kwartong katabi niya iniluwa niyon ang bagong ligo at naka formal suite na si Drake. Nagtama ang kanilang paningin pero inirapan lamang niya ito.Naglakad siya at nilampasan ito.Kaya lang hinila naman nito ang kanyang braso na muntik niyang ikasubsub sa katawan nito. "Hindi ba pwedeng dahan -dahan lang!"angil niya. "Wag mo akong turuan kung anong gusto kun

