NEXT DAY
"Twenty thousand!!!!bulalas niya ng mabasa ang hangang nakasulat na sa band paper na hawak niya."Sang kamay ng diyos ko kukunin ang ganito kalaking halaga,lalo ngayon hindi ako nakapag tinda sa palengke"
"May naitabi pa akong pera bigay ko muna sayo.”alok ni Ronnie
"Hindi Ronnie itago mo nalang ang pera mo baka naman magagawan ko pa ito ng paraan."
"Kilan ka gagawa ng paraan ngayon pano kung wala kang mahanap na pera di hindi pa makalabas ng ospital nsi aling Lenny lalong lalaki ang bill nyo."mahaba nitong litanya nito.
"Basta hindi ko tatanggapin ang perang inaalok mo baka pag dating ng araw isumbat mo sakin ang lahat ng yaan alam mo namang wala kung maiibigay na kapalit."pabiro pero seryosong turan niya.
"Hindi naman ako nahingi ng kapalit ah.”
"Basta ayoko.."
"Bahala ka nga ang taas ng pride mo ganito nalang kung gusto mong makalabas ng ospital ang mama mo ngayong araw sumama ka sakin."
Napatingin siya ditosa."an tayo pupunta?"nakamaang na tanong niya.
"Raraket yung mabilis na kita tutal ayaw mo namang tanggapin ang inaalok kong pera.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya kahit parang alam na niya ang ibig nitong sabihin.
"Alam mo na ang tinutukoy ko."
"Nako Ronnie kasalanan yang iniisip mo at hindi ko yan kayang gawin."umiiling na sagot niya.
"Ngayon lang naman mailabas mo lang dito sa ospital ang mama mo at tiyak may mga bagong resitang gamot ang kanyang doctor pano mo iyon mabibili?"
Hindi siya umimik totoo naman ang sinasabi nito pero kaya ba niyang gawin ang bagay nayon" siguradong pag nahuli sila kulong sila.
"Bakit may alam kapa bang ibang paraan? Tanong ng munting tinig sa isip niya.
"Pag isipan mo alang alang sa mama mo.'' ani Ronnie.
Nanatili ang kanyang pananahimik.Hanggang muli niyang marinig na magsalita si Ronnie.
"Sige Allison uuwi muba ako at pag napagisipan munang mabuti puntahan mo lang ako."anito
Tango lamang ang naitugon niya dito.
Drake
Ipinarada niya ang kanyang magarang sasakyan sa labas ng isang magarang restaurant.Meron siyang date ngayon with Leslie nakilala niya ito ng minsan dumalo siya dispedida party ng kaibigan niyang si Christian,maganda ito at sexy idagdag pa ang maputi nitong kulay,Nagtatrabaho din ito bilang modelo sa isang modelling company.Nagpakita agad ito ng motibo sa kanya kaya naman siya bilang lalaki hindi niya ito tatanggihan.Ilang beses narin niya itong nadala sa condo niya at ilang beses narin na may nangyayari sa kanila.Pero simulat'sapol sinabi na niya dito na wala ng maslalalim pa sa relasyon nila ngayon at pumayag naman ito so walang naging problema.Wala pa sa isip niya ang magseryoso sa pag-ibig lalo na ang makita ang sarili niya na ikakasal."never "aniya sa isip.
Lumabas siya sa kanyang sasakyan ng mai-park na ito ng maayos,Pumasok siya sa loob ng restaurant at agad naman niyang nakita si Leslie kumalat ito sa kanya,,gumanti naman siya ng kaway dito.
Nakasuot ito ng green dress na lalong nagpatingkad ng maputi nitong kulay nakalugay rin ang tuwid na tuwid nitong buhok.Kahit saan talagang anggulo napakaganda nito.Para tuloy gusto na niya itong hilahin at dalhin sa kanyang condo,Ipinilig niya ang ulo at ngumiti dito.
"Hi.."bati niya.
"Hi.."nakangiting bati nito sabay tayo at mabilis na humalik sa kanyang labi.
"So, order na tayo kanina pa ko gutom."aniya na umupo sa katapat na silya nito.
"Ok,"maikling sagot nito.
Allison
Para ng lalabas ang kanyang puso sa kanyang dibdib.Matapos ang mahabang pag iisip ito ngayon sila ni Ronnie tinanggap niya ang inaalok nito wala na siyang mahanap na ibang paraan Nangutang siya kay Zeny na nag papa 5'6 sa kanilang lugar ang kaso hindi siya nito pinautang,kaya ito siya ngayon kapit sa patalim.
"Nakikita mo ba yung lalaking naka Blue ung may kasamang naka green na babae? Tanong ni Ronnie sa kanya.
Tiningnan niya ang lalaking tinutukoy nito.Nakaharap ito sa gawi nila kaya naman kitang kita niya ang mala Adonis nitong hitsura.Nasa loob sila ng mamahaling restaurant at katulad ng plano magpapanggap silang mayaman naka suot siya ng long sleeve na kulay puti at signature pants na binili pa niya sa ukay at sa kaunaunahang pagkakataon nagalis siya ng sombrero at nagpahid ng manipis na make-up sa knyang mukha. Si Ronnie naman ay naka signature shirt at naka tokong na shorts na tinirnuhan nito ng mamahaling sapatos na binili rin nito sa ukay.
Nakapako parin ang kanyang tingin sa gwapong lalaki."Oo bakit???sagot tanung niya kay Ronnie.
"Siya ang target natin ngayon at tiyak malaking pera ang makukuha natin sa kanya."si Ronnie
" Ha bakit siya wala na bang iba?" Aniya na inalis ang tingin sa lalaking naka Blue at inilipat kay Ronnie ang kanyang tingin.
Parang hindi ko yata kayang gawin dahil kahit napakagwapo ng lalaki parang natatakot siya sa Aura nito.Parang kakaiba ang dating sa kanya." Aniya sa isip.
"Ngayon kapa ba aatras e andito na kayo isipin mo nalang ang mama mo."Sabi ng maliit na tinig sa isip niya.
Muli niyang tiningnan ang lalaki at sa pag angat ng tingin niya dito nagtama ang kanilang paningin.napalunok siya."grabi ang ganda ng kanyang mga mata."aniya sa isip.
At saglit lang nagtama ang kanilang paningin dahil muling ibinalik nito ang tingin sa kasamang babae.nakita rin niya ang pag ngiti nito kaya lumabas ang mapuputi at pantay pantay nitong ngipin.
"Hahanap lang tayo ng magandang tsempo."narinig niya turan ni Ronnie.
Tanging tubig lamang ang nasa table nila hindi na sila umorder ng pagkain dahil can't afford nila ang pagkain sa ganitong restaurant,hindi rin naman pagkain ang ipinunta nila dito.
"Sigurado kabang hindi tayo mahuhuli nito."pabulong na anas niya.
"Oo naman wag kang magalala."ani Ronnie na uminom sa baso nito na may lamang tubig.
"May tiwala ako sayo ha at siguraduhin muna hindi tayo mahuhuli nako kawawa ang mama at kapatid ko pag nakulong ako.
"Akong bahala."maikling tugon nito.
Ilang saglit pa'y nakita na nila ang lalaking naka Blue at kasama nitong babae na tumayo. aT naglakad palabas ng restaurant.Nagkatinginan silA ni Ronnie parehas nangungusap ang kanilang mga mata.
"It's time."mahinang anas ni Ronnie bago tumayo kaya tumayo na rin siya upang sumunod dito."Mabilis kabang tumakbo?" Mahinang tanong sa kanyang ni Ronnie.
"Oo kinakabahang turan niya. ''
"Ok,good siguradong mapapalaban ka ng takbuhan ngayon. ''
Nakita nila ang magkapareha na nagtungo sa parking lot,Sinundan naman nila ito ni Ronnie lalo niyang na napagmasdan ang lalaki hindi lang pala ito gwapo macho pa.
"Panginoon patawarin mo po ako sa gagawin ko,promise po ngayon lang ito dala lang ng matinding pangangailangan."piping dalangin niya.
"Kunwari bubungguin ko siya at pag ginawa ko iyon pagkakataon muna para kunin ang wallet niya siguradong nasa likod na bulsa iyon ng suot niyang pantalon."ani Ronnie
"Oo sige."kinakaban paring sagot niya.
"Pag nakuha mo wag kang magpahalata,tapos maglakad ka ng parang walang nangyari at pag medyo malayo kan saka ka tumakbo aabangan kita sa kanto",sa may likod ng isang fast-food chain."si Ronnie
"Ok,"maikling tugon muli niya.
At bago pa makarating ang lalaking target nila at kasama nitong babae.Mabilis ang ginawang paglakad ni Ronnie at pakunwaring binunggo ang lalaki.at iyon na ang go signal niya mabilis na kumilos ang kanyang kamay at dinukot ang wallet nito sa bulsa.
"What the hell are you doing!napakalaki ng daan oh binunggo mo pa ako."galit na bulyaw ng lalaki kay Ronnie.
"Sorry po, Sir sorry po."hinging paumanhin ni Ronnie na tumingin sa kanya tumango siya para ipaalam dito na nakuha na niya"Ginantihan siya nito ng tango kaya namn mabilis siyang tumalikod at naglakad palayo nang walang lingon likod.
Narinig pa niyang nag reklamo ang kasamang babae ng target nila pero hindi na niya ito pinansin tuloy tuloy siya sa pag lalakad.
Drake's Pov
Naglalakad na sila ni Leslie ng maramdaman niyang may bumungo sa kanyang napalingon siya dito at nakita niya ng isang lalaki at babae na nakita na niya kanina sa loob ng restaurant.
"What the hell are doing!napakalaki ng daan oh binunggo mo pa ako!!!.galit na bulyaw niya sa lalaki.
"Sorry po sir ,sory po."hinging paumanhin naman nito.Na tumingin sa kasama nitong babae napansin niyang parang may kakaiba sa tinginan ng dalawa at pati narin ang pasempleng pagtango ng mga ito.
At ang mabilis na pagalis ng babae pakiramdam niya na parang may mali parang may naamoy siyang kakaiba.
"Pasensya na po talaga kayo sir."anang nakabangga sa kanya sabay talikod nito.
"Sa susunod titingin ka sa dinadaanan mo para hindi ka nakaka-bangga!"turan ni Leslie."let's go Drake."aya nito sa kanya.
Pero hindi siya naingli nakasunod ang tingin niya sa nakabunggo sa kanya tinanaw rin niya ang babaeng kasama nito.Kinapa niya ang kanyang wallet sa kanyang bulsa at totoo nga ang kanyang nasaiisip.Mandurukot ang dalawa talagang sinadya siyang banggain ng lalaki para madukot ng babaeng kasama nito ang wallet niya.
"Wait me here."aniya kay Leslie at mabilis na sinundan ang lalaking bumungo sa kanya pati ang babaeng kasama nito
"SANDALI!!!!sigaw niya.Lumingon naman ang lalaki pero salip na tumigil ito sa paglalakad tumakbo pa ito. Kaya naman lalo siyang nanggalaiti sa galit.
Allison's Pov
Tuloy-tuloy ang ginawa niyang paglalakad ni hindi siya lumilingon,parang maraming nagliliparan paro-paro sa kanyang tiya. At para ring tinatambol ang kanyang dibdib.
"Allison takbo!"sigaw ni Ronnie sa likod niya.Napalingon siya dito, tumatakbo na ito at kasunod nito ang lalaking kanyang dinukutan.
"Takbo!muling sigaw ni Ronnie.
Parang kusa namang gumalaw ang kanyang mga paa mabilis siyang tumakbo halos nababangga na niya ang kanyang mga nakakasalubong hindi na niya nilingon pa si Ronnie.Pumasok siya sa isang iskinita at ng masiguro niyang wala ng sumusunod kanyang tumigil siya para magpahinga .hingal na hingal na siya sa pagtakbo,itinuon niya ang mga braso sa kanyang tuhod.Nang makabawi inayos siya ng tayo at binuklat ang hawak na makapal na wallet.
"Ang kapal nito ah mukhang punong puno ng laman."bulong niya."Ano kayang nangyayari na kay Ronnie nakatakas kaya ito."muling anas niya.
Nanlaki ang mata niya ng mabuklat ang wallet hindi siya nagkamali marami nga iyong laman may halos thirty thousand cash sa loob ng wallet at black card na kinuha niya iyon at binasa ang pangalang nakalmsulat doon.
"Drake Zhane Montillano."mahinang anas niya. "Drake Zhane pala ang pangalan ng lalaki.muli niyang siniyasat ang laman ng wallet nation din ang driver's license nito.At kahit sa maliit na picture sa driver's license nito talagang napakagwapo nag lalaki. At dahil sa paguusisa sa wallet hindi niya namalayan na may nilalang na sa kanyang likuran.
"Marami bang laman!
Napalingon siya sa nagsalita at ganun nalang ang pamimilog ng kanyang mata ng mapagsino ito.Akto na siyang tatakbo ng mabilis na mahagip nito ang kanyang braso sa tindi ng pagkakahawak nito hindi siya makawala.
"At balak mo pang tumakas ha at sa tingin mo saan ka pupunta!"galit na turan nang lalaki na nanlilisik ang matang nakatingin sa kanya.
Bigla siya nitong hinila kaya nman napasubsob siya sa malapad nitong dibdib,amoy na amoy tuloy niya ang masculine cologne nito. Nagpumiglas siya pero malakas ito.
"Dadalhin kita ngayon sa police ."anang baritonong boses nito.
"Kung kaya mo."gumana ang kaniyang isip at nakaisip ng paraan para makawala dito,itinaas niya ang tuhod at malakas itong tinuhod sa maselang bahagi ng katawan nito.
Napaigik ito sa ginawa niya,Nabitawan siya nito kaya naman nakawala siya sa mala bakal nitong kamay.
"Ayaw mo kasi akong bitiwan eh yan ang bagay sayo."nakangising turan niya.Napaluhod na ang lalaki dahil sa sakit n naramdaman.
"Magbabayad ka sa ginawa mo,I will break your little neck!"
"Break your neck yuhin mo yang mukha mo,Kung maabutan mo pa ako. "aniya na tinalikuran ito.
"Sa susunod nating pagkikita tandaan mo pagbabyaran mo ang ginawa mo ito sakin!" Sigaw nito sa kanya. Hindi na niya ito nilingon at mabilis ng nilisan ang lugar na iyon.