Gabi na nang magising si Nadia. Hindi na gaanong masakit ang ibaba niya ngunit mainit parin siya. Akma siyang bababa sa kama nang makitang may pagkain na nakapatong sa ibabaw ng mesa at may sulat na nakalakip doon. "Ako na ang bahala sa anak ko ngayong gabi. Make sure na bukas wala ka ng lagnat baka mahawa sayo ang bata. " Kiligin na sana siya ngunit parang pinaparating ng sulat na kailangan niyang gumaling dahil may bata na maapektuhan sa sakit niya, hindi dahil may malasakit siya. Inubos niya lahat ng pagkain at uminom ng gamot bago natulog ulit. Wala rin siyang gana na bumangon matapos mabasa ang sulat na galing kay Enrico. Kinabukasan maayos na ang kanyang pakiramdam. Wala ng masakit sa kanya. Nakatulong ang ginawang hot compress ni Enrico sa ibaba niya. Nang kapain niya iyon hi

