"A-ano?! Bakit ngayon mo lang sinabi?! " Sigaw niya sabay tayo makaraan ang ilang minuto na pagkatulala sa gulat. "Saan ang bahay niya?" "Sa amin rin- Sir, sandali! " habol na sigaw ni Nenita nang malalaki ang hakbang na umalis si Enrico. "Wala na siya doon, " dugtong niya nang tuluyang makalabas ng bahay ang lalaki. Nagmadali siyang umalis at hindi na pinatapos ang salita ni Nenita. Para siyang nakalipad sa ulap sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi na siya makapaghintay na makita si Nadia. Ngayon, may dahilan na siya para pabalikin si Nadia sa buhay niya. Nakapunta na siya sa bahay nila Nenita, kaya lang may kalakihan ang Barangay Malasila at hindi niya pala naitanong kay Nenita kung saan banda ang bahay ni Nadia. Kaya bawat may tao siyang nakakasalubong sa daan nagtatanong

