"ALIS lang ako sandali Fritz ah?" Nawala ang atensiyon ko sa binabasa kong Vampire Neighbor ng magpaalam si Jerome na aalis siya at talagang bihis na bihis pa. "Saan sibak mo?" Takhang tanong ko. saglit siyang umiwas ng tingin saka ngumiti. "Emergency lang." Emergency? saan naman? as far as I know hindi pwedeng sa mga magulang niya yun dahil galit sakanya ang parents niya at walang balak ang mga ito na ipaalam kung anong kalagayan nila sakanya. "Saglit lang naman ako." "Uhh.. ok." Sagot ko saka ko siya sinundan ng tingin ng mag umpisa siyang umalis. this past few weeks pansin ko na parang medyo nag-iba si Jerome. hindi ko mapaliwanag pero may something kasi akong nararamdaman eh. yung something na hindi ko din maipaliwanag at sa tuwing nararamdaman ko ang something na iyon ay lagi kong

