CHAPTER 59 DAPIT hapon na nang makarating si Roxanne sa Baguio. Hindi niya pa rin lubos maisip kung bakit nakaya niyang ibigay ang lahat kay Trevor nang ganoon na lamang kadali. Wala siyang pinagsisisihan alam niya sa sa puso niya 'yon ang hindi niya lang napaghandaan ay ang mga pweding mangyari. Umalis siya ng walang paalam. Hindi niya nga alam kung gising na ba si Trevor. Napapikit siya nang maalala ito, kanina lang nangako siya sa sarili niyang hindi na ito iisipin pang muli. Bigo na naman siya sa lahat ng pinapangako niya at heto siya, wala siyang ginawa mula kanina kundi ang isipin si Trevor. Aminado siyang nahihirapan na siya ng sobra. Gusto niyang bumalik muli ng Manila para sana kausapin ito at mangakong hindi na siya aalis sa tabi nito--- pero ano ang magagawa niya? Araw-ar

