CHAPTER 28 --- ISANG linggo ang matuling lumipas mula ng nagpasya si Roxanne na manatili sa kompaniya ni Trevor. Naging maayos na rin ang lagay ng nanay Esmeralda niya sa Baguio nang padalhan niya ito ng sapat na halaga para makabili ito ng mga kailangan nitong gamot. Maging ni Summer sa ilang kailangan nito sa Rehab. Kasabay n'on ang naging maayos na relasyon nila ni Trevor. Malaki ang tulong ng paglabas nilang dalawa, matapos silang iwanan noong magkasama. Napabuntong hininga siya ng makita ang sariling repleksyon sa salamin. Kailan pa ba siya huling pumunta ng Parlor para magpaayos ng sarili. Huli pa yata n'ong nagpasya siyang lumuwas ng Manila. Marami naman siyang oras madalas lang talaga niyang pinagliliban ito. "Roxie kain tayo?" Naagaw ang pansin ni Roxanne sa kaibigang

