C H A P T E R 7 0 "ANO ang ginagawa mo dito?" bungad na tanong ni Roxanne sa binata nang makalapit na ito mismo sa kaniya. "Alam mo bang hinanap kita, tapos 'yan lang sasabihin mo sa akin?" Walang kislap ang mga matang tanong sa kaniya ni Trevor. Iniwas niya ang tingin niya rito kasabay ang paglunok ng tuyong laway. Hindi niya alam kung ano nga ba ang sasabihin dito, hindi pa rin siya makapaniwala kung bakit nasa harap niya na ito. Ang buong akala niya matataguan niya ito, pero hindi niya akalaing basta na lamang susulpot ang lalaki sa harap niyang hindi niya napaghandaan. "Surprise?" natatawang tanong sa kaniya ng binata. Hindi ba ang sabi niya kanina kakausapin niya ito at sasabihin niya ang lahat ng gusto niyang sabihin dito? Pero bakit hindi niya magawa ngayon? Bakit nawala

