C H A P T E R 68 MABUTI na lang at may nakita agad siyang apartment na tutuluyan niya pansamantala, simple lang ang kinuha niya. Walang lutuan, hindi raw pwedi magluto d'on at dahil wala rin naman siya planong magluluto. Bukod kasi sa ayaw niyang bumili ng kahit na ano'ng gamit ayaw niyang magtagal sa lugar na 'yon kaya nga mamadaliin niyang makita agad si Roxanne. Isa pa may malapit naman na kainan sa labasan, doon na lang siya kakain pag nagugutom siya. Masarap ang pagkain sa Baguio, marami siyang makikita sa labas. Kahit nga simpleng lugaw lang masaya na siya. Iyon ang isa sa magandang na ituro sa kaniya ni Roxanne, ang maging grateful sa lahat ng bagay na mayroon siya malaki man ito o hindi. Napasinghap siya sa kawalan. Natigilan si Trevor nang may naalala siya noon, ang paaral

