CHAPTER 33

1017 Words

CHAPTER 33 --- MABILIS lumipas ang maghapon, hindi man lang namalayan ni Roxanne. Uwian na pala, napansin niyang naghahanda na si Charie maging sina Hugo at Scout--- samantalang siya at si Trevor hindi pa rin halos nag-uusap. Hindi na ito nagtangka pang kausapin siya, hinayaan na rin siya nitong gawin ang trabaho niya. Hindi na siya nag-abala pang tingnan ito, sapat na ang pag-uusap nila kanina para maramdaman nitong ayaw niya itong makausap pa. Matatapos ang araw niyang hindi kinakausap si Trevor, pwera nga lang kung may kaugnayan ito sa trabaho--- ibang usapan na siguro iyon. Kahit papano propesyonal pa rin naman siya. Trenta minuto bago ang break time nila, sinulyapan niya si Trevor. Nakatalikod ito mula sa kaniya, may isang tasang kape na itong hawak habang malayo ang tingin. 'B

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD