TREVOR SANTILLAN | EDIT LAST PART HINDI na si Roxanne nakatanggi nang dalhin siya nina Lucy at Charie sa isang lumang convention center. Kilalang-kilala niya ang lugar na iyon at hindi niya pweding makalimutan. "Nandito si Trevor?" tanong ni Roxanne sa dalawang kaibigan na nasa tabi nya. Hindi man lang siya tinantanan ng mga ito hangga't sa di siya makapag-ayos. Aminin niya man o hindi tuwang-tuwa naman siya sa naging ayos niya ngayon, may tinatago pa lang talento si Charie pagdating sa pag-me-make up, aniya. Hindi niya maitatanggi ang ganda ng ayos niya. Gusto niyang magpasalamat sa mga ito, wala man siyang ideya kung para saan ang lahat ng iyon. "Mamaya makikita mo rin siya," sagot sa kaniya ni Lucy. Hinawi nito ang buhok na nakatabing sa pisngi niya. "Ano ba talagang m

