CHAPTER 19 MASIGLA na ulit nang bumangon si Roxanne. Nauna pa siyang nag-ayos kay Charie para sa pagpasok. Wala naman silang ginawa kahapon nang umuwi silang dalawa. Nagoahinga lang talaga sila, wala naman nagawa si Charie sa kaniya kahit ano'ng pilit na niyaya siya nitong lumabas kahit sandali. Wala talaga siyang gana. Pero ngayon masigla na siya. Gusto niya nga agad makarating ng opisina, para sa mga nakabinbin niyang trabaho. "Gising ka na pala," bungad sa kaniya ni Charie. Ngumiti siya rito bilang tugon. Pupungas-pungas pa itong bumangon. "Ang aga naman," aniya sa kaniya. "Tanghali na ano ka ba. Gusto nga sana kitang gisingin kaso ang himbing pa ng tulog mo," anito sa kaibigan. "Parang wala akong ganang pumasok ngayon." Nilingon niya itong nagtatanong ang mga mata. "Bakit naman

