CHAPTER ONE : ANG SIMULA

1123 Words
CHAPTER ONE Napasinghap si Roxanne sa hangin nang makarating siya ng Manila--- ang lugar na pinangarap niyang puntahan noon pa mang bata siya. Sadyang malayo lang ito sa lungsod na kung saan siya lumaki't nakatira. Kung siya nga lang sana ang tatanungin ayaw niya ng pumunta ng Manila, kuntento na siya sa Baguio habang lumalaki siya. Iyon nga lang hindi niya rin naman makakayang manatili na lang na walang ginagawang paraan para sa nanang niya at kay Summer---kailangan ng mga ito ang tulong niya, kahit naman hindi sabihin ng pamilya niya, wala ng ibang aasahan ang mga ito kundi siya lang. Magpapakatatag siya 'yon ang pangako ni Roxanne sa sarili--- kakayanin niya ang lahat, kahit na ano'ng pagsubok ang dumating sa buhay niya sa lugar na iyon. Handa siya. Babalik siya ng Baguio na naging matagumpay sa kung ano man ang sadya niya. Naalala niya si Summer ang nag iisang anak ng nanang niya, ang kinikilala niyang kapatid--- ang natitirang pamilya para sa kaniya at ito rin ang mga dahilan kung bakit siya nandito ngayon sa Manila mula sa Baguio. Babawi siya sa lahat ng kabutihan ng mga ito sa kaniya, mula nang iwan siya ng sarili niyang pamilya. "Kamusta na kaya ito?" natanong niya sa sarili. Noong lumuwas siya nasa hospital ito, nagpapagaling. Nagkaroon daw ng depression si Summer ayon sa ilang doctor na tumingin dito mula nang bumalik ito sa kanila. Labis nga siyang nagtataka kung bakit nagkaganoon, huling balita niya sa kapatid---maayos naman ang sitwasyon nito. Hindi niya inaasahan ang pagbabalik nito sa Baguio na may dalang karamdaman na hindi niya maintindihan. Gustuhin niya man manatili roon hindi pwedi--- kailangan niyang gumawa ng paraan para matulungan ang mga ito, siya nalang ang pweding asahan ng pamilya niya. Bumuntong hininga siya dahil nangako siya sa sariling hindi na muna iisipin pa ang mga ito, habang nasa Manila siya. Kailangan niyang maghanap ng trabaho para may ipangtustos sa pagpapagamot ng nanay nila at ganoon din kay Summer. Napatingin siya sa isang karitulang "Wanted Secretary" lumiwanag ang tingin niya, umaasang ito na ang magiging sagot sa pagluwas niya. Ang magkaroon agad ng trabaho, kahit na ano'ng trabaho papasukin niya--- pwera lang s'yempre sa pagbebenta ng sarili. Binaba ni Roxanne ang tingin sa envelope na hawak niya. Gagawin niya ang lahat makahanap lang agad siya ng pagkakakitaan na pweding makatulong sa mga naiwan niya sa Baguio. "SIR..." nag-aalangang tawag ni Charie kay Trevor. Hindi man lang siya lumingon o tumugon sa tawag nito. Pinanitili ang tingin sa monitor ng laptop niya. "Marami na ho nakapila sa vacant position ni Roma," pagbibigay alam nito sa kaniya, nanatili siyang walang kibo. Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang makipag-usap ng araw na iyon kahit kanino. "Mag-uumpisa na ho ba ang interview, Sir?" muli nitong untag sa kaniya. Napalitan siyang tumango bilang tugon dito. Agad naman itong tumalima matapos magpaalam sa kaniya, ginagawa lang ni Charie ang trabaho nito at kailangan niyang rin sigurong gawin ang sa kaniya. KINAKABAHANG umupo sa isang sulok si Roxanne kahanay ang mga babaeng mag-apply rin siguro katulad niya. Napabuntong-hininga ang dalaga sa nakitang mahabang pila sa bakanteng posisyon. Animo nawawalan nang pag-asa masungkit pa ang bakanteng trabaho. May nauna nang tumungo sa office na ayon sa acting secretary CEO ng kompanya may habilin pa itong mag-ingat raw at masungit ang bossing. Lalong nakaramdam ng kaba si Roxanne nang mapansing tatlo nalang ang isasalang bago siya. Lihim na pinagmasdan ni Roxanne ang katabi napakaganda at napakaseksi nito idagag pa ang mabangong amoy nang dalaga. "Siya na yata ang papasa," malungkot na bulong ng dalaga sa sarili. "Quennie Fajardo," untag ng babaeng kanina pa abala paroon parito. Tumayo ang babaeng kanina pa pinagmamasdan ni Roxanne. Maarteng nagmartsa ito papasok sa office ng CEO laglag balikat na napayuko ang dalaga wala na siyang laban sa tindig, kilos, pananamit at mukha nito 'di na siya uubra pa. "Miss, san ka pupunta?" Lumingon si Roxanne sa babaeng tumanggap ng resume niya kanina. "Uuwi na," maiksi niyang sagot dito. "Bakit? Hindi pa tapos ang interview," anito. Nakangiti ito sa kaniya, mukhang friendly ang kaharap. Maswerte sana siya at mukhang mabait naman ang makatratrabaho niya. "Kailangan ko pa maghanap ng ibang trabaho habang maaga pa, Ma'am," tugon niyang nawawalan ng pag-asa rito. "But you applying here," "E, kasi---" Napabuntong hininga si Roxanne. Hindi alam kung sasabihin dito ang kutob niyang may natanggap na ang bossing nito. "E, kasi---" ulit niya nang biglang bumukas ang pinto ng opisina. Ang magandang dalaga ang niluwa nito, ang inaakala niyang malinawag na mukha ang makikita niya paglabas nito ay kabaliktaran sa buo niyang akala. Nakasimangot itong padabog na lumabas walang paalam na tumalikod sinundan nila ito ng tingin dire-diretso palabas. "O, ikaw na sasalang," pukaw ng babae sa kanya. "Ako na?" ulit niya sa sinabi nito sa kaniya. "Ikaw na. Nakita mo naman semplang 'yong isa." "Kinakabahan ako! Baka magaya ako sa kanila." "Be yourself lang, Ms. Martinez. Mabait si sir Trevor tiwala lang sa sarili, kompyansa ang kailangan." Nahihiyang napangiti si Roxanne rito. "Oo nga pala ako si Charie," aniya nito kasabay sa pagpapakilala nito ay ang paglahad ng sariling palad nito sa harap niya. Muling sinundan ni Roxanne ng tingin ang babaeng lumabas. "Go na..." Akma sanang tatalima si Roxanne kasama ang nagpakilalang Charie nang biglang bumukas ang pinto ng pribadong opisina ng CEO. Napahinto silang dalawa sa madilim na mukha ng lalaking matangkad, maputi, mamula-mula ang pisngi at napakakisig sa suot na tuxedo. Wala sa sariling napalunok si Roxanne sa lalaking animo Adonis sa kagwapuhan nito---naramdaman niya ang pagsiko ni Charie a kaniya, nang palapit na ito sa gawi nila. Ngmamadaling sinalubong ito ni Charie. "Sir, may last applicant pa ho tayo." Tinuro ni Charie si Roxanne. Hindi man lang ito nag-aksayang tingnan siya sa pagiging abala nito sa cellphone. Mukhang may mahalaga pa yatang ginagawa ang amo. "Sir, applicant ho si Ms. Roxanne Martinez ho, ready for interview." Lumingon ito sa gawi ni Charie--- blangko ang mukha. "Pakisabi sa kaniya maghintay siya maghapon or else magdamag! Hanggang sa magkaoras akong kausapin siya!" aroganteng saad nito---ni hindi man lang nagawang tingnan ang dalaga bago ito naglakad palabas ng gusali kasunod ang natamemeng si Charie. Tulalang naiwan si Roxanne sa naging asal ng binata nagpasya siyang umalis. Wala naman yata siyang mapapala sa lugar na 'yon, sasayangin niya lang ang oras niya, aniya. Nang muling maalala ni Roxanne ang gwapong mukha ng binata paatras siyang bumalik ng opisina. Susuko na lang ba siya basta-basta kung nandoon na siya sa unang hakbang ng mga plano niya? "Behave Roxanne! Kaiangan mo ng trabaho--- kailangan mo!" bulong niya sa sarili kasabay ang muling pag-alala sa mukha ng gwapong amo ng babaeng nakilala niyang si Charie. Ang nakilala niyang si Trevor Santillan. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD