And after everything that has happened in my life, losing another person dear to me is the last thing I want to experience. Kung wala si Nana ay hindi ko na alam kung saan pa ako pupulutin nang mga panahon na iyon ng buhay ko. Siya nalang ang kinakapitan kong dahilan kung bakit lumalaban pa ako sa patapon na mundong ito. Hindi ko na kailangan ang kahit na ano lalo na't galing pa sa kanila. Sa kanila na mga halimaw.
Wala silang alam sa buhay namin dito sa Sylvanus. Wala silang ibang inisip kundi ang kapakanan nilang mga nasa itaas na. And I hate them so much for that!
"Hindi ako mawawala, Rian. Makakasama mo akong bubuuin ang pangarap mo." Hinaplos niya ang pisngi ko. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Breathe, Rian.
Pagsapit ng alas nuwebe ng umaga ay agad kaming umalis sa bahay at nagpunta sa Sentro. Halos isang oras pa kaming nakasakay sa nag-iisang tren sa bayan namin habang nagsisiksikan sa loob.
Nangunot ang noo ko. I don't even know how this thing still works with all of those creeking sounds. Parang anytime ay bibigay na ito at hihinto nalang bigla sa gitna ng mahabang reles.
Nginitian ako ni Nana nang makita niya ang kunot sa noo ko habang pawis na pawis na nakatayo sa harap niya sa gitna ng dalawang lalaking kanina pa iniipit ng paulit ulit ang buhok ko. Naiinis na nagpipigil nalang ako sa sarili dahil hindi naman ako makaangal. Wala na rin namang maigagalaw sa lagay namin dito. Eh, paano nga ba? Para na kaming mga sardinas sa sikip namin dito. Sabaw naman sa de-latang tren na ito ang pawis namin.