Napa-atras ako mula sa pagkakahawak kanina sa rehas, “Bakit—bakit nasa iyo yan?!” nanlaki ang mga mata at pasigaw kong tanong sa kanya nang makita kong hawak niya ang vibrator ko. Nananatili ang ngiti sa kanyang labi, “Kinuha ko ang mga koleksyon mo, so you won’t get bored while you’re here.” Lalong namumuo ang galit ko sa kanya, “Hindi yan ang kailangan ko! Ang kailangan ko ay makawala ako dito! Pakawalan mo na ako!” sigaw kong muli. “No!” sigaw niya at kinuha muli ang baril at tinutok iyon sa akin. Dahil sa galit na namumuo sa loob ng isip ko, ay muli akong lumapit sa rehas at sinabing, “Sige! Barilin mo ako! Tutal, yun rin naman ang plano mo, di ba? Bakit mo pa pinapatagal? Bakit mo pa ako pinaglalaruan?!” singhal ko sa kanya. Saglit siyang nag-isip at nang alisin niya ang safe sa

